Chapter 4

1.2K 53 14
                                    

Nixon's POV

Asan na ba yung batang yun?

Kanina ko pa siya hinahanap eh!

"Sir Nixon, Tinatawagan ka po ni Sir MJ." Sabi ni Manang.

"Salamat po manang, si Nixy nga po pala asaan?" Tanong ko.

"Ay sir, hindi po ba't pinaubaya niyo siya kay Miss Nixie? Kakakuha lang po nila ni Jylex kani kanina lang.." Sagot ni Manang.

Ay Oo nga pala! May pasalubong pa naman ako sakanya! Sayang!

"Ah salamat nalang po manang.." Sabi ko.

Tumango si manang kaya dumeretso na ako sa telepono malapit sa Computer ni Nixy sa sala..

"Hello Mj? Anong kailangan mo?"

"A-ah, pre wala.. Wag nalang siguro sa susunod nalang.." Utal niyang sabi.

"Ha? Bakit ba?" Tanong ko.

"Wala, gagala lang sana ang Barkada kaso wag nalang.. Busy daw si Lex at si Nixie eh."

Kailan ba nagsama yung dalawang yun?  Simula naman ng maghiwalay sila ay hindi na sila nagsasama kung hindi gusto ni Jylou o di kaya ni Nixy.

"Sige tawagan niyo nalang ako kung gagala kayo!" Sabi ko saka binaba ang Telepono.

"Hey Babe, welcome Home. Kanina ka pa ba?" Tanong ni Devy.

"Ah kakarating ko lang.. Anong Bag ba ang dala ni Nixy nung umalis siya?" Tanong ko.

"Ah yung Maleta niya ang dala niya. Bakit?" Tanong niya ulit.

"Baka lang kasi nakalimutan niyang dalhin yung Nebulizer niya.. Alam mo naman yung batang yun, madaling Mapagod.." Sabi ko.

"You mean the Blue bag with Winnie the pooh design?" Tanong niya

Tumango ako, biglang bumigla ang reaction ng mukha niya.

"OMG!Nixon, nasa kwarto niya yun! Hindi niya nadala!" Sabi ni Devy..

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi niya agad akong umakyat at pumunta sa kwarto niya..

Nakita ko ang Bag na lalagyan ng nebulizer niya katabi ng Napaka laki niyang Teddy bear.

Agad ko yung kinuha at dalidaling tumakbo pababa.

"Nixon where are you going?" Tanong ni Devy.

"Ihahatid ko lang toh kayna Jylex.." Sabi ko.

"Can I come?" Tanong niya.

"Yeah, Bilis baka biglang hingalin si Nixy kaka laro doon!" Sabi ko.

Agad kaming lumabas ng bahay at dumeretso sa Sasakyan.

Agad kong pinaharurot ang sasakyan ng maka labas kami sa gate.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may masaang mangyari kay Nixy, siya nalang ang natitira kong alala kay Exy.. Sakanya ko nalang mabubuhos lahat ng pagmamahal na dapat kong ibigay kay Exy..

Siya nalang yung Naiiwan kong Diyamante.. Siya nalang ang mapagkakatiwalaan ko,dahil lahat ng taong nakapaligid sakin ay niloloko ako.. Maliban nalang sakanila ni Devy..

Sila nalang ang naiiwan..

❄❄❄

Ng ma Park ko ang sasakyan ay dali dali akong bumaba saka nag door bell,at dahil alam ko namang welcome ako sa bahay nato eh dumeretso nalang ako sa may Pinto..

Bringing Back The Old Us (TNATBBB BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon