Chapter 14

1.1K 56 7
                                    

Exy's POV

"Sleep with me tonight." Sabi niya.

Biglang nanginig ang katawan ko at nanindig ang balahibo ko. Hindi ko alam pero kinabahan ako.

Tiningnan ko lang siya dahil hindi pa ako sigurado sa isasagot ko.

"Hey,don't worry I won't do anything that could harm you." Sabi niya ulit.

Tiningnan ko ang mga bata, wala nga talaga'g espasyo para saakin dito.

Bumuntong hininga ako Bago tumayo.

Tinanguan ko si Nixon bago ako lumabas ng kwarto at dumeretso sa Kwarto namin noon.

Napatingin ako sa kabuo-an ng silid, wala itong ipinag bago,andyan parin ang napakalaking mga larawan namin noon.

Tiningnan ko ang Side table ko noon ng mahagilap ng mata ko ang isang larawan.

"Nixon? San mo nakuha to?" Tanong ko.

Nilapitan niya ako at kinuha sa mga kamay ko ang Picture frame. Narinig ko siyang bumuntong hininga bago nagsalita.

"Nakita ko toh sa Unang bahay natin sa bukirin Exy, nakilala ko doon si Chennie yung bata'ng una mong inalagaan."sabi niya ng hindi nakatingin saakin.

Tumango ako. Naalala ko naman na lahat kaya hindi na ako nag abala pang magtanong.

Umupo ako sa kama malapit sa may larawan ko kung saan ako natutulog dati.

Habang nagaayos si Nixon ng gamit pa'ng office ay may bigla akong naitanong sakanya.

"Nixon may iba ka bang babaeng napapasok sa kwarto'ng toh?" Bigla kong tanong. Curious lang naman ako dahil baka hindi na pala ako ang nagmamay-ari ng pwestong toh.

Tiningnan niya ako ng napaka awkward. May mali ba sa tanong ko?

"Ba't mo natanong?" Tanong niya.

Nakibit-balikat lang ako bago nagsalita.

"Wala naman, para lang aware ako kung baka may nagmamay-ari na ng pwestong hihigaan ko." Sabi ko na para ba'ng patay malisya ako sa lahag ng nangyayari.

Bigla niya nalang akong tinulak sa kama at nakapa-ebabaw siya saakin.

"Exy.. Ikaw lang ang babaeng ipinapasok ko sa silid nato. So please wag kang magisip ng kung ano ano." Sabi niya na para bang nakikiusap siyang paniwalaan ko iyon,unti unti niyang nilapit ang mukha niya kaya agad akong nagsalita.Baka kung saan pa mauwi toh. Delikado.

"Nixon. Nagtanong lang ako masyado kang affective eh! Ang physical mo naman masyado!" Sabi ko at tinulak siya para makatayo ako.

Ngunit laking gulat ko ng itulak niya ako pabalik sa kama at bigla nalang niya akong hinalikan.

Nanlaki man ang mga mata ko ay hindi naman gumalaw ang katawalan ko at tila ba hindi ito umaangal sa sitwasyong nangyayari. Magkalapat ang labi namin ngayon at inaamin kong sobrang na-miss ko ang mga labi niya.

Ilang segundo ang lumipas bago siya tumigil. Lumayo siya ng konti saakin.

He suddenly smiled.

"I missed your lips, Exy." He said in a lowly voice.

I didn't respond nagre-register pa sa utak ko na hinalikan niya ako kani-kanina lang.

Ilang segundo akong nakatunganga ng bigla ulit siyang lumapit pero this time ay umiwas na ako.

He laughed then kissed my Forehead.

"Goodnight, sweet dreams." Sabi niya bago siya pumunta sa side niya sa kama. Leaving me dumb founded.

Bringing Back The Old Us (TNATBBB BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon