EIGHT

33 3 0
                                    

"Nate, salamat sa paghatid ha."




"Sure, always welcome. Parte yan ng panliligaw. Take note, kahit kunware lang."





Hahahaha,buti pa sya. Feeling ko lagi akong importante dahil sa mga gestures nya sakin. Sana all.




"Salamat Nate ha, thank you tlaga. Utang na loob ko to sayo. Wala na talaga akong malusutan eh"




I sighed. Inayos ko ang sukbit ng bag ko at tinitigan ang sapatos ko. Nasan na kaya si Em? Hndi kase ako nagpaalam sa kanya na uuwi na ko. Sinadya kong umuna sa kanya.





"Ano ka ba Tanya? Ok lang talaga yun, maliit na bagay lang yun. Saka pede ba wag mo ko dramahan ng ganyan di bagay sayo."




Natawa ako sa sinabi nya. He is trying to comfort me. Though alam ko sa sarili ko kay Mark ko lang matatagpuan yun.






Beh? Mark na naman? Self naman, gsing! Busy na yun dun sa exchange student na mukang lisa. At ikaw isa kang bestfriend na may lihim na nararamdaman sa kanya, at never nyang maiibalik sayo! Keep that in your mind bruh!




Napailing na lang ako sa sermon ng konsensya ko. Kahit kailan talaga hindi ako nakakuha ng suporta mula rito. Siguro konsensya to ng ibang tao. Na mali yata ng napuntahan, hayst, minsan nga hanapin ko ung totoo nyang dapat puntahan. Isosoli ko na sya. Lagi nyang sinasaktan feelings ko eh. Palagi nalang akong inaaway eh.





:'<




"Oy tanya!"-he called. "Sabi ng wag magdrama e, wag ka nga tumungo. Di sabi bagay sayo eh"-udyok nya pa at nginiwian ako.





Namewang ako sa harap nya. "Bakit kailangan ba bagayan pa ko ng drama chuchuness na yan? Eh sa feel ko magdrama ngayon e, walang makakapigil sakin."




Tama naman talaga hahaha! Di bale na kung di bagay sakin. Basta makapag-emote. Bawas stress rin to no'.




"Woahh! Hahahaha palaban sya oh. Dapat ganyan ka dun kay Alyssa. Dikitan mo ng dikitan si Mark. Bakuran mo."





"Hello? Pra namang magagawa ko yun no? Anlayo kaya namin. Eh sila? Magkablock, magkasama sa SSC office. Araw-araw sabay maglunch o magrecess. San ka pa? Minsan nga sabit lang ako e? Natry ko na kaming tatlo potek napakapa-VIP ng bbaeng yun. Di ko keri, muka akong sampid. Mas mabuting dumistansya na lang ako. Tingnan mo nga ung mga estudyante sa school, akala e nagdedate na sila. Ow wait, who knows? Baka nga nagdedate na sila no? Kawawang bestfriend ako pag nagkataon. Walang kamalay-malay"-I said and then force a laugh.






Pero ang hirap iabsorb ng mga sinabi ko. Gusto kong maiyak.




"Yung salita mo pra kang galit kay Mark. But the way your eyes shine while talking about him? Its different. Youre really inlove. Dont give up, Tanya."




"Mmm"-tumango-tango na lang ako sa sinabi nya at tinanaw ang kalangitan. Pinapabalik ko ung luha ko haha, para di nya halata.





"Pano? I'll go ahead."





"Yah sure. Ingat ka. Salamat ulit."-tugon ko at kumaway sa kanya.





Nginitian nya ako at kumaway pabalik. "Bye, see you tomorrow Sweetie!"-pagpapaalam nya at tuluyang sumakay ng kotse nya.





Tinanaw ko ito hanggang sa mawala sa paningin ko. Hanggang sa napagdesisyunan kong pumasok na sa loob. Maglalakad pa lang sana ako papasok ng building ay napahinto kaagad ako sa paghinto ng isa pang sasakyan at bumusina.






Parallel LoveWhere stories live. Discover now