"Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isat isa"-litanya ng pari hudyat para sa tinatawag nating. 'Peace be with you'
Peace be with you guys!
Pagharap ko kay Em ay nakatingin na sya sakin at nakangiti.
"Peace be with you bestfriend!"-I exclaimed and then hug him. Ramdam ko naman ang paghaplos nya sa likod ko.
"Peace be with you mylove!"-tugon nya at pagkakalas sa yakap ay hinalikan nya ako sa noo.
Nakasanayan nya na yon, maging ako ay sanay na din. 6 years na kaming ganto. Hahaha.
Humarap na uli kami sa unahan, para makinig.
Maya-maya ay may naramdaman ako sa aking tabi. May umupo.
Because of curiosity yah know! hahaha edi humarap ako. Nagulat naman ako ng makita ko ung kaschoolmate namin. Si Josh.
"Hi Tanya."-bati nito sakin.
"Uyy, ikaw lang?"
"Ahh oo"-sagot nya at medyo lumapit pa muli sakin. Halos magdikit na din ang aming balikat. "Di kita inexpect dito haha"
Napatango na lang ako, kahit naman ako no, di ko sya inexpect dto. Medyo mayabang ha, kainis.
"Anyway ang ganda mo ngayon."-he utter.
Halos kilabutan ang buong pagkatao ko dahil sa mismong tenga ko sya bumulong. Kingina nya. Ayoko sa lahat ung ganto. Bastos, nasa simbahan pa man din kami.
Nginitian ko sya ng mapakla. Umipod ako palapit kay Em, at nakita kong nanliliit ang mata nya sakin.
"Sinong kasama mo?"-tanong ni Josh. Lul, wala bang bago? Dapat alam na nya eh. Tsk.
Sasagot pa lang sana ako ng biglang may umakbay sakin.
"Ako."-ma-awtoridad na sagot ni Emem at ipinatong ang kanang kamay sa aking balikat. "Hndi ba obvious?"-tanong nya muli. Hndi ito gaanong malakas pero sapat upang marinig naming tatlo.
"oww. Sorry dude, hndi ko alam."-pakli nya at dumistansya ng pagkakaupo mula sa akin..
"Halata nga, sa susunod ayoko ng ganon ang pagsasalita mo kay Tinay ha. Hndi maganda sa pandinig ko"-napaka-angas nyang sabi.
Napangiti ako dahil sa ginawa nya. He is really protective. Damn, Im really lucky because I have this man.. I have a bestfriend like him.
Napansin ko namang tumahimik na ang lalaki at malayo na ang agwat sa aming dalawa.
Tiningnan ko sya habang nakaakbay pa din sakin.
"Yieee pinagtanggol nya ako."-asar ko at kinindat-kindatan sya.
Kita ko ang pagpipigil nya ng ngiti at iniiwas sakin ang kanyang mga mata.
"Tss sa sunod wag kang papayag sa ganon na pakikitungo sayo ng lalaki ha? Klaro?"-bilin nya.
"Yes boss."-sagot ko sa mahinang tono at hinalikan sya ng mabilis sa pisngi.
************
Pabali-baliktad ako sa kama ko. Sinilip ko si Em-em sa higaan nya.
YOU ARE READING
Parallel Love
Short StoryGumawa man sila ng dahilan bakit tila lagi na lang may pumipigil? Sa mundong ginagalawan, may dalawang taong mahuhulog sa isa't isa. Pero pano kung hndi pa tapos ang laban? Paano kung ang kapalaran mismo ang kanilang kalaban? Mananatili kaya sila h...