CHAPTER 1: Tasha Reniel Sayon

35 1 0
                                    

TASHA       






TOK! TOK! TOK!


"Tashang? Gising ka na ba?"


Yamot akong napakamot sa pisngi at napahikab nang marinig ang malalakas na katok ng isang lalaki sa labas ng aking kwarto. Mabilis kong isinubsob ang aking mukha sa malaking unan na nasa gilid ko.


Oh please! Ayaw ko pang bumangon!


Ano ba yan! Naistorbo tuloy ang tulog ko.


Kahit kasi anong pagpupumilit ang gawin kong magmulat ng mga mata ay hindi ko magawa dahil nga sa kama ko.


Ayaw niya kasi akong pakawalan kaya pagbibigyan ko muna. Hehe!


TOK! TOK! TOK!


"Huyy! Tashang? Gising na!" this time ibang lalaki na naman ang narinig kong kumakatok sa pintuan ko.


Hindi ko na inabala pa ang sarili sa paghula kung sino na naman ang kumakatok ngayon sa labas.


Tinatamad ako eh!


Haay! Ano bang problema nila? Naiistorbo na yung mga brain cells ko sa kakatok nila sa labas.


Nagmomoment pa kami ng kama ko dito eh! I need another 1 hour pa para matulog.


Sana pala naglagay na lang ako sa labas ng 'Knock on the WALL not on the DOOR' policy. Mas mabuti kung sa pader sila kumatok dahil semento ito at hindi nakakaistorbo.


"Oh nagising na ba?"


Maya-maya, narinig ko ang tanong ng isang babae. Hindi ko sila masyadong naririnig dahil nga sa tinatamad pa ang utak kong mag-isip.


"Hindi pa nga eh."


Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapansin ang pananahimik sa labas ng aking kwarto. Salamat naman at tumigil na din sila.


Siguro, naawa talaga sa akin kaya binigyan pa ako ng 1 hour extension. Ayyie! Mahal na mahal talaga nila ako.


Unti-unti akong napangiti habang tinatangay na naman ang isip ko sa kakaibang dimension.


Naiisip ko na naman kasi ang last movie na napanood ko kagabi. Ayon, iniisip ko pa rin na ako yung bida.


Kilig na kilig naman ako!


Alam niyo kasi, 'Enchanted' kasi yung last movie na napanood ko kagabi. Grabe, nakakaiyak ng slight.


Paano kaya kung sa akin mangyari iyon? Ano kaya ang gagawin ko kung sakaling magaya ako kay Giselle na isang animated character sa isang fairytale?


Hmmm, paano kung pag-aagawan din ako ng dalawang lalaki? Isang prinsipe at isang lawyer.


Pak! Ang ganda ko naman. Waahh!


May Prince Edward na, may Robert pa. Hohoho.


OMG! Saang lupalop ba ako magsisimula sa paghahanap ng manhole?


"Tumabi kayo."


Eh? Ba't parang may narinig ata akong boses ng isang bakla sa panaginip ko?


Napasilip naman ako sa katabi kong balon baka kasi may nalunod doon na bakla.


Remember, kaya nga may balon dahil ako si Giselle sa panaginip ko. Oo! Feel na feel ko kasi eh.


Marrying a Callous PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon