Its Monday morning mga men!
Pero ito pa din ako, dinadamdam ung nangyari kahapon.
Bwisit na Mark yan! 😑 Bakit ba naisipan nyang ikuha ako ng undies ko with matching sanitary pad pa? Yawqna sa earthhhhhh!
Aishhhhh
Nkakainis!
Bwisit!
Leche!!!!
Teka nga----
Bat ba ang OA ng reaksyon ko? Bestfriend ko syaaaaa. Tpos? tapos ano?
Hayst! :'<
Dapat okay lang sakin yun, kase natural na sa kanya ang maging caring.
At saka, walang masama don?. Bestfriend ko sya, he's like my brother.
Hooohhhh!
Kalma Tanya, kalma Tinay. Inhale, exhale... Woooshh.
*tok tok tok tok*
Napatayo agad ako sa aking kama. Nndyan na sya. I composed myself.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking daliri at hinawi ang aking bangs.
Napaharap ako sa salamin.
Hindi dapat ako mailang. Natural lang yun. Wooh. *Hinga malalim*
Sinuot ko ang tsinelas ko at pinihit ang lock pra pagbuksan sya ng pinto.
Nkaboxer short sya at maluwang na blue shirt. Hindi rin nya suot ang salamin nya.
"Goodmorning Tinay"-bati nya at hinalikan ang pisngi ko. Napalayo naman agad ako at inirapan sya.
"Ohhh easy hahaha, luto na po ang agahan natin mahal na prinsesa"-pagbibiro nya.
Humalukipkip ako at nagtaraytarayan. Ayokong mahalata nya na kinakabahan ako. Jusme, kabado ako ng higit pa sa sobra.
Di ko nga alam e, ang weird lang.
Kita ko ang pagkunot ng noo nya. Lumapit sya at hinawakan ang dalawa kong braso pra icheck kung mainit ba ko. Sinunod nyang hawakan ang leeg ko.
"Wala ka namang lagnat? E bakit ganyan ka? Anlamig lamig mo. May masakit ba sayo?"-nagaalala nyang tanong.
"Ah wala ah!"-mariin kong tugon at nagiwas ng tingin.
"Wag mo kong lokohin. Ano nga?"
"Wala nga"-pilit ko
"Asus ano ngakase?"
Napakamot ako sa ulo dahil sa kakulitan nya. Pambihirang lalaki to!
"Ah eh.."
Sasabhin ko ba?
O
Sasabhin ko ba?
Hayst. NO. Never. Hndi naman yun bigdeal, ako lang ang nagpapalaki sa nangyaring yun.
"Ano?"-tanong nya ulit
"Ah kanina pa kase akong gutom. Hehe? kaya a-ayun. O-oo! kanina pa kong gutom. M-masakit ang tyan ko."-lusot ko at nagbaba ng tingin.
Para kase akong tinutunaw sa mga titig nya.
"Are you telling the truth?"-pangungumbinsi nya.
YOU ARE READING
Parallel Love
Short StoryGumawa man sila ng dahilan bakit tila lagi na lang may pumipigil? Sa mundong ginagalawan, may dalawang taong mahuhulog sa isa't isa. Pero pano kung hndi pa tapos ang laban? Paano kung ang kapalaran mismo ang kanilang kalaban? Mananatili kaya sila h...