CHAPTER 7: The Rain's Family

23 1 0
                                    

TASHA




"Nandito na po tayo, Ms. Tasha." pagbibigay alam sa akin ni Ms. Collins at naramdaman ko ang pagtigil ng sinasakyan namin sa tapat ng isang napakaganda at napakalaking bahay.


Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatingin sa kanya. "H-ha? Talaga?!" di makapaniwalang sabi ko.


Seryoso? Nandito na kami?


Agad akong napabalikwas ng tingin sa likod mula dito sa backseat at nakitang kasalukuyan ng sinasara ang malaking gate na pinasukan namin kanina.


Bakit hindi ko man lang namalayan?


Naku Tashang! Dahil siguro sa sobrang lutang mo kaya hindi mo na namalayan ang pagdating niyo dito sa Rain's residence.


Napailing na lang ako at dali-daling sumunod kay Ms. Collins nang makita itong bumaba na sa sinasakyan namin. Paglabas ko, kusa akong napahinto at napatulala nang makita ang kabuuan ng buong bahay na para bang kumikinang pa ito sa ganda at ayos.


Woooww! Ang ganda naman nitong bahay- di makapaniwalang puri ng isip ko.


Para kasi itong isang modern mansion dahil sa ganda at laki nito. Idagdag pa natin ang isang marble fountain sa gitna na madadaanan mo papunta sa bungad nitong bahay. Sa gilid naman nitong bahay ay may mga halamang rosas pa na halatang alagang-alaga talaga dahil sa ayos at ganda ng mga ito.


Aakalain mo talagang nasa ibang bansa ka dahil sa magandang view na makikita sa buong paligid. Kahit kasi madilim na, mas lalong naging kabuhay-buhay ang buong paligid dahil sa mga naggagandahang post lamps na nakatayo sa bawat gilid ng pathway.


Oh baka naman mansion talaga ang tawag dito? Shookt! Ang yaman ah.


Sa labas, makikita mo ang mga naglalakihang glass wall na natatabunan ng kulay ginto na kurtina. Kitamo? Kurtina pa lang pero parang nakaka-intimidate ng pumasok. Mas mahaba pa kasi yung future ng kurtina nila sa height ko eh.


Paano pa kaya pag tuluyan na akong nakatapak at nakapasok diyan sa loob?


"Goodevening po, Ma'am Collins."


"Aray ko!" daing ko nang mabunggo ang noo ko sa isang poste. Napahawak ako sa noo kong natamaan at nag-angat ng tingin. Hindi pala poste yung nabangga ko dahil kaharap ko ngayon ang likod ni Ms. Collins.


Kasalukuyan kasi kaming papasok ngayon sa malaking bahay nang bigla siyang tumigil pagkatapak pa lang niya sa huling baitang. May apat pa kasing malalaking baitang papunta sa main door ng bahay. Eh saktong kasunod niya ako at nasa likod niya lang kaya ayun, nauntog ako.


Ouch naman!


Bahagya akong tiningnan ni Ms. Collins mula sa balikat niya kaya mabilis akong napatayo ng tuwid at napabitaw sa noo ko. Nginitian ko siya ng pilit pero sa halip na pansinin ako ay binalik niya na lang ulit sa harapan ang atensyon niya. 


Napanguso tuloy ako. Ang strict naman kasi ni ate girl.


"Goodevening. I'm with Ms. Sayon. Saan sila?" seryosong tanong ni Ms. Collins.


Napasilip ako at nakitang may tatlong babaeng nakasuot ng itim na suit at pencil skirt na gaya ng kay Ms. Collins ang nakatayo sa harap niya. Sa likod naman nung tatlong babae ay may dalawang lalaki na nakatayo sa may gilid ng malaking pintuan. Parang mga men in black lang ang datingan nung dalawa.


Marrying a Callous PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon