~Althea Francheska Blaire~
Napatigil kami nang may marinig kaming umiiyak napatingin kami sa batang naglalakad habang umiiyak...Nagulat ako nang biglang umalis si Nathan at nilapitan yung bata na umiiyak. Napatigil ito sa pagiyak nang lapitan siya ni Nathan.
"Oh bakit ka naiyak?" Tanong ni Nathan
"Si Mama... iniwan ako..." iyak nung bata
"Huh bakit ka iniwan?" Tanong ni Nathan
"Sabi niya kung hindi dahil sakin hindi daw masisira career niya sa buhay" sambit nito sabay iyak
"Ssshhh tahan na.. sumama ka samin" sambit nito sabay binuhat yung bata
Ang bait niya... ibang-iba siya sa sinasabi nila Chester sakin...
Hindi siya ganoong klase ng tao... napakabuti niya at mag busilak na puso...
"Tahan ka na huwag ka na umiyak..." sambit ni Nathan
"Ang bait mo naman" sambit ko sabay ngiti
"Syempre ramdam ko siya eh" sambit niya sabay tingin sa bata na tumigil na sa pagiyak
"Huh? Bakit naman?" Tanong ko
"Tulad niya... iniwan din ako ng Mama ko..." sambit niya bigla akong natahimik
"Pinalaki ako magisa ni Papa... hindi ko alam ang rason kung bakit niya ako iniwan pero sabi ni Papa mas mabuting huwag ko na daw alamin" sambit niya
"S-sorry hindi ko sinasadyang itanong" sambit ko
"Ano ka ba.... wala lang iyon... okay na naman ako eh.." sambit niya sabay ngiti
Pero kita ko sa mata ang kalungkutan na nararamdaman niya...
"Hmm... bata.." sambit ko sabay tingin sa bata na buhat-buhat ni Nathan
"P-po?" Tanong niya
"Mula ngayon tawagin mo na akong Ate... kukupkupin na kita" sambit ko sabay ngiti
"Po?" Gulat niyang sinabi nang bigla siyang kumawala kay Nathan at dali-daling tumakbo sakin sabay yakap
"Salamat po Ate..." sambit niya sabay iyak
Niyakap ko siya sabay marahan kong hinimas ang ulo niya.
"Ssshhh huwag ka ng umiyak ahhh... hindi ka na magiisa" sambit ko
Nakita kong nakangiti si Nathan samin...
~Nathan Lim~
Kinuhaan ko sila ng litrato ng palihim sabay pinost ko ito sa social media account ko.Ang cute nila... mas nagugustuhan ko tuloy lalo si Althea iba talaga siya sa mga babaeng nakilala ko before....
NathanxLim
BINABASA MO ANG
The Last Rose
Fanfiction[BOOK 3] Maalala pa kaya ni Nathaniel kung sino si Althea sa kanyang buhay? O tuluyan na nga bang makakalimutan ni Nathaniel lahat ng alaala niya kasama si Althea... Abangan sa huling libro ng ating kwento nalalapit na ang pagtatapos...