HINDI PA TULOG ang dalaga. Iyon ang napansin ni Ansel nang maalimpungatan siya. Naririnig niya kasi ang kaluskos ng bolpen nito. Hindi nakabukas ang ilaw at dahil wala naman silang lampara roon, naisip niyang posibleng ang phone nito ang ginagamit nito para magsilbing ilaw.
Napakurap siya at pinigilan niyang gumalaw, maski na ang maghikab. Pinanatili niya lang ang paghinga nang maayos. Hindi niya pa ito nahuhuling nagsusulat sa journal nito. Lagi niya kasi itong kasama at minsan mas nauuna pa itong natutulog sa kanya.
Pumikit siya at nakinig sa ginagawa nito. Naisip niya na baka inilalagay nito sa journal ang pangyayari sa ferris wheel. Mukhang naiilang kasi ito sa paghingi niya ng tawad at mukha ring hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
Inisip niya ulit ang mga pangyayari ng araw na iyon. Paminsan minsan niya lang naalala ang naturang eksena. Ngunit dahil may constant reminder siya, hindi siya nahirapang makaalala.
"ANS... COME HOME early, please," sinisipon na usal ng kakambal ni Ansel mula sa kabilang linya. "Wala si Mommy at si Daddy sa bahay... I need help."
Tahimik na tinititigan niya ang love letter na buong araw na yata niyang pinagiisipan kung itatapon na lang ba niya na parang walang nangyari o kokomprontahin niya ang gumawa nito. Hindi nag-re-register ang sinasabi ni Greta sa kanya.
"Anseeeelllll, pleeeasssseeee."
Napakurap siya at tumikhim. "Ano ulit 'yon, Gree?"
Hindi niya man nakikita ang kakambal ay alam niyang nakabusangot na ang mukha nito dahil sa inasal niya. Hindi pa naman maganda ang mood nito kapag may sakit. "Uwi ka na, please... Mamatay na ako, rito."
"I told you not to stay up four days in a row to watch your K-dramas," napapailing na sabi niya rito. Nagsimula na siyang maglakad at naghanap ng malapit na xerox-an.
Sumigaw naman si Greta sa kabilang linya dahilan para saglit niyang ilayo ang telepono sa tenga. Gumamit pa ito ng Korean word na hindi niya maintindihan. "Ikaw, Anselmo, kung wala lang akong sakit, makakalbo kita," sabi nito nang ibalik na niya ang telepono pabalik sa tenga.
"Kelan pa ako naging Anselmo, Gree?" Saglit siyang lumiko at napabuntong hininga. "Fine. Just a minute. Matulog ka na muna riyan at huwag na huwag kang ma-tempt na manood ng isa pang episode, itatapon ko lahat ng posters mo riyan."
"HOY!"
Pinutol na niya ang tawag bago pa nito magsimulang maglitanya at naroon na rin naman na siya sa xerox-an. Binati niya ang Manong na nag-xe-xerox at simpleng ibinigay ang letrang hawak hawak niya. Nagtataka namang kinuha iyon ng Manong.
"Iho, hindi ako nakikialam kung anong gustong ipa-xerox ng mga estyudante, pero bakit ka nagpapa-xerox ng love letter?"
Walang emosyong sinagot niya ito. "Remembrance po. Baka ma-bored ako at maisipan kong ipa-frame."
TINIGNAN NIYA lang ang dalaga nang mabilis itong tumakbo sa pasilyo ng Journalism Building. Walang mabasang ekspresyon sa kanyang mukha. Alam niyang nasaktan ito at humanga siya na hindi siya nito ipinahiya katulad ng ibang mga babaeng ni-reject niya dati.
Sanay na siya sa ganoon. Nasampal na siya, nabuhusan ng tubig, pinaulanan ng mura at may nagpadala pa ng death threat sa kanya.
Prepared siya sa maaring gawin nito. Hindi niya lang inaasahan na ganoon pala ito kahina. Ni hindi man lang nito ipinaglaban ang nasirang pride.
Alam niyang may crush ito sa kanya. Sa dinami dami ng mga babaeng gustong magpapansin sa kanya at dahil likas na observant siya ay alam niya na ang mga sinyales. Kaya hinayaan niya lang ito dahil hindi naman ito tahasang gumagawa ng ikaiinis niya.
Ang akala niya ay simpleng paghanga lang din ang nararamdaman nito. But reading that letter and its heartfelt content made him realize that he had unwillingly made such a pure girl love him so much.
Alangan naman hayaan niya lang itong kahumalingan siya kahit na wala naman itong mapapala sa kanya.
It was better to hurt her early because he cannot promise her anything. But if he's being honest, he appreciated every word in her letter. It was unbelievable how those words can reach his heart.
Naramdaman niya ang pag-vibrate muli ng phone niya at alam niyang hindi lang isang gamit ang ibabato sa kanya ni Greta kung nakita siya nito. Ngunit, hindi siya kumilos para umuwi na, bumalik lang siya sa loob at naglakad patungo sa basurahan.
Balak niya sanang pulutin ang love letter nito kaya inilagay niya lang iyon sa takip ng basurahan. Hindi niya nga iyon pinunit nang mabuti para hindi siya mahirapang i-tape iyon mamaya.
He narrowed his eyes at what he saw. The letter was torn into small and unrecognizable pieces. He sighed. Buti na lang in-expect niyang mangyari iyon.
Maliit na ngiti lang ang gumuhit sa mga labi ni Ansel sa naalala at ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Matagal na panahon ang apat na taon. Matagal iyon para saglit lang na makalimot ang dalaga, idagdag pa na hindi na sila muling nagkita simula ng araw na iyon. Nagbago ito for the better, pati na rin naman siya.
Sadyang hindi lang siguro mawawala sa utak nito ang naturang araw na iyon.
And oh the irony, dahil alam niya kung kelan siya nagsisimulang magkainteres sa babae. Ganoon niya kakilala ang sarili niya. At alam niyang nagsisimula nang magbago ang pagtingin niya rito.
BINABASA MO ANG
You, Me and the Torn Love Letter ꞁ ✓ [PUBLISHED UNDER BOOKLAT PUBLISHING CORP.]
Romance[ AVAILABLE!!! | COMPLETED ] Crush na crush ni Cass si Ansel, ang unsociable na kakambal ng best friend niyang si Greta. Kahit kulang ito ng kabutihan sa katawan at may pagkayabang, lagi niya pa ring nakikita ang maganda rito. Until, nalaman nito na...