Part 26

8 3 0
                                    

Puno ang bulwagan ng mga bisitang masayang nag-uusap at nagkukumustahan. Everything was so sparkly and vibrant but what she felt inside was just dim and dark. Ang makikinang na chandeliers sa kisame, ang makukulay na mga bulaklak, ang mga lamesa at bangko na nababalutan ng kulay pilak na tela na siyang motif ng kasal, ang sahig na nabubudburan ng mga pulang talulot ng mga rosas; lahat ng ito ay maganda sa paningin ngunit hindi nito napagaan ang kalooban niya. Hinawi niya ang mga taong nasa daan upang masundan ang lalaking unti-unti ng naglalaho sa kaniyang paningin. She wasn't used to watching his back slowly turning away from her. They were always walking side by side together. This was the first time she felt he was so far and she couldn't reached out to him.

"Thomas!" she called out in despair but he was gone out of her sight.

Luminga-linga siya sa paligid ngunit wala ni isang pamilyar na mukha ang nasilayan niya. Tumakbo siya sa labas at pumunta sa hardin at nagbakasakaling naroon ang hinahanap ngunit bigo siya.

"Champagne, ma'am," alok sa kaniya ng waiter.

"No, thanks."

"May hinahanap po ba kayo?"

"Yeah," hindi niya ito pinagtuonan ng pansin at aktong aalis na ngunit nagsalita muli ang binatilyong serbidor.

"Ang boyfriend niyo po ba? Yung matangkad po bang foreigner na nakasuot ng kulay itim na tuxedo?"

"Hindi ko siya boyfriend."

"Ah, asawa po?"

"Hindi rin."

Kumamot ito sa ulo na tila nagtataka sa sinagot niya.

"Why do you ask? Nakita mo ba siya?"

"Opo. Nandoon po siya sa gazebo, sa may bandang kaliwa po ng garden," turo nito.

"You're such a savior. Thank you."

"You're welcome po. Sana po maayos niyo na ang LQ niyo ni sir."

She was clueless on what he meant but she still went on her way. Sinunod niya ang binigay na direksyon ng waiter at hindi pa man nga siya nakakalapit sa gazebo ay narinig niya na ang boses ng lalaki. Waring may kausap ito.

"Ano? Bakit mo kasi ginawa yun? Bakit mo siya pinagtulakan sa iba?" tinig iyon ng isang babae na hinala niya'y narinig niya na rin sa kung saan dahil pamilyar iyon.

"Because I love her, I can't be selfish to her."

Her eyes widened when she heard his answer.

In love si Thomas?

Kanino?

Pero wala naman itong nobya ngayon.

Lalo siyang lumapit ngunit hindi siya nagpakita sa mga ito. Nagtago siya sa halaman na malapit sa gazebo. She shouldn't be eavesdropping right now, but the topic was so sensitive and intriguing she couldn't help but do it. Lalo na kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa babaeng mahal ng kaniyang kaibigan.

"Kaya ganun, pinilit mo siya na ipagtapat ang nararamdaman niya sa ibang lalaki? What right do you think you have to do that? When you yourself couldn't even bring to confess your true feelings for her."

"It's alright. She doesn't need me."

"Amazing! Love is truly blind and stupid. Ano bang kinakain niyo sa Canada at sobrang bait niyo dun? Kasi kung lumaki ka sa Pinas baka pinaglaban mo pa siya."

"I would still do the same."

"Perfect! Alam mo dun sa Luneta Park dapat palitan mo na dun ang rebulto ni Rizal, mas bayani ka pa kasi kesa sa kaniya."

Always Always a FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon