TLR | 21

83 6 1
                                    

~Althea Francheska Blaire~
Masaya silang naguusap sa may hapagkainan habang kami ni Liam ay nandito na sa kwarto pinagmamasdan ko ang mukha niya habang natutulog...

Nang biglang may kumatok...

Knock...

Knock...

"Pasok" sambit ko

Sabay nagbukas ang pintuan at nakita ko si Nathan na nakangiti...

"Tulog na?" Tanong niya

"Oo" sambit ko

"Mukhang napagod siya sa byahe ah" sambit niya

"Hindi kasi siya masyado nakapagpahinga eh" sambit ko

"Hmm..." sambit niya sabay hawak sa baba niya

"Bakit?" Tanong ko

"Napagplanuhan nila sa ibaba na magarcade daw tayo bukas" sambit niya

"Ano? Arcade?" Tanong ko

"Oo... para daw makapagenjoy si Liam" nakangiti niyang sinabi

"Ahh okay" sambit ko

"Tsaka... baka bumisita kayo sa old school niyo" dagdag niya

Nanlaki mga mata ko sa gulat... ang Academy na sobrang kinamumuhian ko ang mga estudyante .. hayst...

"Oh bakit parang nagbago ang ekspresyon ng iyong mukha?" Tanong niya

"Ahh medyo pagod lang ako... sige pahinga na rin ako... Goodnight" sambit ko

"Ahh.. ganun ... sige goodnight... sweet dreams" sambit niya sabay kindat...

Paalis na siya nang may huli siyang sinabi...

"Dream of me"

Dream of me mo mukha mo... hay nako...

~Mr. Lim~

"Hello? Nandyan ba si Nathan?" Tanong ko sa  mga guwardiya

"Umalis po si Young Master.." sagot ng isa sa  mga guwardiya

"Huh? Saan siya nagpunta?" Gulat kong tinanong

"Hindi po niya sinabi samin eh... pasensya na po" sambit nila

"Haist.. napakapasaway talaga ng batang iyon! Susmaryosep!" Napaface palm na lamang ako biglang sumakit ulo ko sa isang yon

Tinawagan ko agad yung Mama ni Nathan...

"Ah.. hello..." sambit ko habang nauutal

"Ano ng balita?" Tanong niya

"Umalis yung anak mo... ng walang pasabi" sambit ko

"Ahh...sige... ayos lang" sambit niya pero ramdam ko sa tono ng pananalita niya na medyo malungkot siya

"Tatawagan ko siya" sambit ko

"Hindi... huwag na... hihintayin ko na lang siyang bumalik dito" sambit niya sabay ibinaba na niya ang tawagan

Naku naman! Nathan oh! Nasaan ka na bang bata ka!!! Napakapasaway mo talaga!

"NATHAN LIM!!!!!!!" sigaw ko

"Hala... Master kalma lang po babalik din po si Young Master" sambit ng isa sa mga guwardiya

"Maupo na po muna kayo" sambit nung isa sabay ginabayan ako sa pagupo

"Tubig!!! Bilis!!!" Sambit nung isa

"Eto na!!!"

Nang biglang madapa at natapon...

Napakalampa.. pati itong mga toh sakit sa ulo rin eh!

The Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon