CHAPTER 6: Their Happiness

13 1 0
                                    

TASHA




Minsan, palaging may mga rason kung bakit nangyayari sa atin ang mga bagay-bagay na kailanman ay hindi natin hinahangad na mangyari, gaya na lang ng pagsulpot ng mga problema sa buhay. Sino ba namang baliw ang maghahangad ng mga problema sa buhay, diba?


At sa lahat ng mga problemang ito, may mga solusyon na naghihintay at pwedeng pagpilian. Ito ay ang sumuko at takasan na lamang o ang lumaban at magsumikap ulit sa buhay. Minsan nga nakakatakot ang gumawa ng desisyon. Sa bawat desisyon kasi na gagawin mo, maaaring may magbago sa buhay mo. Maaaring positive or negative.


Gaya ko, selfish ba kung gugustuhin kong magsakripisyo at gumawa ng sariling desisyon para matulungan ang pamilya ko? Alam kong tutol ang mga magulang ko pero hindi ko na alam. Iyon na lang ang natitirang solusyon para sa'kin dahil ayaw kong mahirapan pa sila. At sana sa desisyon kong ito, mabigyan ko man lang sila ng mas magandang buhay at para na rin makapagsimula muli....


Kahit na buhay ko pa ang maging kapalit, ayos lang! Sana nga lang, hindi ko pagsisisihan ang lahat ng ito.


At saka alam kong hindi lang ako ang nangangailangan ng tulong dito. Alam kong may mabigat na rason kung bakit kinailangan kong magpakasal. Kailangan nila ng tulong ko at kailangan ko rin ng tulong nila. Ganoon kasimple. Lahat may kapalit.


Sa pangatlong pagkakataon ay napabuntong-hininga ulit ako. Kasalukuyan akong nag-iimpake ngayon dito sa tinutuluyan naming silid kina Reya dahil mamaya lang ay babalik na ulit ako sa Maynila kasama si Ms. Collins.


"Hooh! Kaya mo ito Tashang! Laban lang! Kering-kering mo ito!" pagchecheer up ko sa sarili ko kaya naman kahit papaano ay napangiti ako. At least man lang, nagawa kong pangitiin ang sarili ko, diba? Hehe!


Paalala lang ha, hindi pa po ako baliw. Pero konting push na lang, bibigay na talaga ang utak ko dahil sa sunud-sunod na mga problemang kinakaharap ko ngayon.


Agad naman akong napatigil at napatingin ulit sa phone kong kanina pa busy sa kakatunog. Kanina pa ito tunog nang tunog pero binabalewala ko lang. Kinuha ko ito saka umupo sa kama. Nakita kong 20 missed calls na ang natanggap ko ngayong araw. Mabilis ko itong sinagot at napapikit ng mariin.


"Hello?"


"TASHANG!!!"


Mabilis ko namang nailayo ang phone ko sa tenga at napanganga dahil sa sigaw ng isang bakla. Kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya ngayon, alam kong galit na galit siya sa akin. Haay..


"M-marvy! Hehe musta kayo diyan?" pangangamusta ko sa kanila.


"Kamusta na kami? Aba! ETO, TATLONG ARAW NA KAMING BALISA, GIRL! ALAM MO BANG ALALANG-ALALA NA KAMI SA'YO? HINDI BA'T SINABI NAMIN SA'YO NA TAWAGAN MO AGAD  KAMI PAGKADATING MO SA PROBINSYA? Pero 'te? Anong nangyari? EH BA'T HINDI MO KAMI TINAWAGAN? AT SAKA, BAKIT HINDI MO SINASAGOT ANG MGA TAWAG NAMIN? Explain!!!" ani Marvy at parang bombang sumabog dahil sa galit.


Sandali akong napapikit ulit para pigilan ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magsumbong sa kanila na parang bata. Gusto kong maramdaman ang comfort nila. Gusto kong magkwento pero hindi ko kaya. Gusto kong umiyak at humingi ng tawad sa kanila. Pero hindi ko talaga kaya.


"P-pasensya na bakla. A-ano kasi eh, walang signal dito. Sorry talaga kung p-pinag-alala ko kayo. Ha-ha-ha huwag na nga kayong mag-alala, okay lang ako. Ako pa!" masiglang sabi ko kahit na deep inside para na akong sasabog sa matinding lungkot.


Marrying a Callous PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon