TLR | 16

80 6 0
                                    

~Nathaniel Blythe Lai~
Unting-unti tumulo ang luha ko...

Teka. Bakit?

Bakit natulo luha ko? Sabay pinunasan ko pero hindi tumitigil sa pagtulo.

Bakit?

Ipinatong ko ang ulo ko sa manibela at umiyak ako ng umiyak...

Ano bang meron? Matapos kong marinig ang kantang iyon...

Biglang nanikip dibdib ko at naiyak ako...

Bakit ang sakit?

Ayoko na muna puntahan si Celine wala na ako sa mood makipagusap ngayon kahit kanino...

Haist...

Ano bang meron sa kantang ito? Bakit ako naiiyak sa kantang ito?

~Celine Chen~
Nandito na ako sa Cafe hinihintay kong dumating si Nath ngayon ang araw na aaminin ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Nakangiti ako habang hawak-hawak ang Frappe ko.

Do you know how I feel?
I’m so happy that I’m about to be sad
When I get up, seems like this’ll all disappear

Hmm.. Ano kaya suot niya ngayon? Nakasuits kaya siya? Kinikilig ako sa tuwing iniisip ko yun. Kahit ano naman bagay sa kanya eh...

Is this a dream? Is it?
I wish it was forever, can’t it be?
A long wait but a short encounter

I’ll remember you
Right now
I’ll engrave us in my heart
Oh I love you
And I will love you
Forever and a day

Remember me
And this song
This song that’s only for you
Oh I love you
And I will love you
Forever and a day

"Miss? Ano pong order niyo?"

Napatingin ako sa Waitress na nakangiti.

"Ahhh... paorder nga ako ng isang Carbonara" sambit ko

Sabay sinulat niya.

"Ano pa po?" Tanong niya

"Yun lang" sagot ko

"Sige po... " sagot niya sabay tango

~Althea Francheska Blaire~

"Crush? Pwe! Yuck! Eew! Kadiri! Huwag ka ngang ano kinikilabutan ako... maaaring pogi ka nga pero..." sambit ko

"Pero? Oy inamin niya pogi ako!" Tukso niya

"Hoy! Magtigil ang piling mo!!!" Namumula kong sinabi

"Oh bakit may kamatis ka sa mukha mo? Kinikilig siya oh yieeeeee!" Sambit niya sabay tawa

"Alam niyo... ate at kuya baka mamaya niyan magkatuluyan kayo HAHA!" Tukso ni Liam

"Hay nako... hindi ganoon kadali ang mafall... Liam bata ka pa hindi mo pa masyado naiintindihan ang totoong pagibig" sambit ko

"Eh ano po ba ang totoong pagibig?" Tanong ni Liam

"Yung sabay kayong tatawa sa kalokohan..."

"Oh parang kayo ni Kuya" sambit niya

"Hindi lang yun... hindi lang sa kalokohan kung hindi yung nandiyan siya para maging crying shoulder mo" sambit ko

"Kaya ko naman gawin yun eh..."

Napatingin ako kay Nathan na nakatingin sakin...

"Hindi lang naman ako pangbiruan kung hindi pangseryosohan din... I can be someone you can lean on rin naman... kung hahayaan mo akong maging crying shoulder mo" sambit niya

The Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon