"Talaga bang hndi mo patitigilan yang si Nate sa panliligaw sayo? Ha Tanya?"-bulyaw nya sakin
"Isang linggo pa lang yun ah, grabe ka! gusto mo bang sagutin ko kaagad sya?"
He glared. "Damn it! hindi yun ang ibig kong sabhin!"
Nagpatuloy ako sa paglilinis ng plato. "Then what do you mean?"-tanong ko.
"First of all, sagutin mo to. Ilang beses ko ng tinanong to. Bakit kanga pumayag magpaligaw?"
Nramdaman ko muli ang pagkainis sa kalooban ko.
Bakit ba sya ganyan? Kinukwestyon nya ang panliligaw sakin ni Nate, pero pag naabutan ko silang laging magkasama nung Alyssa na yun! Ni hndi ako maka-angal.
Punyeta sila.
"Ano Tinay ha? Bakit?"
Hinugasan ko ang kamay ko at hinarap sya.
"Same answer. Dahil gusto ko."
"anong gusto mo? Akala ko ba dati ayaw mo don? Binusted mo na yun dba?"
"Eh ano naman? Nagbabago ang feelings ng tao."
Ginulo nya ang buhok nya.
"Ayusin mo nga ang sagot mo. Ang gulo mo."
At ako pa. The heck, e kung ihampas ko kaya sa kanya tong kutsilyo?
"Anong magulo ba? San ba ang magulo? Pinaliwanag ko naman sayo diba? Pumayag akong magpaligaw dahil gusto ko! Anong magulo don?"-paguulit ko sa kanya
"Pero bakit?"
"Anong pero bakit?"
"Tinay ayoko, ayokong may ibang umaangkin ng oras mo na dapat ay sakin lang. Ayoko ng may kahati. Please. Ako lang dapat."
Sya lang dapat? Ung oras ko kanya lang dapat? Tapos ung oras nya para saming dalawa ni Alyssa? Its unfair.
"Bakit? Bakit yan ang gusto mo?"
"Dahil gusto ko akin ka lang"
*Lubdub lubdub lubdub lubdub*
Bumilis na namn ang tibok ng puso ko dahil sa katagang binitawan nya. Mahal nya ba ako. Katulad ng pagmamahal ko sa kanya? ito na ba?
Nabuhayan ng pag-asa ang puso ko, kaya naisipan kong magtanong muli.
"Bkit mo sinasabi yan?"
Naramdaman ko ang malalamig na pawis na lumalandas sa may sintido ko.
Nasasabik ako at kinakabahan sa maririnig kong sagot mula sa kanya.
"Because I love you........
...........because your my bestfriend."
At gumuho ng muli ang pagasa ko. Andun na naman ung lecheng 'bestfriend' word na yun. Bwisit, bakit ba kase naimbento pa yun?
Pumikit ako at tumungo upang mapigilan ko ang nagbabadya kong pagluha.
"Patigilin mo na si Nate."
YOU ARE READING
Parallel Love
Short StoryGumawa man sila ng dahilan bakit tila lagi na lang may pumipigil? Sa mundong ginagalawan, may dalawang taong mahuhulog sa isa't isa. Pero pano kung hndi pa tapos ang laban? Paano kung ang kapalaran mismo ang kanilang kalaban? Mananatili kaya sila h...