~Althea Francheska Blaire~
"Ah.. haha no thanks..." sambit ko
"Okay" sambit ni Jameson sabay inom ulit ng pineapple juice
"Hmm... Sige una na muna ko gusto ko na magpahinga" sambit ko
"Ahh sige... hatid na kita you want?" Sambit ni Nathan
"Nope... okay lang huwag na" sambit ko sabay ngiti
"Ahh sige" nakangiti niyang sinabi
Naglakad na ako papasok ng Beach House habang naglalakad ako ay patingin-tingin ako sa paligid pagkaakyat ko sa hagdanan biglang may narinig ako...
"Sino ka ba?"
Boses ni Nath yun ah... teka sino kinakausap niya? Sa sobrang curious ko sinilip ko na ginagawa niya.
Nang makita ko nakasandal siya sa pader at medyo pawis na pawis nakatingin siya sa harapan niya...
"Sino ka ba?"
Inulit niya... teka... nababaliw na ba siya? Tatawag na ba ako ng ambulance?
Pero kita ko sa mata niya wala siya sa sarili niya... bigla siyang napahawak sa ulo niya...
"Ahh..." sambit niya
"Na-nath" nauutal kong sinabi
Napatingin siya sakin na walang kaemosyon emosyon ang itsura...
"Nasasaktan ako... pero hindi ko alam bakit" naluluha niyang sinabi
"Nath" wala akong masabi maliban sa pagtawag sa pangalan niya ng paulit ulit pero naluluha rin ako....
"Bakit... hindi ko malaman kung kaninong boses yung paulit-ulit kong naririnig..." sambit niya sabay tingala
Unti-unting tumulo ang luha niya... si Nath nakakulong siya ngayon... tila parang nasa isang lugar siya na pilit siyang ikinukulong... tanging boses ko lang ang nakakareach out sa kanya... pero hindi niya pa rin ako mamukhaan...
Paano ba ako magpapakilala sayo Nath?
"Hindi mo naman kailangan alamin... alalahanin mo lang... kasi kung nasa puso mo ang taong iyon... hindi mo siya malilimutan... bagamat maaalala mo siya" sambit ko sabay naupo ako sa harap niya
"Bakit parang pakiramdam ko... kakilala mo siya" sambit niya
"Hindi ko siya kilala... kasi ikaw ang nakakakilala ng lubos sa taong iyon... ikaw kasi bumuo sa pagkatao niya..." sambit ko
"Bumuo? Isang heartless na tulad ko? Makakabuo ng pagkatao? Huwag ka nga magbiro" sambit niya
"Pero yun ang totoo.. kahit na heartless ka... nabago mo siya at binuo mo kasi nagpakatotoo ka sa kanya" sambit ko
"Pero sa paanong paraan naman ako nagpakatotoo sa kanya?" Tanong niya
"Sa paraang ikaw lang ang nakakaalam kung paano" sambit ko
"Ako lang nakakaalam?" Tanong niya
Oo... dahil... ikaw rin naman ang sagot eh... yung paraan ng pagpapakatotoo mo ay yung pagsasakripisyo mo... kahit cold hearted ka... may pakialam ka pa rin sa mga taong nasa paligid mo... kahit kailan hindi ka naging selfish.. kasi nagawa mo nga akong iparaya kay Chester para lang sumaya siya... kahit alam mong ikaw ang masasaktan sa huli...
"Oo Nath... ikaw lang... kasi ikaw lang rin makakasagot sa mga katanungan mo..." sambit ko
"Grabe... hindi ko alam na nakabuo pala ako ng pagkatao... nakakapanibago... na nakakatuwa..." sambit niya

BINABASA MO ANG
The Last Rose
Fanfiction[BOOK 3] Maalala pa kaya ni Nathaniel kung sino si Althea sa kanyang buhay? O tuluyan na nga bang makakalimutan ni Nathaniel lahat ng alaala niya kasama si Althea... Abangan sa huling libro ng ating kwento nalalapit na ang pagtatapos...