Naglalakad sila ni Max sa munting palengke kung saan kung anu-anong klase ng souvenirs at bagay ang mabibili. Ito na ang pangatlong araw nila sa Puerto Princesa at halos tapos na rin ang isang linggong itinalaga niyang bakasyon sa lugar na iyon. Subalit hindi niya pa rin naitatanong sa lalaki kung may balak na ba itong umuwi.
"This looks good," sabi niya ng makita ang isang white t-shirt na may tatak ng Puerto Princesa.
"Para kanino yan? Sa kuya mo?"
"No, I'm thinking of buying this for Thomas. Hindi pa kasi siya nakakapunta dito sa Puerto Princesa. And you know what, he's mom was from here. I'm pretty sure he missed his mom. She died of encephalitis four years ago."
Kumunot ang noo nito.
"Para ko na siyang kapatid kasi," hindi niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag dito.
Hindi naman ito sumagot bagkus kinuha ang kaniyang kamay.
"Kristin, umuwi na tayo."
"Bakit pagod ka na ba? Sige tumawag na tayo ng tricycle pabalik sa hotel."
"Hindi yun ang ibig kong sabihin."
"A-ano?"
"Umuwi na tayo. Sa tingin ko ay ayos na ako. Makakyanan ko ng harapin muli silang lahat."
"Sigurado ka?"
Tumango ito.
"Hindi mo naman ako iiwan da ba?" nagsusumamong tanong nito.
"Never," nakangiti niyang tugon.
She felt like this was the happiest moment of her life. There she was standing in front of the man she adore for so long and he was asking her to stay by his side. She couldn't wish for more.
Pero may kung ano sa loob niya ang hindi mapalagay. Hindi siya sigurado kung ano iyon. Pakiramdam niya kasi ay may mali sa mga nagyayari na baka magigising din siya at malalamang panaginip lang ang lahat.
This was too good to be true.
And she believed that if it's too good to be true then it's not really good or not really true. Alin man dun sa dalawa ay ikinatatakot niya.
Marami ang tao sa NAIA pagbalik nila ng Manila. Kaliwa't kanan ang mga nagmamadaling turista, OFW, bakasyunista at kung sinu-sino pa. Samantalang siya ay tila tumigil ang mundo nang lapitan ng lalaking pinakamamahal niya.
Yes, she had to admit it. She fell for him again, and this time she would surely break apart if he would reject her and brand her as a friend again. But that wouldn't happen, right?
"Ito na ba lahat ng gamit mo?" tanong nito at kinuha ang maleta mula sa kaniya.
"Oo."
"Tara?" inilahad nito ang bakanteng kamay sa kaniya. Nag-aalangang kinuha niya iyon at mahigpit na kinapitan. Lumabas sila ng airport kung saan marami ang naghihintay sa mga pabalik nilang kaanak, kaibigan, o minamahal sa buhay. Naalala niya pa ang unang beses na bumalik siya sa Pinas at salubungin siya ng kaniyang mama at papa.
"Max," isang babaeng naka-pink dress ang tumawag sa lalaking kasama niya. Maliit lamang ang babae ngunit maputi at balingkinitan ang katawan nito. Maamo rin ang mukha nito na tila ba pamilyar sa kaniya.
"Eunice," bigkas ng lalaki.
She didn't know how to react when the man standing next to her immediately let go of her hand as if she was nothing to him.
Again.
Please not again.
"Anong ginagawa mo rito?"
BINABASA MO ANG
Always Always a Friend
RomanceBeing in a friend zone has never been in her bucket list but it just happened. Of course it hurts! Ngunit nadoble pa ang sakit niyon nang minsang umuwi siya sa bahay nila at isang asul na sobre ang kaniyang natanggap. Wedding invitation ni Maximilia...