Chapter 13

1.1K 52 2
                                    

Nixon's POV

"Did you like your Party baby?" Tanong ko kay Nixy habang inaayos ko ang higaan niya.

Tumango siya at ngumiti.

"Thank you Dad. First time ko pong maranasan ang magka party na kasama kayo." Sabi niya at ngumiti ng mapait.

Katatapos lang ng party barkada nalang ang naiwan. Pina ligpit narin namin sa mga maids ang pool at garden.

"Nga pala daddy, dito na ba titira ulit sina Mommy?" Tanong niya.

Tiningnan ko siya at ngumiti. Nilapitan ko siya.

"Gusto mo bang dito na si Mommy mo at dalawa mo pang kapatid?" Tanong ko.

"Oo naman po. Matagal ko rin pong hinintay ang maging pamilya ulit tayo kaya gustong gusto ko pong nasa iisang bubong lang tayo." Sabi niya ng nakangiti.

"Baby, daddy will try his best okay? Gagawin ni daddy ang lahat para mabalik sa dati ang pamilya natin." Sabi ko.

"Ok po daddy."sabi niya.

"Sige na matulog ka na ha? Sweet dreams baby. Goodnight."sabi ko bago ko siya kinumutan saka hinalikan sa noo.

Bumaba ako at nakita ko ang barkada na mukhang problemadong problemado.

"No ate! Hindi ko papayag!" Sabi ni Sheonsa.

Nilapitan ko si Exy at nagtanong.

"Yung kambal at si Jylou tulog na ba?" Tanong ko.

Tumango siya, siya kasi ang magpatulog kay Bryse at Lexzie hindi pa kasi sila sanay.

"Tulog na sila. Salamat nga pala sa Polo ha." Sabi niya.

Tumango lang ako nanghiram kasi siya ng polo dahil wala naman siyang dalang mga damit. It suits her well,parang dati lang.

"Anong nangyayari?" Tanong ko.

"Si Sheonsa kasi ang naatasang maging guardian ni Miko. Kaso kailangan niya ng asawa lalo pa't traumatic na si Miko dahil biktima lang ang nanay niya."explain niya.

Tumango ako habang tinitingnan ko sila ni Nixie.

"Sheonsa,imagine if you're the one on Miko's part. Gugustuhin mo rin ng buong pamilya." Sabi ni Nixie.

"Makiki-alam ako ngayon Sheonsa ha? Naalala mo noon? Sabi mo gusto mo pag magka anak ka, kumpleto ang pamilya niyo. Kung nasaan ang tatay dapat andoon ang anak at nanay. Sabi mo noon ayaw mong nasa abroad ang isa dahil kawawa ang maiiwan. Ganyan lang rin ang gusto ni Miko, kumpletong pamilya." Sabi ni Jylex.

Natahimik si Sheonsa at bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Hindi ko kasi alam kung kakayanin kong maging ina. Look, ni hindi ko man lang mapasa ang thesis ko. Paano ko palalakihin si Miko kung mismo nanay ko hindi ako napalaki ng maayos." Sabi niya.

Nilapitan siya ni Nixie at hinaplos ang likod nito.

"Sheonsa, iba si mommy at iba ka. Pwede mo pang higitan ang mga pagkukulang ni mommy. Sheonsa, nandito lang naman kami lagi ka naming so-suportahan." Sabi ni Nixie sa umiiyak na dalaga.

Ngumiti lang si Sheonsa, actually wala nama'ng problema sa kaniya eh. She's caring and responsible hindi lang talaga siya matalino.

"Wag kang mag-alala Sheonsa. Hindi ka naman magkaka asawa ng walang kwenta eh. Napag-usapan na namin ng mommy na si Yoon ang magiging asawa mo." Sabi ni Jylex.

"Pumayag narin naman ang mga magulang ni Yoon dahil simula bata kayo ay pinlano naman na talaga nila ang kasal ninyo." Sabi ni Mj.

Agad na nanlaki ang mata ni Sheonsa. Yan na nga ba sinasabi ko eh,hanggang ngayon kasi bitter parin toh si Sheonsa. Siya kasi ang nakipag break kay Yoon.

"What!?" She exclaimed.

"Hyung anong pinagsasabi niyo?" Kalmado pero puno ng emosyo'ng tanong ni Yoon kay Mj.

"Yoon listen, eversince bata kayo plinlano na ng mga magulang niyo na ipakasal kayo. They found this adoption a chance para maikasal kayo. So they pursued it." Sabi ni Jin.

"Pero  alam niyong lahat na hind-" naputol ang sasabihin ni Sheonsa ng magsalita si Rocky.

"Na hindi niyo mahal ang isa't isa? Come on Sheonsa, high school palang kayo na at alam naming lahat iyon. I even sacrifices you for Yoon dahil aobrang mahal niyo ang isa't isa." Sabi ni Rocky.

"Try to look at the bright side Sheonsa, hindi ka mahihirapan kay Yoon. All you have to do now is Graduate and then you can have your wedding and the adoption will be pursued. Sheonsa, alam kong may pagmamahal pari'ng naiwan sayo. Kahit gawin mo nalang toh para kay Miko." Sabi ni Nixie.

"Tingin mo mabuti'ng desisyon to nila tita?" Tanong ko kay Exy.

Tumango siya.

"Alam naman nating mahal na mahal ni Yoon si Sheonsa. Aalagaan niya yan kahit anong mangyari lalo na't may bata silang aalagaan. Bagay rin naman sila eh." sabi niya.

"Yoon,mag-usap tayo!" Sabi ni Sheonsa bago siga lumabas ng bahay.

"Sundan mo nalang Yoon." Sabi ni Jin.

Tumango lang si Yoon at sinundan si Sheonsa palabas ng bahay.

"Sige guys!  Uuwi nalang kami ah! Kukunin ko na si Jylou." Sabi ni Jylex.

"Sigurado ba kayong ayaw niyo ng magpalipas ng gabi dito?" Tanong ni Exy.

"Hindi na Exy. May klase rin kasi ang mga bata bukas kaya kailangan nami'ng umuwi." Sabi ni Nixie.

Tumango nalang si Exy.

"Mj, Rocky! Hindi ba kayo dito matutulog?" Tanong ko.

Umiling sila pareho.

"Maaga kami pareho sa office bukas Nixon eh! Sa susunod nalang kapag wala ng klase ang mga anak niyo."sabi ni Mj.

"Sige ingat kayo!" Sabi ko habang hinahatid sila palabas sa Gate.

Nagsi-alisan na silang lahat, huli nama'ng lumabas si Jylex at Nixie dahil karga na ni Jylex si Jylou.

"Sige Nixon,Exy! Uwi na kami, happy birthday uli sa panganay niyo ah! Lumalaki na ya'ng si Nixy. Alagaan niyo yan!" Tangka niya kahit nakatawa siya.

"Sige salamat! Ingat kayo ah!" Sabi ni Exy.

Ng Maka-alis sila ay pumasok na kami sa loob.

"Manang, matulog na po kayo ng iba pang katulong. Pwede pa naman po yang ligpitin bukas eh. Tyaka mag ha-hating gabi narin po. Bukas nalang po yan." Sabi ni Exy kay Manang.

"Nako di ka parin nagbabago Exy,napaka bait mo parin. Sigurado akong mapapalaki mo ng maayos ang mga anak niyo dahil sa kabaitan mo."sabi ni Manang.

"Naku manang! Para nama'ng wala tayong pinagsamahan. Sige na po matulog na po kayo. Tyaka wag po kayong mag alala ok lang po kung matagal kayo gumising bukas." Sabi ni Exy bago siya umakyat papunta sa kwarto ni Bryse.

"Nixon." Tawag ni manang dahil akmang pupunta na ako sa kwarto ko.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Ingatan mo si Exy sa pangatlong pagkakataon. Marami siya'ng sinakripisyo para sa sainyo ng mga anak niyo. Siguraduhin mo lang na hindi na siya masasaktan ulit dahil madadamay na ang mga bata." Sabi ni manang,para na talaga siyang pangalawa'ng ina saakin and I'm glad I met her.

"Opo. Salamat po!" Sabi ko.

Umakyat ako pero imbes na pumunta ako sa kwarto namin ni Exy ay dumeretso ako sa kwarto ni Bryse,doon kasi siya matutulog.

Binuksan ko ang Pinto.

"Nixon? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang kusot kusot ang mga mata niya.

"Exy." I started.

"Hmm?" She hummed asking.

"Sleep with me tonight."

To be continued...

A/N: Sorry po talaga! Sobrang tagal ko na po'ng hindi nag update kaya sorry po! Sana nagustuhan niyo. Babawi po ako kapag free na ako. Sorry po talaga and thanks for Reading.

Bringing Back The Old Us (TNATBBB BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon