Part 11

18 2 0
                                    

Nakaka-apat na bote na ang lalaki ngunit siya ay hindi na magawang kumuha pa ng isang bote matapos niyang maubos ang unang boteng kinuha. Dama niya na ang panginginit ng kaniyang mga pisngi at ang unti-unting pagkahilo. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa kinauupuan at gumagaan ang kaniyang katawan.

"Kristin, ayos ka pa ba?"

"Of course, sino bang nalalasing sa isang boteng beer?"

"Sigurado ka?"

"Yeah."

"Pwede ka namang umuwi na."

"Ayos lang ako."

"Kung gusto mo ay umuwi na..."

Naputol ang sinasabi nito at nailapag ang bote ng beer sa mesa. Nakatingin ito sa kaniyang likod na para bang nakakita ito ng hindi inaasahang bisita.

"Eunice," usal nito. Mahina iyon ngunit rinig na rinig niya.

"What?" nilingon niya ang tinitingnan nito at may nakita siyang dalawang tao na kapapasok pa lamang ng bar. Isang lalaki at isang babae iyon. Halatang magkasintahan ang dalawa sapagkat nakapulupot ng mahigpit ang braso ng babae sa beywang ng lalaki. Maya-maya pa ay yumukod ang lalaki sa may kaliitang babae upang siilin ito ng halik.

Kaagad siyang sinukluban ng galit dahil alam niyang ito ang babaeng pakakasalan dapat ni Max at ngayon ay may gana itong makipaglandian ng harap-harapan?

Dahil sa biglaang emosyon ay napatayo siya sa kinauupuan at marahas na naglakad papunta sa dalawa.

"You bitch!" sabi niya sabay hila sa braso ng babaeng nakayakap sa lalaki.

"Ah! Ano ba miss?"

Natigilan ang dalawa at natuon ang atensyon sa kaniya.

"Wow! You got the guts to do this? Ang kapal naman ng mga mukha niyo. Baka gusto niyong palitan si satanas sa impyerno? Ang lagay eh mas champion pa kayo sa kasamaan niya."

"Sorry miss," ang sabi ng lalaki at inilayo ang babaeng kasama mula sa kaniya. "Hindi namin maintindihan kung bakit galit na galit ka."

"Talaga? So ano, gusto mo i-play back ko ang lahat para sa inyo? Kung paano niyo ginago yung kaibigan ko. Lalung-lalo ka na," dinuro niya ang babaeng ngayon ay nagtatago na sa likod ng lalaki. Ang mga tao sa loob ng bar ngayon ay nakatitig na rin sa kanila. Kahit na siguro mga banyaga ito ay marunong din namang makadama na mayroong nag-aaway sa paligid nila.

"Sino bang kabigan ang sinasabi mo?" tanong ng babae.

"Si---"

"Kristin," hindi niya namalayang nakalapit na si Max sa likod niya.

"Kuya Max!" ang sabi ng babae at naglakad papalapit sa kaibigan niya.

"Mabuti at narito ka lang pala. We've been searching for you everywhere."

Takang tiningnan niya ang babae dahil ginagap pa nito ang mga kamay ng kaibigan niya. Ang lalaki namang kasama nito ay lumapit din at tinapik-tapik ito sa balikat.

"Sandali, ano bang nangyayari rito?" naguguluhang tanong niya.

"She's Eunice, my cousin," pakilala ni Max sa babaeng kanina lang ay pinagtarayan niya.

"What? I thought she's Eunice, the one who..." nasapo niya ang noo. "Oh my god. I'm so sorry. I thought...I'm so sorry. Nakakahiya!"

Ngumiti ang babae sa kaniya. "It's okay. I'm glad my Kuya has a loyal friend like you."

Ouch! Ano ba? Kailangan paulit-ulit? Magkaibigan nga sila ng pinsan nito pero hindi na kailangan pang ipagduldulan sa mukha niya.

"Siya si Kristin," pakilala ni Max sa kaniya.

Always Always a FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon