CHAPTER 9: Pale Pink Vs. Royal Blue

38 1 0
                                    

TASHA




Shemay! Mas lalo akong napapikit at napakagat-labi nang marinig ang boses niya. Ano na ang gagawin ko ngayon?! Boses pa lang niya yun pero para na akong isang frozen meat dahil sa lamig. Kailangan ko na bang tumakbo ngayon at mag-ala Flash sa sobrang bilis? Shocks! Parang hindi ko ata kaya. Ano nga ba ang ginagawa ko dito?


Lihim na lang akong napa-face palm sa utak ko. Syempre, nandito ka Tasha kasi nandito rin si Samantha! At hinahanap mo siya kanina, diba? Okay! Yun nga! Please lang, wag kang tanga! Inhale... Exhale.


Good! Kaya mo yan! Huwag kang magpapahalata na kinakabahan ka. Mabilis akong nagmulat ng mga mata at nag-ayos ng sarili.


Dahan-dahan akong pumihit paharap kay Dylan. Ano ba yan! Medyo nawawala na ako sa katinuan dahil unti-unti nang binabalot ng kaba at tension ang dibdib ko ngayon.


Para naman akong kriminal neto na malapit ng bibitayin!


Pagharap ko, agad akong napatigil at natulala nang makita ang mukha ni Dylan. Bumungad sa akin ang kanyang mala-prinsipe at mala-perpektong mukha na kahit sino atang babae ay hindi maiiwasang mapatingin at magdadalawang-isip na titigan siya, lalo na ang hangaan siya.


Eh sino ba ang niloloko ko? Ang gwapo niya kaya! Babae lang din po ako at sadyang may dugong marupok pagdating sa mga poging kagaya niya.


Oh sya! Mabalik tayo sa kanya. So ayun, ang tangos-tangos ng ilong at ang kinis-kinis pa ng mukha niya na kahit mismong mga tigyawat ay mahihiyang manirahan sa balat niya. Hindi rin masyadong makapal ang kilay niya, tama lang para bumagay sa singkit niyang mga mata. Hindi sinasadyang bumaba pa ang tingin ko sa mga labi niyang bahagya pang nakaawang. Natural na mapula ang mga ito at parang malambot pang kagatin. Shems! Bakit parang ang landi ko naman atang pakinggan?


Huwag ka nga! Baka nakakalimutan mo Tasha, may tinatagong lagim ang lalaking iyan!


Ang tangkad din ng isang 'to, nanlalambot tuloy ang mga tuhod ko at parang tangang nakatingala lang habang titig na titig sa kanya.


At dahil wala siyang suot na shades ngayon, malaya kong sinasalubong ang mga titig niyang parang nanghihigop at nanghihipnotismo dahil sa lakas ng intensidad at epekto nito sa buong sistema ko.


'Gumising ka nga, Tasha! Huwag kang pabebot diyan! Tinatanong ka oh!' - pang-e-epal ng utak ko.


"A-ahm....." Awkward kong itinaas ang kamay ko para kumaway sa kanya. "Hi! Ako nga pala si Tasha. Nice to meet you." kinakabahang sabi ko sabay lahad ng isang kamay para makipag-shake hands sa kanya.


Nice to meet you talaga dahil ang gwapo kaya niya. Hehe.


Hindi man lang nagbago ang expression niya sa mukha. Naka-poker face pa rin siya.


"I said what are you doing here?" tanong niya ulit.


Ouch! Ni hindi man lang pinansin ang kamay ko. Mabilis ko na lang itong ibiniba. Sunud-sunod ang nagawa kong paglunok at napaiwas ng tingin sa kanya. Nakakailang na kasi. Marunong din naman akong mahiya noh!


Bahagya akong tumawa para pagtakpan ang nararamdamang kong kaba. "A-ha-ha-ha... h-hinahanap ko kasi si Samantha. N-nandito lang pala siya." ngumiti ako ng pilit kay Samantha na ngayon ay palipat-lipat lang ang tingin sa aming dalawa ni Dylan.


Para akong tuod na nakatayo sa harapan niya habang nakabaling ang ulo ko sa kaliwa kung saan nandun si Samantha. Wala akong pake kung magkaka-stiff neck man ako mamaya. Kahit na gwapo siya, ayaw ko siyang tingnan! Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong matulala.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marrying a Callous PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon