Part 29

11 1 0
                                    

Mahigit apat na oras na silang bumabiyahe at medyo nahihilo na rin siya.

"Malayo pa ba tayo?" inip na tanong niya kay Kevin.

"Malapit na po ma'am."

"Sa tingin mo ba tama itong gagawin ko?"

"Ang alin?" naguguluhang tanong ng kapatid ngunit hindi nito inaalis ang atensyon sa daan.

"Ang...ang..."

"Ang maging totoo?"

"Ha?" siya naman ang naguluhan sa sinabi nito.

"Kahit na mas matalino ka sakin ate minsan may pagka...slow ka rin."

"Excuse me Kevin Silver Fernandez, anong gusto mong iparating?"

"Matagal mo nang nakalimutan si Kuya Max. Matagal ka ng moved on dun sa nang-friendzoned sayo nung highschool."

"What? Paano mo nalaman yan?"

"Nabasa ko sa phone mo yung message nung minsang makigamit ako ng phone para maki-open ng FB."

"Wow ha! One of the perks of having a lot of siblings."

"Siguro nabuhay ka lang sa pagsisisi."

"Pagsisisi? Katulad ng ano?"

"Pagsisisi dahil hindi mo sinabi ng personal ang nararamdaman mo, o hindi mo siya kinausap matapos yun o dahil nanghihinayang ka sa friendship na mayroon kayo dati."

"Bakit ang dami mong alam sa mga ganitong bagay?"

"Well, you know me."

"Mabuti ka pa, may god-given talent pagdating sa mga ganitong bagay. Kasi ako hanggang ngayon, nangangapa pa rin. I'm not even sure if what I'm about to do is right. I haven't thought about this yet."

"Exactly, hindi mo kailangang pag-isipan. Gawin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo."

"Pero, hindi ba gasgas na yan?"

"Ikaw, bahala ka. Hindi mo ba natatandaan ang laging sinasabi ni mama sa atin?"

"Hindi."

"Na darating ang araw na mas pagsisisihan mo ang mga bagay na hindi mo ginawa kaysa sa mga bagay na ginawa mo. You know what they always say, nothing drags heavier than a big old sack of regret."

"Wow!" literal na napapalakpak siya sa sinabi ng nakababatang kapatid. Sa lagay ngayon ay mas marami pa itong karanasan tungkol sa buhay kaysa sa kaniya.

"Andito na tayo."

She was dumbfounded by the vast aviation field which welcomed her when she got off the car.

"Dito ba talaga yun?" sinilip niya muli ang kapatid sa loob ng sasakyan.

"Oo Te Kristin, wala ng iba pa."

Kinapitan niya ang kaniyang buhok na noon ay tinatangay na ng malakas na hangin.

"Kaya mo yan."

She took a deep breath and face the vast field again.

"I got this," sabi niya at saka sinimulang ihakbang ang kaniyang mga paa papasok sa mataas at malapad na bakal na gate.

'Warning: active airfield'

Nang makapasok siya sa loob ay mukha siyang tangang nagpalinga-linga sa malawak na patag na sementong iyon. May anim siyang nakitang maliliit na aircraft. And dalawa ay umaandar at papalipad na samantalang ang apat ay maayos na nakahanay at hindi gumagalaw.

Always Always a FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon