Chapter 15

1.1K 40 1
                                    

Jylex's POV

"Lapad ng ngiti natin ngayon sir Nixon ah." Rinig kong sabi ng guard kay Nixon na kakapasok lang.

Ngumiti si Nixon sa guard bago nagsalita. Uy may something ah.

"Hahahah! Good Morning po mang Nelson!" Bati nito.

"Mamaya nalang muna yan Sheena. Ipadala mo nalang sa office namin ni Mj." Sabi ko saka ko nilapitan si Nixon.

"Lapad ng ngiti mo Woo ah! Anong meron!? May nangyari ba sainyo ni Exy kagabi?" Tanong ko na may ngisi sa labi.

"Gago! Wala noh! Nilutuan lang ako ng lunch ni Exy." Masaya niyang sabi.

Sa ngayon ay makikita mo kung gaano siya ka-saya. Kitang kita sa mga mata niya ang tamis na mga ngiting dulot ng isang simpleng Lunch na luto ni Exy.

"Kala ko naman susundan niyo na agad sina Bryse at Lexzie." Sabi ko.

Agad niya akong binatukan.

"Ang dumi ng isip mo Jylex!" Sabi niya saka biglang sumimangot.

"Oh? Ano nanamang problema mo Nixon? Kani-kanina lang ay nakangiti ka ng malapad ngayon sisimangot ka ng pabigla-bigla? "Gulo kong tanong sakanya.

Suminghap siya ng mabigat bago nagsalita.

"Naramdaman mo na ba yung pakiramdam na hindi mo alam kung magka-ayos ba kayo ng asawa mo o hindi?" Tanong niya saakin kaya napatahimik ako.

Alam kong si Exy ang tinutukoy niya dahil mismo kami ay hindi alam kung magka-ayos ba silang dalawa o hindi.

"Naku pre! Hindi eh. Bakit?" Tanong ko.

"Ewan ko lang. Hindi ko alam kung magka-ayos ba kami o hindi." Sabi niya.

"Naku pare,hayaan mo na muna yan! Ang problemahin mo ay si Devy,paano mo siya kakausapin tungkol sa pagbabalik ni Exy? Remember Nixon,matagal Rin kayong nagsama no Devy." Sabi ko.

Ayaw Kong maging kill joy pero para saakin ay po-problemahin talaga iyon ni Nixon if ever na bumalik na si Devy galing Japan. And I know Devy,she's a freak. Alam kong mag-aaway lang sila ni Exy kung andito siya.

"Right. I have to face Devi,siya ang kasama ko sa loob ng apat na taong iniwan ako ni Exy." Sabi niya.

"Teka,na explain na ba sayo ni Exy kung bakit siya umalis ng bigla bigla?" Tanong ko.

Napatingin siya saakin bago umiling.

"Oh well,hihintayin ko lang kung kailan kaya na niyang sabihin saakin kung bakit siya biglang umalis." Sabi niya.

Tumango lang naman ako sa sinabi niya. Kinakabahan man ako para sa kanya ay hindi ko magawang tulungan siya, this is between him,his wife and the girl who stayed by his side.

"Teka! Wag ka nga'ng bad vibes Jylex. Ang saya ko ngayon eh! Sa ngayon di ko na muna po-problemahin ang problema ko i-e-enjoy ko nalang muna ang pagiging mabait at malambing na asawa ni Exy." Sabi niya.

Nagkibit-balikat lang ako at sinundan siya papunta sa Office niya.

"So kamusta naman si Sheonsa at Yoon? Napag-usapan na ba nila yung tungkol kay Miko?"Tanong niya.

Umiling ako," Ewan ko ba kay Sheonsa, ayaw niya ata eh."Sabi ko.

"Paano na yan?"Tanong niya ulit.

Nagkibit-balikat lang ako, dahil pati ako hindi ko alam kung anong gagawin sakanilang dalawa.

Yoon's POV

Pinindot ko ang doorbell ng bahay nina Sheonsa saka ako binuksan ng gate ni manang.

Bringing Back The Old Us (TNATBBB BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon