(A/N: I sincerely dedicate this to my one and only boy friend, note the space! So kahit naman hindi mo sabihin, alam ko namang isa ka sa mga fans ko. So yeah! Thanks sa pag-udyok sa'kin na mag-update na mag-update!)
Chapter 10
Over
Khaeri Lei's Point Of ViewI got out of Kian's car while I'm still listening to heavy music. Pagkapark na pagkapark pa lang niya ay lumabas na agad ako, ni hindi pa nga niya napapatay ang makina, nasa front door na ko.
Nang makapasok naman ako sa bahay ay tinanggal ko na ang earphones ko at binati ang mga kasambahay na bumabati rin sa'kin.
I thought Kian and I are already done when a calloused hand grabbed my wrist and dragged me upstairs, nakita kong medyo naguluhan ang mga kasambahay sa nakikita nilang aksyon ni Kian, pero tuloy pa rin siya sa paghila sa'kin.
When we got inside, Kian let go of my hand and looked at me.
"What the hell was that for, Lay?" I exclaimed. Inunahan ko na siya, I'm done being the inferior here. Walang sinuman ang mas mataas sa amin, so I shouldn't be afraid of him, he's not even worth it. "I said stop with the dragging already!" Muling sagot ko at dumiretso sa cabinet.
Pero natigil ako sa paglalakad nang bigla ulit akong hinila ni Kian kaya napa-upo ulit ako sa kama, malakas din yun, ah.
"Ano ba! Masakit na!" I exclaimed, umamba na naman akong tatayo, pero hinawakan niya ang dalawa kong balikat at pina-upo ulit ako. What the heck is his problem?
"We're not yet done talking." Mariin saad niya habang nakapamaywang.
"Tungkol saan na naman ba 'to, Lay?" Naiiritang tanong ko, and I saw his reaction on my sudden outburst. I can't blame him, kahit nga ako gulat din sa pagsusungit ko, eh. Kaya ko palang magsungit sa kanya? I didn't see this one coming.
"Your stomach really didn't hurt. You lied to mama and papa, didn't you?" Tanong niya, pero may tonong sigurado siyang tama siya, kaya ako naman itong parang papel na tumiklop ngayon ng dahil sa sinabi niya, napa-yuko ako.
"M-Masakit naman talaga yung tiyan ko!" Dahilan ko habang nakayuko pa rin at pinaglalaruan ang kuko ko.
"That was just an excuse for you to leave early, am I right?" Kian said like he knew every little thing that is inside my head, like he knew all of my schemes.
"Eh, ano naman sa'yo ngayon? Ano bang pakialam mo?" Sagot ko pabalik, dahil hindi na talaga ako nakatiis at tumalikod na rin talaga ko sa kanya, at this time wala ng humigit pa ulit sa braso ko.
Tama naman ako diba? He has no say on whatever I do, he already said it himself before. Ang sabi pa niya wala siyang pakialam sa ginawa, ginagawa, at gagawin ko. Wala rin siyang pakialam kung saan ako pupunta, basta wala siyang pakialam. Mind your own business nga diba?
*******
I woke up with Kian still sleeping, naka-dapa pa siya habang ang ulo niya ay di na makita dahil nakapatong ang unan dito.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naunahan ko siyang gumising, kaya hindi na ako nagulat pa.
It's Sunday, ngayon na ang date namin ni Niell, well not actually like the romantic type of date but the friendly one.
I got up and went straight to the bathroom, but this time chineck ko muna kung naka-sabit ba yung towel ko, at nang nakita kong naka-sabit nga ay nagdire-diretso na ko, naging daily routine ko ng tignan kung naka-sabit ang towel ko, ayoko ng maabutan pa ni Kian na hubad at wala ni isang saplot.
BINABASA MO ANG
Her Worth
RandomHer Worth || Will she remain useless? Or will he finally see her worth?