PAGKATAPOS NILANG KUMAIN, sa Waterworks nila napagpasyahang pumunta. Feel kasi ng binatang pumunta at nakisakay na lang si Cass. Wala rin naman siyang planong gawin kaya okay na sa kanya ang mag-swimming habang gagawa na naman ito ng extreme na aktibidades.
Nasa dugo na siguro iyon ng binata. Ang alam naman niya ay hindi naman ganoon ang kapatid nito. Naghahabol din ng adrenaline si Greta ngunit ni minsan hindi ito umaabot sa extreme at mas lalong hindi ito namimilit na gawin niya ang mga iyon kasama nito.
Kung tutuusin na-survive naman niya ang lahat ng pinagawa sa kanya ng binata at hindi hamak na ma-su-survive niya rin kung sasamahan niya ito sa waterslides. Ngunit, nagpahinga kasi sila ng ilang araw sa kaka-extreme, kaya syempre takot na naman siyang gawin ang gusto nito.
He didn't bother to ask her to join him this time though. Ang tanging hiling lang nito ay makita siya nito 'pag umabot na ito sa tubig. He's actually acting cute. Ngayon niya lang na-realize.
May mga panahon na parang cute nga ang binata ngunit ngayon niya lang napansin na deliberate itong nagmumukhang cute sa harapan niya. Hindi niya lang alam kung normal ba iyon dito.
Napailing na lang siya at tumingin sa waterslide. Medyo may pagkalayo siya sa babagsakan ng kung sinumang may planong mag-waterslide. Ang alam niya malapit na ang binata dahil kanina pa ito umakyat ngunit hanggang ngayon 'di niya pa rin ito nakikita roon. Mahaba kasi ang naturang water slide kaya hindi na rin siya nagulat. Kaya naman naghintay pa siya nang kauti ngunit hanggang ngayon wala pa ring Ansel na nag-sla-slide pababa.
Inatake ba 'yun ng pagkaduwag? Naisaisip niya. Tinapunan niya ulit ng tingin ang slide. Wala pa ring mukhang bababa roon. Napailing na lang siya at umalis na sa tubig.
Dala dala ang tuwalya na isinampay niya muna sa golden bush, nagsimula siyang maglakad papunta sa tuktok ng water slide. May hagdan na gawa sa bato na kailangan niyang tahakin. Huminga siya nang malalim bago nagsimulang maglakad
Hindi rin nakakasakit ng hita ito, ah, komento niya sa isip dahil sa kalahati pa lang ay pagod na siya. Sinilip niya ulit ang waterslide at may nag-slide na roon pero hindi si Ansel. She would recognize him anywhere, kahit pa medyo may pagka-near sighted siya.
Nagpatuloy siya sa pag-akyat at minabuti niya pang mas bilisan na lang at para maabutan niya ito. Nakaramdam na kasi siya nang pag-alala na baka may nangyaring masama sa binata. Ang alam niya naman ay may taong mag-ga-guide sa mga mag-wa-waterslide kaya imposibleng walang makakita roon. Pero, malay lang niya. Baka lang.
Nang naabutan niya na ang waterslide ay hingal na hingal na siya. Ngunit nang igala niya ang paningin sa paligid ay mukhang wala naman dapat pala siyang ikabahala.
Ang magaling na lalaki ay pinalilibutan naman pala ng mga seksi. Tatlong matatangkad, makikinis, mapuputi, at mukhang mga foreigners na babae ang kumakausap dito. At ang mokong naman ay in-e-entertain ang mga ito. May panaka-naka pang ngiti siyang nakikita.
Basa na siya dahil sa pool pero pakiramdam niya isinali siya sa Ice Bucket challenge at pinaliguan ng yelo. Of course. Hindi dapat siya magulat. Ansel is an eligible bachelor. Alam na niyang gwapo ito at bagay maging model kaysa sa kasalukuyan nitong propesyon. Simula ng College sila ay marami nang nagkakandarapa rito. May sarili nga itong Fans Club noon e.
Ngayon nga lang niya nalaman na hindi siya espesyal. Siya nga lang pala ang babaeng sinamahan nito kasi nga sinuhulan kuno ng kakambal na kapatid. Ngali-ngaling sampalin niya ang sarili. Just when she was starting to think that he's nicer than ever and that he's acting cute for her... this happens.
Bakit naman nagseselos ka? May crush ka ba ulit? Tanong ng lohikal na parte ng kanyang utak. Napailing na lang siya. Ako may crush? Imposible! Depensa niya. Wala siyang crush dito, hindi niya nga alam kung bakit siya nakakaramdam ng selos. Kaya pala ayaw ka niyang sumama.
Napailing ulit siya at out of impulse and whatnot, nag-martsa siya papunta sa waterslide. Hindi niya alam kung nakita siya nito, basta linapitan niya lang ang staff na naroroon.
"Hi, Miss. Mag-wa-waterslide ka ba?" Tanong ng staff sa kanya.
Ngumiti siya nang pagkatamis tamis rito. "Sure, Kuya. Kailangan ba ng swim vest?"
"Pwede, Miss. Gusto mo ba?"
Tinitigan niya ang water slide at napalunok. Mahaba ang lalakbayin niya at kung wala pa siyang vest, hindi na siya magtataka kung sakaling malunod man siya. Sa halip na paunlakan si Kuya Staff sa alok nito, umiling na lang siya.
"Live and learn," bulong niya sa sarili at pasimpleng sinilip ulit ang binata. Hindi pa rin nito napapansin na nandoon siya. Pinagtaasan siya nito ng kilay. Hmph!
"Miss?"
"Ah, wait lang, Kuya. Nakikita mo ba 'yung mestisong kulot na 'yun?"
Itinuro niya si Ansel at tumango naman ang staff. "Bakit Miss?"
"Pag asa slide na ako at medyo napababa na, pasabi sa kanyang walang naghihintay sa kanya sa pool area, okay?"
Hindi man nito naintindihan ay tumango pa rin ito saka siya iginaya sa slide. Nang nagsimula na siyang madulas, nag-ti-tili agad siya dahil mabilis pala iyon. Pakiramdam niya mananakawan na siya ng hininga sa kakasigaw habang paikot-ikot siya sa slide. Magkakasakit na ata siya kapag naabot niya pa ang pool area ng buhay.
BINABASA MO ANG
You, Me and the Torn Love Letter ꞁ ✓ [PUBLISHED UNDER BOOKLAT PUBLISHING CORP.]
Romance[ AVAILABLE!!! | COMPLETED ] Crush na crush ni Cass si Ansel, ang unsociable na kakambal ng best friend niyang si Greta. Kahit kulang ito ng kabutihan sa katawan at may pagkayabang, lagi niya pa ring nakikita ang maganda rito. Until, nalaman nito na...