Chapter 11

75 10 0
                                    

Chapter 11
Safe Distance
Khaeri Lei's Point of View

Last night was a huge fight, I mean, me and Kian never fought like that before. To the point na hindi na kami tabing natulog. Nauna kasi akong umakyat, and it's not that I'm waiting for him to crawl in and sleep with me or anything, pero parang ganoon na nga.

But the point is, kahit na hindi kami in good terms na dalawa, lagi pa rin kaming magkatabi kung matulog, Papa's orders, sabi niya hindi kami puwedeng matulog na magkahiwalay, at bawal din kaming matulog sa ibang rooms. Okay lang naman sa'kin yun. I'm fine with sleeping with Kian.

But last night, he didn't come back, namuti na ang mata ko kaka-hintay, wala pa rin siya, siguro ay mga alas-dos ko naisipang matulog. Kaya ang ending, late na rin akong nagising. Hindi na ko pumasok. And two worms bombarded me with texts and calls. Silang dalawa ang laman ng recents ko, and who are those two? Martys and Niell, asa pa kong si Kian yun, eh ano bang pakialam noon sa'kin?

At dahil nga hindi ako pumasok, wala akong ginawa magbuhat ng magising ako kung hindi ang manood ng Korean Dramas, I'm so into KDramas lately, si Alyzie kasi, share ng share ng kung anu-ano sa facebook, naiinggit tuloy ako. And now I'm watching Cheese in the trap. Maganda naman ang story, kaya lang nakaka-isang episode pa lang ako. Kakagising ko lang kaya, and I'm currently watching the second episode

Lunch na rin, pero pinapanuod ko pa rin ang episode 2. Mga 10 siguro ako nagising, tapos natapos ko yung first episode ng Cheese in the Trap ng mga 11 na rin, and now it's already 12:13. Lunch na kanina pa. Ano kaya ginagawa noong dalawa kong uod.

Natigil ako sa panunuod ng biglang tumunog ang phone ko. Ang lakas talaga ng volume niya, at ang sarap maki-jam sa Marimba, napapa-headbang pa ko.

Pero back to the topic, someone's calling me. It's Niell.

"Khae!" He exclaimed, at kulang na lang ilayo ko sa tenga ko ang phone ko, kasi kung gaano kalakas noong ringtone ko, mas higit pa doon ang pagbati ni Niell.

"Tone down, Niell." Natatawang suway ko kay Niell habang inaayos ang comforter ko.

"Bakit hindi ka naka-pasok?" Tanong niya. "If this is about the kiss yesterday, I'm sorry. Nadala lang talaga ako." He said. Wag kang mag-alala, Niell, hindi ito tungkol doon.

"Sira!" Natatawang sagot ko, kaysa naman mag-drama ko sa kanya. "Hindi ito tungkol doon, ano ka ba!" I again jokingly said and rolled over to the other side of the bed, sa side ni Kian.

"So why were you absent?" Nag-aalalang tanong niya. And he's so nice talaga. I mean, Niell can be immature at times, but when it comes to situations like this, you can definitely rely on him.

"I stayed up all night watching dramas, bruh. So ang ending ay late na rin ako nagising, and I'm actually watching another drama at the moment." I reasoned out, well totoo naman yung part na I stayed up all night, kaya lang it's because hinihintay ko si Kian, not because I'm watching dramas.

"You're being a K addict lately, Khae." Natatawang sagot niya, at base sa tono niya ay kumakain siya.

"Si Alyzie kasi, you know her naman, diba?" I asked, ang alam ko ay naipakilala ko na sa kanya si Alyzie last month, nag-mall kaming apat. Well, si Alyzie nagtatago pa rin hanggang ngayon, one house after the other. Kasi naman, pinapa-hunting siya ni Tito. Bakit di siya magtatago? "She's been sharing a lot about KPOP and Kdramas lately. Nainggit ako." Dahilan ko.

"Hindi ko nakikita ang feed niya, hindi kasi kami friends sa facebook." He said habang ngumunguya, talk about manners.

"Kaming dalawa lang ata ni Martys ang friends niya sa bago niyang account na yan eh. Naka-private kasi." I said. Totoo naman kasing kaming dalawa lang ang friends ni Alyzie.

Her WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon