Part 13

13 2 0
                                    

"Couples room po ba, ma'am?" tanong sa kaniya ng recetionist pagdating nila sa hotel na titigilan nila sa araw na iyon. Kaninang umaga ay sumakay sila ng ferry ni Max papunta sa El Nido. Hindi gaanong nakakapagod ang biyahe pero dahil mainit ay gusto niya munang magpahinga.

"No, we're not together. I mean, ahm, we're together but not...really together? You get what I mean?"

Naguguluhang tiningnan siya nito.

"Are you just friends?" tanong ulit nito.

Isang pilit ngunit malapad na ngiti ang binigay niya rito.

"Yes," sagot niya.

"So, separate rooms po?"

"Yes."

"Sorry ma'am pero one room na lang po ang available."

"Oh come on! Don't give me that line. We're not in the movie. How come isang room na lang ang available?"

"Peak season po kasi ngayon ma'am. March po at dagsa po ang mga turista."

"Wow!" sabi niya na lang.

Kinuha niya ang bagaheng nakalapag sa sahig ngunit kaagad na inagapan siya ng kasama at kinuha iyon mula sa kaniya.

"Ako na," sabi ni Max.

"Hindi, kaya ko," tanggi niya.

"Ako na. Mabibigatan ka pa."

"May dala ka rin naman. Ako na lang."

"Wag ka ng makulit. Alam kong pagod ka na sa pagbubuhat nito."

"Ma'am, sigurado po ba kayong magkaibigan lang po kayo?" singit ng receptionist na kanina pa siya iniirita.

"Bakit? Mukha ba kaming magkapatid ha?" sarkastikong tanong niya rito. Hindi naman siya mataray pero ang init lang kasi sa labas, gutom na rin siya at pagkatapos pagdating dito ay sasabihing isa na lang ang room na available.

"No ma'am. You look like a couple."

Doon niya nabitiwan ang bag at tuluyan itong nakuha ni Max. She was taken aback by what the woman said but she didn't let it show.

"Kukunin niyo po ba ang nag-iisang room?" tanong ng babae.

"No, thank you. Baka maghahanap na lang kami sa ib---"

"Kukunin na namin," sabat ni Max.

"What? We can't possibly stay in one room!" bulalas niya.

"Pagod na tayo. At baka wala na ring bakanteng kwarto sa ibang hotel."

"Pero Maximo," pinandilatan niya ito ng mata.

In her surprised he flashed a smile. Not a fake and gloomy one but a smile which shows amusement and fun.

"Room 27 po," inilahad ng babae ang kamay na may hawak na susi ng room. Kinuha iyon ng lalaki at nauna ng maglakad papasok. It took her seconds to respond. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang humakbang patungo sa kuwartong iyon o tumakbo na lamang palabas.

In the end she decided to go after him.

"Gusto mo bang kumain muna?" tanong niya sa lalaki upang makalabas naman sila sa nakakapigil-hiningang kuwartong iyon.

May isang puting double-sized bed sa gitna ng room at bukod doon ay wala ng pwesto pa para mahigaan. Malawak naman ang kabuuan ng kuwarto pero hindi siya mapakali sa isiping matutulog sila sa iisang kama.

"Gutom ka na ba?" balik-tanong nito.

"Hindi...O-oo."

"Sige."

Always Always a FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon