SPECIAL CHAPTER 3:"Unexplained"

608 19 2
                                    


Bryse's POV

"Bryse!" lumingon ako ng marinig ko ang boses ni Kenth.

"Bakit?" Tanong ko.

"Andyan na ang Law Dept. Section 9." Paalam niya.

"Papasukin niyo na sila." Cold kong sabi.

Section 9, ang section na puro babae lang habang kami namang Section 1 puro lalaki lang. Kinailangan kaming isahin para sa Int. School Observation. Hindi kasi pwede na sa isang school may section na puro babae at may section na puro lalaki kung hindi naman All boys or All girls school.

Napatingin kami sa kanila,nasa right side ang boys habang nasa left naman ang girls.

"Welcome to Section 1 Law Dept., enjoy your stay."Matamlay na sabi ko.

"Thank you for receiving us."malumanay rin na sabi ni Lydel, Class president nila.

"Sa left ang girls habang sa right naman kaming boys." Sabi ni Kurt,Secretary ng classroom namin.

Nag-agree nalang ang mga babae at nagsi upo na.

Lumabas ako para magpahangin, labag man sa loob ko na makasama ang mga babaeng yan kailangan lang talaga.

"Bryse? Ayos ka lang?" Tanong ni Kenth.

"Bakit naman ako hindi magiging ayos?" Tanong ko.

"Kasi may mga babae na sa section natin? Diba ayaw mo silang kasama?" Tanong ni Kurt.

"Wala tayong choice, gusto nating lahat na makapasa ang school kaya kailangan nating makipaghalibilo sakanila." Sagot ko.

"Bakit nga ba ayaw mo sila?" Tanong ni Kenth.

"Oo nga, bakit ba ayaw mo sakanila? Lalo na yung si Lyde-" Hindi na natapos ni Kurt ang sasabihin niya ng may nagsalita sa likod namin.

"Bryse..." Napatingin kami sa nagsalita, si Lydel pala.

"Pwede ko ba siyang makausap?" Tanong ni Lydel.

"U-uh.. Oo naman, sige Bryse sa loob lang kami ah." Sabi ni Kurt at bigla niyang hinila si Kenth papasok.

"Kailangan mo?"Tanong ko.

"Galit ka parin ba?" Tanong niya.

Hindi ko alam..

Hindi ako nagsalita.

"Bryse, alam kong galit ka sakin. Syempre alam ko naman kung gaano ka importante sayo yung anak natin eh. Pero believe me hindi ko sinasa-"

"Hindi mo sinasadyang ano!? Hindi mo sinasadyang ipalaglag siya!?" Galit kong tanong.

Yumuko siya..

"Ano Lydel!?" Galit kong tanong.

"Bata pa ako nun Bryse! I was only 17! Hindi ko pa kaya yun,isa pa kapag ba andito yung anak natin pananagutan mo ha!? Bata pa tayo nun!"Sabi niya.

Bakit parang siya pa ang galit!?

"17 ka nga! 17 lang rin ako nun Lydel! Pananagutan naman kita eh!Hindi naman ako irresponsableng lalaki! Pero hindi mo ko pinagkatiwalaan! Lumayo ka sakin ng 2 taon tapos pagbalik mo sabi mo pinalaglag mo yung bata!? Alam mo ba yung pakiramdam na hinanda mo ang sarili mo para sa wala Lydel!?"Galit kong tanong.

"I-I'm sorry, Bryse. H-hindi naman sa hindi kita pinagkatiwalaan,may pag aalinlangan lang ang pamilya ko nun sayo. But believe me, hindi ko gusto ang ginawa ko." Sabi niya.

"Enough Lydel, I'm done with this. Tapos na, wala na siya. Hindi mo na siya mababalik.." Sabi ko at pumasok sa room.

Kinuha ko ang bag ko at nagmadaling umalis, tinawag ako ni Kenth pero di ako lumingon. Kailangan ko si Kaelyn, parang
nabuksan kasi ulit yung sugat ng puso ko eh.





Bringing Back The Old Us (TNATBBB BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon