Malamig.
Sobrang lamig ng pakikitungo namin sa isat isa.
Ibang iba sa dati. Ang hirap kase umakto ng parang natural lang, na parang okay lang kami. Na parang okay lang lahat, na parang nagkakaintindihan kami.
Ang gulo gulo na ng sitwasyon. Nahihirapan na ako. Lecheng pagmamahal yan naimbento pa! Bakit ba kasi? bat ba kase ang hirap-hirap? Of all people bakit sa bestfriend ko pa? Jusme.
"Tinya, eat your food."
Napabalik ako sa reyalidad sa gitna ng malalim kong pagiisip ng abalahin nya ako. Kumakain nga pala kami, nakalimutan ko.
Isinubo ko ang pinaraso kong beef stake. Nginuya ng dahan-dahan. Nalalasahan ko sa dila ko pero prang hndi maprocess ng utak ko kung anong klaseng lasa ba yun. Busy ang utak ko sa mga bagay-bagay.
"Dont you like it?"
Umiling ako.
"Ayw mo ng lasa? Why?"-nagaalangan nyang tanong.
"Ah no, I mean, I like it. It t-tastes good. Yah."
"Really? Kung ayaw mo ipagluto kita ng iba?"-alok nya sa akin.
Bakit ba sya ganyan? Hindi nya ba alam na lalo akong nahuhulog sa mga paganyan nya. I mean, lalo akong naattract, mas lalo ko syang minamahal.
Kahit na napakagulo ng sitwasyon, nakuha pang lumandi ng puso ko. Punyemas. >_<
"Okay na to sakin"-tugon ko at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Mas siniglahan ko ang bawat pagsubo ko.
Habang panay ang kain napansin ko syang tahimik. Walang kibo, nakasandal at matiim akong tinititigan.
Bigla akong naconcious sa itsura ko. Umiwas ako ng tingin at bumalik sa pagkain.
"Anong meron sa muka ko?"-tanong ko sa mahinang tono.
I heard him laughed a lil' bit. "Ugh, wala wala. Masyadong maganda pra hanapan ko ng panget."
Hindi ko na sya inimikan. Kung hndi lang sguro ganto ung kalagayan namin, baka minura ko na sya! Bka nainis na naman ako sa pambobola nya. Pero ung kilig nandyan pa din. Hndi naman yun nawawala sa tuwing andyan sya.
"Tinay..."
Naibaba ko ang kubyertos na hawak ko. Pra akong nakukuryente sa tuwing kakausapin nya ako. Iba na talaga tong nararamdaman ko. Nakakatakot na. Kainis talaga.
"Tinay?.."-ulit nya.
Hminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. "Mm?"
He took a deep sigh and confronted me. "Gusto kong malaman mo na ayoko ng ganto tayo. Gusto ko yung dati."
Natahimik ako sa sinabi nya. Tama naman sya, dahil kahit ako gusto ko ng maayos ang nangyayari samin ngayon.
"Tinay, alam mo bang hanggang ngayon iniisip ko kung saan nagsimula tong nangyayari satin na to. Mag-dadalawang buwan na tayong ganito."
I looked down, and felt a sudden pain on my chest. Im guilty. Sa akin nagsimula ang lahat. Kung hndi ko lang sana sya minahal. Kung una pa lang pinigilan ko na ang sarili ko dahil alam ko namang bawal.
YOU ARE READING
Parallel Love
Short StoryGumawa man sila ng dahilan bakit tila lagi na lang may pumipigil? Sa mundong ginagalawan, may dalawang taong mahuhulog sa isa't isa. Pero pano kung hndi pa tapos ang laban? Paano kung ang kapalaran mismo ang kanilang kalaban? Mananatili kaya sila h...