TASHA
"ANO?!"
Gulat akong napabangon sa kama nang marinig ang sinabi ng kapatid ko mula sa cellphone. Agad akong napatingin sa orasan na nakapatong sa aking bedside table at nakitang 5:30 a.m. pa lang ng umaga.
"Oo ate. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nga napatawag na ako sa iyo para humingi ng tulong."
Napapikit ako nang mariin saka napabuntong-hininga para pakalmahin ang sarili.
"Magkano raw?"
"Sa mga narinig ko, 500, 000 pesos ang kinakailangang pera ngayon nina Mama't Papa. Basta ate, ikaw na lang ang pag-asa namin."
Napasinghap ako at muling napapikit nang mariin.
"Alam ba nina Mama ang nagawa mong pagtawag sa'kin?"
Narinig ko ang pagkabalisa niya sa kabilang linya. At dahil doon, napagtanto kong ayaw nina Mama at Papa na malaman ko ang kinakaharap nilang problema ngayon sa probinsya.
Nakakainis sila. Akala ko ba, tulong-tulong kami sa mga problema? Bakit naglilihim sila?
"Ate, tatawagan na lang ulit kita bukas. Huwag mo munang sabihin kina Mama ang tungkol dito. Bye."
"Sige. Mag-iingat kayo."
Sumandal ako sa headboard ng kama para pakalmahin ang aking sarili. Matapos kong malaman ang kinakaharap ng pamilya ko ngayon sa probinsya, halos manlumo ako at hindi makapag-isip ng matino dahil sa mga narinig ko mula sa kapatid ko.
May malaking problema sina Mama at Papa ngayon sa probinsya kaya napatawag ang kapatid ko kanina.
Hindi ko alam na may problema na pala sila doon sa probinsya.
Kung hindi lang napatawag ang kapatid ko, siguro hanggang ngayon, hindi ko pa rin malalaman ang tungkol sa problema nila.
Ayon sa kapatid ko, i-dedemolish daw ang grocery store namin sa bayan. At bakit? Hindi raw sapat ang mga papeles nina Mama na nagpapatunay na pagmamay-ari namin ang puwestong iyon sa bayan.
Sa pagkakaalam ko, matagal ng nakapangalan sa amin ang puwestong iyon. Kahit noong buhay pa sina Lolo at Lola, sa amin na talaga ang puwestong iyon.
At eto pa ha, hindi itutuloy ang pagdedemolish sa grocery store kung magagawa naming magbayad ng 500, 000 pesos sa lalong madaling panahon.
Ibang klase rin!
Nang sabihin sa akin ng kapatid ko ang amount na iyan, halos lumuwa ang dalawang mata ko dahil sa laki ng bayad.
Like, saan naman ako kukuha ng ganyan kalaking pera, diba? At kahit na pagsamahin ko lahat ng mga naipon ko sa coffee shop, hindi pa rin sapat ito para maipambayad sa ganyan kalaking halaga.
Ang tanong ko ngayon, SAANG LUPALOP AKO KUKUHA NG 500, 000? Sa ilog? Sa lupa? O sa himpapawid?
Jusko naman!
****
"HA??"
Dahan-dahan akong tumango sa nakangangang si Blue na nasa harapan ko ngayon. Napahinto siya sa pagmo-mop ng sahig dito sa may restroom dahil sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Marrying a Callous Prince
General FictionMeet Tasha. Just a typical woman who is known for her headstrong behavior yet lovable. Though seemingly immature, she is benevolent and warmhearted. Ang hindi alam ni Tasha, she is betrothed to a heartless and insensitive prince. Ang tanong- Paano...