[BOOK 3]
Maalala pa kaya ni Nathaniel kung sino si Althea sa kanyang buhay? O tuluyan na nga bang makakalimutan ni Nathaniel lahat ng alaala niya kasama si Althea... Abangan sa huling libro ng ating kwento nalalapit na ang pagtatapos...
"Ano bang meron sayo?" Inis kong sinabi habang tumutulo ang luha ko.
Inaalala ko ang pagmumukha ng babaeng yon.
Nakakainis ka Althea! Ano bang meron sayo at nagkakandarapa halos lahat ng lalake sayo?!
Nang maaninag ko si Althea na naglalakad...
Nakasakay ako sa kotse ko... ramdam ko na ang inis na nararamdaman ko.
Agad kong inistart ang engine sinimulan ko ng magmaneho ng mabilis...
Mamatay ka na! Goodbye!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagsimula ng humarurot ang sasakyan ko sa direksyon niya...
~Nathan Lim~ Naglalakad na kami ni Althea palabas tila hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi kasi...
Flashback
"Sige pumapayag na ako..." sambit niya
Nanlaki mata ko sa gulat hindi ako makapaniwala totoo ba itong naririnig ko? Wala bang halong biro ito?
"Te...teka pakiulit kasi may dumaan hindi ko narinig" sambit ko habang pinagpapawisan
"Sabi ko pumapayag na ako... binibigyan na kita ng pagkakataong patunayan ang pagmamahal na nararamdaman mo para sakin" sambit niya
"Ta-talaga?" Sambit ko tila para bang isang panaginip
"Yes!!!" Sigaw ko sabay talon
Nang biglang...
"Wo...woahh" nagulat ako kasi muntik na ako mahulog sa hagdanan
Pero agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako pabalik..
"Salamat" sambit ko sabay ngiti
"Salamat... kasi... binigyan mo ko ng chance.... hindi ko ito sasayangin dahil mahal kita... sobra" sambit ko sabay hinawakan kamay niya at hinalikan ko ang likod ng kanyang kamay
"Binigyan kita ng chance kasi... alam ko may special place ka sa puso ko..." sambit niya habang namumula mukha niya
"At alam ko na hindi mo sasayangin ang pagkakataong ito.. mahal ko pa siya oo pero napapagod na akong habulin siya... sobrang sakit na" sambit niya
"So... rebound mo ako?" Sambit ko
"No... hindi... kasi kahit papaano nagustuhan kita" sambit niya
"Sabi na eh crush mo ko" sambit ko sabay ngiti
Ends Of Flashback
"Althea.. alam mo-"
Hindi ko na naituloy pa nang makita kong may humaharurot na sasakyan...
Agad ko siyang hinila pabalik sabay napahiga kami sa sahig...