e l e v e n | Pagsakay sa Ferris Wheel [ part one ]

355 33 87
                                    

"HINDI KA TAKOT sa ferris wheel?" Tanong ng binata sa kanya, inaya kasi ni Cass ito na pumunta sa ferris wheel. Napapayag niya naman ito dahil ginamit niya ang ilang beses na pagpilit nito na isama siya sa mga extreme na aktibidades nito.

"I mean, takot ka sa heights pero 'di ka takot sa ferris wheel?" Pagtatama nito nang tinapunan niya ito ng masamang tingin.

Ngumiti lang siya at itinuro ang ferris wheel. "Hamak naman na mas safe yan, o. Tignan mo closed space ang car. At sabi nila maganda ang view ng Villa Montenuma 'pag gabi, mas makikita mo pa ang kabuuan ng Villa kung asa taas ka na."

"Wala ka namang claustrophobia?"

Siniko niya ito sa tagiliran at eksaheradong sinimangutan. "Ano bang akala mo sa akin takot sa lahat ng bagay?"

He smiled slyly at siniko na naman niya ito. Napadaing ito sa sakit at nakonsensyang hinawakan niya ang nasiko niya. Alam niyang lagi niyang hinahampas ito kapag sumosobra na ito at usually namang parang walang impact iyon. Sabi nga nito minsan ay para lang siyang batang namamalo. "Uy, sorry... saan ang masakit?"

"...Gusto mo talagang pakiramdaman ang abs ko, ano?" Tanong nito na naging rason para sikuhin niya ulit ito. Sinadya niyang mas lakasan pa sa nakasanyan kaya mas naging totoo ang pagdaing ng binata. Saglit na napahimas ito sa napuruhang parte ng katawan at napahalukipkip lang siya. Inaasahan niyang pwedeng magalit na ito sa kanya dahil sa ginawa niya at naghahanda naman siya ng sasabihin.

Ngunit nang itinaas nito ang mukha ay malawak lang itong ngumiti. Nagniningning pa nga ang mga mata nito na para namang biniyayaan niya ito ng isang magandang regalo.

"Magtapat ka nga, masokista ka ba?"

"Hindi naman, ikaw nga lang ang pumapalo sa akin, e. Pati parents ko never pa nila akong pinalo."

Pinandilatan niya ito at akmang may sasabihin pero nagsalita ulit ang binata at bumalik ito sa maayos na usapan. "Ahem... I don't think you're scared of a lot of things," inaayos nito ang pagtayo at tinignan siya nang mabuti. "More like... masyado ka lang intent sa safety. Kaya iyong possible masamang mangyari muna ang naiisip mo sa halip na isipin kung ano bang mangyayari kung na-experience mo na."

"True," pagsang-ayon niya. "So, tara na?"

"Sure."

Sakto namang walang masyadong gustong sumakay sa Ferris Wheel kaya nakakuha sila agad ng passenger car. Maliit lang ang espasyo sa loob at pwede lang talaga sa apat na tao. Dahil wala naman silang ibang kasabay ay sila lang dalawa ang naroroon.

Umupo siya sa isang upuan at ang akala niya ay uupo ito sa harap niya. Ganoon na kasi ang arrangement nila sa tuwing kumakain sila. Sa halip, umupo ang binata sa tabi niya. Naramdaman na naman niya ang kakaibang nerbyos sa kanyang katawan nang nagsimula nang umandar ang ferris wheel.

"Kung matakot ka 'man sa heights, andito lang ako," alok nito sinabayan pa nito ng isang charming smile.

Napatitig lang siya rito. Ang ganda kasi nitong tignan sa dim light ng passenger car, dahil maputi ito ay ni-re-reflect na nito ang neon blue na ilaw ng passenger car. Para na tuloy itong Avatar.

Napangiti siya sa naisip at pabirong pinalo ang braso nito. "Sus, naghahanap ka lang ng rason para makatsansing e."

Natatawa naman ito sa biro niya at napailing na lang. Nakakahalata na rin kasi siya na lagi itong naghahanap ng rason para mahawakan ang kamay niya. Ngayong araw palang na ito ay binilang niya kung ilang beses nag-landing ang kamay nito sa kamay niya. Sampung beses ang record nito.

Hindi niya naman ma-deny ito dahil bukod sa pakiramdam niya safe siya kapag hawak ang kamay nito ay gusto niya rin ang pakiramdam na hatid noon sa kanya. His fingers just seemed to fit well in her hand.

You, Me and the Torn Love Letter ꞁ ✓ [PUBLISHED UNDER BOOKLAT PUBLISHING CORP.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon