SPECIAL CHAPTER:"Unexplained" Pt.2

876 24 9
                                    

Bryse's POV

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Lydel saakin.

Naka-tuon parin ang pansin ko sa batang lalaki na naglalaro sa loob ng terrase ngayon.

"Bryse!"Bigla akong natauhan ng tawagin niya ako.

"H-huh?"Tanong ko.

"Sabi ko,anong ginagawa niyo dito!?" Medyo mataas ang tono ng pananalita niya.

"Hinahanap kita kasi nag drop out ka ng day shift,nalaman ko kay Raine na Night Shift ka na pala. But suddenly, sabi sakin ni Raine na may sinusustentuhan ka rawng bata kaya na curious ako."Sabi ko ng deretso at tumingin ulit sa bata.

"Wala kang mapapala dito sakin Bryse. Umuwi ka na!" Sabi niya at akmang aalis na ng mag salita ako.

"Anak ko ba siya?" Tanong ko ng hindi parin nawawala ang tingin sa bata.

"A-ano?" Tanong niyang nauutal.

"His whole face is so me Lydel, even his Voice. May kapareho saakin. Pinanganak siya nung taon kung saan hindi ka na nagpakita saakin. Now tell me, is he my child?" Deretso kong tanong saka ko siya tiningnan.

Nakita ko ang pag lunok niya, may namumuo ring luha sa gilid ng mata niya.

Please,say yes Lydel..Please..

"B-Bryse kasi... Totoong nalaglag ang bata..." Sabi niya.

Para bang nahulog saakin ang buong kalawakan.Nanlumo ako, I was expecting him to be my child. Napayuko ako,I don't know if I should be sad or mad. What does she mean?Sino ang batang yan?

"P-pero.. Kambal sila.. At si Bry lang ang nabuhay.." Sabi niya.

Napatingin ako sakanya, ibig sabihin anak ko nga yan!? Kagaya lang nung kay Ate Nixy!? May kakambal talaga dapat siya kaso namatay at siya nalang ang naiwan! 

"A-anak mo siya Bryse per-"

"Bakit mo siya nilayo sakin? Bakit mo siya pinagkait sakin? Bakit mo ko hinayaang kamuhian ka kahit ang totoo niyan naghihirap ka na palang buhayin siya? Bakit Lydel? Bakit?" Tanong ko, this is so gay but I'm actually crying right now.

Her tears fell, she moved forward to me and held my cheeks. Pinunasan niya ang luha ko.

"Because I love you Bryse." sabi niya at ngumiti.

"Mahal na mahal kita, kaya naisip ko na baka kapag andyan na yung bata hindi mo na matupad ang mga pangarap mo. Bata pa tayo nun Bryse. Naisip ko lang na bakit hindi nalang kita pakawalan,tutal alam ko namang kaya mo ang sarili mo. Hindi mo na kami kailanga'ng makita ng baby." Sabi niy habang nakangiti.

Kumunot ang noo ko, May mali eh. Hindi siya ganyan mag-isip, hindi ganyan ka babaw ang pag-iisip ni Lydel.

"Nak, lapit ka kay mommy." Utos ni Lydel sa batang lalaki, tumayo ito at lumapit ng nakangiti. Ngunit napawi ang ngiti niya ng makita niya si Lydel na umiiyak.

"Mommy? Ba't ka po umiiyak po?"tanong niya.

"Anak, eto na yung.... Yung daddy mo.." Sabi ni Lydel at pinaharap ang bata saakin.

Napatingin siya,saglit siyang natulala bago nagtanong. "Totoo po? Ikaw po ang daddy ko po? Ikaw po si Bryse Woo? Ikaw po?" Tanong niya may pag-aalinlangan niyang tanong.

"Oo,ako nga nak..." Halos pabulong kong sagot.

He smiled bitterly then he started crying.

Aga ko siyang nilapitan at niyakap saka ako tumayo ng matuwid. He's not that heavy,kaya naman nakarga ko lang siya.

"Shh.. Don't cry, I'm already here." Bulong ko sakanya.

Bringing Back The Old Us (TNATBBB BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon