CHAPTER 8: Finding Samantha

21 1 0
                                    

                             TASHA




"Ma'am Tasha? Kailangan niyo na pong gumising." Naramdaman kong may mga kamay na humawak sa balikat ko at inalog ito para lang magising ako.


Para tuloy nagkaroon ng intensity 5 na lindol sa utak ko. Nakakahilo ng slight!


"Hmmm." reklamo ko sabay tamad na inalis yung mga kamay sa balikat ko. Naiistorbo kasi yung pagtulog ko eh. Gusto ko pang matulog! Please naman oh?


Bumalik ulit yung mga kamay sa balikat ko. This time, malakas na yung pagkakaalog sa akin kaya naging intensity 9 na yung nararamdaman kong hilo.


Naku! Malala na 'to!


"Ma'am, gumising na po kayo!" pagmamakaawa ng isang babae sa likod ko.


Mas lalo kong isinubsob yung mukha ko sa unan habang nakadapa. Ayaw!


Bigla naman akong nakaramdam ng panlalamig, saka ko lang napansing nawala na pala yung kumot na nakabalot sa likod ko.


Teka, asan na yun? Nagteleport?


"Ma'am Tasha. Malalagot po ako kina Ma'am at Sir nito kapag hindi pa po kayo nakapag-ayos." pangungulit pa rin niya.


Napahikab ako sa sinabi niya. Ang kulit naman ng isang 'to!  "Sino bang Sir at Ma'am yan? Sila ba yung teacher mo sa Algebra at Chemistry?" lutang na tanong ko sa kanya habang pilit na hinahanap ng mga kamay ko yung kumot sa likod.


Ngayon na nga lang bumabawi ng tulog ang magandang dilag na kagaya ko, pinagkaitan pa! Buhay nga naman oh!


Pero pagdating sa mga problema, sobra-sobra naman kung ibigay! Saan pa ba ako lulugar nito?


"Sina Sir Tyan at Ma'am Leny po. Pero hindi sila teachers. Sila po yung amo ko."


Mabilis akong nagmulat ng mga mata nang marinig ang sinabi niya. Napahinto rin ang mga kamay ko sa paghahanap dun sa kumot. Dahan-dahan akong lumingon at nakita si Elisa na nakatayo sa gilid ng kama ko.


Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. W-wait?! Sir Tyan?! Ma'am Leny?! Mabilis akong napabalikwas ng bangon at napahikab ulit habang nakatakip ang kamay ko sa bibig.


Baka naman kasi may bad breath ako ngayon, edi kawawa si Elisa.


Shet na malagit! Nasa pamamahay nga pala ako ng mga Rain. Muntik ko ng makalimutan.


Inalis ko yung kamay ko sa bibig para magsalita. "P-pasensya na." nahihiyang sabi ko. "K-kanina ka pa ba?"


Mukha kasing kanina pa ako ginigising ni Elisa eh. Naku! Mahirap pa naman akong gisingin.


Napakamot naman siya sa ulo. "Ahm.." parang nagdadalawang isip pa si Elisa kung ano ang isasagot. "K-kanina pa po. Pero huwag kayong mag-alala, okay lang po."


Nginitian ko si Elisa at nagthumbs up sa harapan niya. Mukha naman kasing mabait si Elisa eh.


Umalis ako sa pagkakaupo sa kama at lumapit kay Elisa. Inabot ko yung isang kamay ko sa kanya na para bang nagpapakilala. Gulat naman siyang napatingin dun sa kamay ko.


"Ako nga pala si Tasha Reniel Sayon. Ikaw, anong pangalan mo?"


"A-alam ko naman po yung pangalan niyo, Ma'am Tasha--"


Marrying a Callous PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon