CHAPTER 3: My Fiancé

34 1 0
                                    

TASHA


Ako si Tasha Reniel Sayon.

Maganda, matalino, mabait, maalalahanin, mapagbigay, maalaga, mapagkumbaba, matapat, marangal, mapagmahal, masunurin, magalang, masayahin, magaling kumanta, magaling kumain---- wait, erase!


Magaling at masarap magluto pala.


Marunong din akong sumayaw, mahilig manood ng movies, madaling kausap, mara------


"Aray!" daing ko sabay hawak sa aking ulo.


Bigla na lang kasing may bumagsak sa ulo ko at ang sakit-sakit. Parang naalog tuloy ang buong sistema ng utak ko.


Nakita kong may tumatakbo na mga bata papunta sa pwesto ko dito sa may bench. Pagkadating nila, agad silang nagsilapitan doon sa bola.


"Sorry po, ale." sabay na sabi nila bago kinuha ang bolang tumama sa ulo ko.


Huh? Anong ale? MUKHA BA AKONG MATANDA SA PANINGIN NILA?


Bago pa ako nakapag-react, mabilis na silang tumakbo pabalik sa open field ng park habang nagtatawanan. Aba!


Nakakaimbyerna. Tinawag pa talaga akong 'ale'? Ano ako, gurang? Hagisan ko kaya sila ng bomba. Kainis!


"HOY! MGA DUWENDE! BUMALIK KAYO DITO!" sigaw ko sa mga bata pero hindi sila nakinig sa halip, nagbhelat pa sila sa akin.


Inirapan ko na lang sila saka inayos ang suot kong jacket. Pasalamat sila hindi ako pumapatol sa mga bata.


Dalawang oras na akong nakatambay dito sa park. Matapos ang kagimbal-gimbal naming pag-uusap ni Ms. Collins sa coffee shop ay dito ako dumeretso para kahit papaano, maibsan man lang ang gumugulo sa utak ko.


Sino ba namang hindi maloloka sa mga revelations ni Ms. Collins about do'n sa agreement na ginawa nina Don Alfonso at Lolo, diba?


To think, isang arranged marriage pa talaga para sa mga apo nila.


Ano kami, nasa isang teleserye?


Ni hindi pa nga pumapasok sa utak ko ang pag-aasawa. Tapos ngayon, bigla-biglang magpapakasal na ako sa madaling panahon?


Ano ito, joke?!


"Don't worry. We're not forcing you to accept this kind of agreement but still we will give you 1 week to cogitate about this matter. I'm hoping that you would say 'yes', Ms. Sayon."


Iyan lang ang huling sinabi ni Ms. Collins bago niya nilisan ang coffee shop. Sandali naman akong naiwan sa loob habang tulala sa mga nalaman.


Alam ba ito nina Mama at Papa?


Alam ba nila ang kasunduang ito?


Alam kaya nila ang tungkol sa pagpapakasal ko?


Kung oo--- Aishh! Hindi maaari!


Ginulo ko ang aking buhok dahil sa inis.


Nalilito pa rin kasi ako sa mga nangyayari eh. Bakit kasi naisipan pa nina Lolo Amir ang ganitong kabaliwan? At talagang dinamay pa ako, ha? Sana hindi na lang sila gumawa ng ganitong kasunduan.


Jusko! Nakakadepress. Parang susunod na ata ako kina Lolo at Lola sa langit nito eh.


Saglit akong napatigil nang maalala ang apo ni Don Alfonso.


Marrying a Callous PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon