TLR | 01

125 7 0
                                    

~Althea Francheska Blaire~

"Sino ka ba?"

Nang marinig ko yung tanong niya ay ramdam ko ang sakit...

"A-ako? Ako si Althea Francheska Blaire" sambit ko

Ako ang girlfriend mo at the same time fiancee...

"Tss. Okay fine... Magstay ka dito... Just don't get too close to me... Medyo nayayamot ako sayo" sambit niya sabay dinaanan ako

"And one more thing..." dagdag niya

"Can you please? Don't talk to me..." sambit niya

"Sumosobra ka na ah..." inis na sinabi ni Kean sabay pinigilan siya ni Drake

"Althea... Let's talk outside" sambit ni Chester sabay hinawakan niya kamay ko at hinila palabas

Pagkalabas namin ay naupo kami sa isang bench medyo madilim na...

"I'm sorry about Nath's behaviour..." sambit niya

"Hindi ayos lang... Haha... Para namang hindi ako sanay sa pagiging spoilt brat niya" sambit ko sabay tawa

"Tama na nga yan..." sambit niya

"Ang alin?" tanong ko

"Yan! Yang pagtawa mo... Pagsasabi mo na okay lang kahit hindi... You know you can cry in front of me... Kung yun ang makakatulong sayo... Para gumaan yang loob mo..." sambit niya

Sabay ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya na medyo ikinagulat ko...

"Pwede ka ng umiyak... Pangako walang makakakita..." sambit niya nang biglang ipatong niya sa ulo ko ang coat niya

Biglang tumulo ang luha ko...

"Akala ko..."

"Handa na akong harapin ang bagong Nath"

"Akala ko... Kaya ko..."

"Akala ko lang pala... Hindi ko pa pala kayang harapin siya..."

"Yung bawat bitaw niya ng masasakit na salita akala ko kakayanin ko hindi pala" dagdag ko

"Hayaan mo na... Huwag ka ng malungkot... Alam ko yung sakit na nararamdaman mo... Medyo nakakapanibago pero si Nath pa rin yan... Haha... Remember... Isa yang halimaw..." sambit niya sabay tawa

Napabangon ako sabay sinuntok siya ng mahina sa braso.

"Panira naman ih!" sambit ko pero natatawa ako

"Oh.. Bakit? Haha! Tingnan mo nga oh natatawa ka!" sambit niya

"Aish..." sambit ko habang pinupunasan ang luha ko

"Oh.. Huwag ka na nga umiyak... Maaalala ka rin niya... Konting tiis lang" sambit niya sabay punas sa luha ko

"Sana nga" sambit ko

~Nathaniel Blythe Lai~
Lumabas ako dahil medyo naiinip na ako nang makita ko si Chester pati yung nakakainis na babaeng yun sa isang bench nakaupo habang nagtatawanan

"Such a flirt" sambit ko nagulat ako sa sinabi ko...

"What did i just say?!" sambit ko

Pinagmasdan ko yung dalawa sa malayuan... Nang makaramdam ako ng sakit... Teka... Ang weird? Bakit naninikip dibdib ko? Bakit parang nasasaktan ako? He hindi ko nga kakilala yang babaeng yan!

Nang biglang lumabas si Prince sabay nagkatinginan kami.

"Oh... Nath... Ano ginagawa mo dito? Pumasok ka nga sa loob mahamog na" sambit niya nang mapatingin siya kila Chester

The Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon