"MISS, GUSTO MONG i-try?" Tanong kay Cass ng barista na mukhang nakapansin sa pagtitig niya sa poster na nakapaskil sa pader ng Cafe Primo. Isa kasi iyong poster para sa Open Mic Night ng Spoken Poetry na gaganapin ngayong gabi. "Ah, ano po..."
"Okay lang 'yan, Miss," nakangiti namang sabi ng barista. "Lahat pwedeng sumali sa Open Mic. Kahit first time mo lang magsulat ng tula, pwede 'yan. Wala namang bayad."
"Ah... medyo pagod na po kasi ako... next time na lang po," sabi na lang niya at plano niya sanang umalis na, ngunit naalala niyang wala rin naman siyang gagawin mamaya. At mas gusto niya namang asa labas kaysa sa magmukmok sa loob. "May free beer po ba?" Pilya niyang nginitian ito.
"Syempre mayroon kami, Miss. Atsaka, sabi nga nila may ibang na-i-inspire kung may kasamang beer sa usapan. Di'ba may isang writer na kailangan maglasing bago siya makapagsulat?"
Tumango siya. "Saan po ako mag-sa-sign up, Kuya?"
"Ito, Miss," inabot nito ang sign-up sheet sa kanya at agad naman niyang isinulat ang pangalan bago nakangiting nagpaalam. Bumalik muna siya sa cabin at isusulat ang magiging tula niya. Inspired pa naman siya ngayong mag-drama.
Pagkauwi niya may naghihintay na naman sa kanyang mga regalo. Ipinasok niya na lang ang mga iyon at isa-isang tinanggalan ng notes. Sa halip na itapon, kinuha na lang niya ang lahat ng mga notes at pati na rin ang itinapon niya sa basura. Gusto niyang matawa nang mabasa na niya ang mga nakasulat roon. Puro maiikling mensahe ngunit hindi naman sinulat ng binata dahil maganda masyado ang cursive. Para ring mula lang sa mga Valentines Cards ang mga notes na iyon.
Napailing na lang siya. "Ay nako, walang totoong romantic na bone sa katawan. Ang corny mo, Ansel Dela Cruz," naiusal niya.
Kinuha niya na lang ang journal at gamit ang ilang linya sa mga corny na notes nito, gumawa siya ng isang spoken poem.
Nakailang drafts din siya at mga linyang binura bago pa siya nakabuo ng disenteng tula. Habang nagsusulat kasi siya ay patindi lang ng patindi ang inis niya sa sarili na napapadiin ang paghawak niya sa ballpen. May isa pa nga siyang pahinang napunit dahil lang doon.
Still, despite the annoyance and the betraying tears, natapos niya rin ang tula. Binasa niya pa iyon sa sarili niya at nag-practice sa harap ng salamin. Buti na lang at walang staff na pinadala si Ansel para distorbohin siya dahil kung mayroon man ay baka napagsabihan niya ng wala sa oras.
Nang masiguro niyang handa na siya ay naglakad na siya papunta sa beach kung saan dating ginanap ang Acoustic Night. Doon rin kasi gaganapin ang Open Mic at mukhang marami na ring tao ang naroroon. Nagsisimula na rin mag-ikot ang isang waiter para magbigay ng mga drinks. Agad niyang tinawag ito at kumuha ng isa. Wala lang. Pampalakas loob para hindi siya maiyak habang nagbabasa.
Nagsimula na ang event at surprisingly, ang i-intense ng mga nag-sign up roon. Pare parehas silang pinag-iwanan, sinaktan, at binasted. Naiiling na lang siya na kumuha pa ng isang kopita ng alak.
Hindi lumaon ay ang pangalan na niya ang tinawag. Medyo malapit na rin siyang malasing kaya sa loob loob niya nagpasalamat siya na siya na ang susunod at baka tatawa tawa lang siya kapag binasa na niya ang tula niya.
"Hello sa inyong lahat," bati niya sa mga naroroon. "Bago ako magsimula gusto kong sabihing amazed na amazed ako sa inyong mga nauna rito. At sana mahanap niyo rin ang happiness niyo at nang masimulan naman nating magkaroon ng walang hugot na spoken poetry," panimula niya na ikinatawa niya pagkatapos. "Joke lang. Huhugot rin naman ako..."
Nagsimula na siya. Naramdaman na naman niya ang galit at pait nang sinusulat niya iyon. Hindi pa siya natatapos ay gustong gusto na niyang punitin ang journal niya. Buti na lang at may lakas siyang hindi gawin iyon.
Sabi nga nila, ang mauunang ma-fall, sila ang mauunang matatalo. Lalo na kung hindi ka naman mahal ng taong mahal mo. Pakiramdam niya iiyak na naman siya kaya saglit siyang tumigil. "A-Ah... sorry, ang intense ko rin. Wait lang, hindi ko na makita yung tula e."
TAHIMIK NA PINAPANOOD ni Ansel ang dalaga sa may bar counter. Asa pinakalikod na siya kaya hindi posibleng makita siya nito. Kanina pa siya naroroon dahil balak niya rin sumama sa Open Mic Night nang nakita niyang naroroon ang pangalan ng dalaga. He was planning to confess tonight para pang suporta sa lahat ng pa-cute niya buong araw rito.
Pero ngayon pa lang na naririnig niya ang mga hinaing ng dalaga ay gusto na niyang umalis sa kinauupuan. Gusto niya nang tumakbo, malayong malayo rito.
Nang lasing si Caz at sinabi nito ang nararamdaman nito sa ginawa niya apat na taon na ang nakakalipas, natamaan siya. Umalis siya kinabukasan para mag-isip.
Na-di-distract kasi siya sa presensya nito at kung kakastiguin niya ang sarili at aalamin niya kung ano talaga ang nararamdaman para rito, ay kailangan niyang lumayo.
Iyon nga ang ginawa niya at sa halip na samahan ito ng araw na iyon ay pumunta siya sa beach para mag-surfing. Saglit lang na nawala sa isip niya ang dalaga. Sadyang bumalik na naman ito sa kanya kaya nagpapigil pa talaga siya para lang hindi niya ito puntahan hanggang sa hindi pa siya nakakaabot sa konklusyon sa kung ano talagang nararamdaman niya para rito.
Gusto niyang maging fair kay Caz at ayaw niya itong tratuhin na parang katulad ng mga dati niyang naging nobya. At ayaw niya ring maulit ang nangyari apat na taon na ang nakalilipas.
Ngayon, alam na niya. He loves her.
Kaya nga marinig lang na naiinis ito sa kanya ay gusto niya agad na bumawi rito. Naiintindihan niya naman at siya ang biglang nawala sa ere. Ngunit, ramdam na ramdam niya ang sakit na nadanasan nito sa bawat kataga na binitawan ng dalaga. Laging damang dama niya ang sinusulat nito. Laging tagos to the bones kahit pa simpleng paragraph lang.
"...Grabe naman palang nasaktan si Ma'am," komento ng bartender. "Akalain mo tagos to the bones, e."
"Hmm," nakasimangot na sagot niya.
"Kung ako man ang lalaking 'yan, hindi ko sasaktan si Ma'am," wika ulit ng bartender. "Mahirap na... baka idaan niya sa spoken poetry, mapapahiya ka kasi, e. Buti 'di niya pinangalanan."
Liningon niya ang bartender at tinapunan ng masamang tingin. Napalunok naman ito at nagdesisyong sa iba na lang ibaling ang atensyon. Ibinalik niya naman ang mga mata kay Caz at itinaas niya ang baso niya. Klaro ang alak na naroroon at ni-re-reflect nito ang dalaga.
"Ganyan ka lang, ha," mahinang usal niya sa repleksyon nito. "Damdamin mo lang lahat tapos 'pag tapos na, mag-move on ka. 'Wag ka na namang ma-fa-fall sa kung sinong sasaktan ka lang."
Marahang ngumiti siya bago inubos ang alak at sinabihan ang bartender na 'wag na lang siyang tawagin. Nang mabura na ang pangalan niya sa listahan ay saka siya walang lingon-likod na umalis. Kung masasaktan lang naman itong makita siya, mabuti lang na hindi na siya magpakita pa rito. And well, maybe he deserved it. Siya naman ngayon ang dapat iniiyakan ito. Siya naman ngayon ang dapat nasasaktan.
Maybe, it's only fair.
BINABASA MO ANG
You, Me and the Torn Love Letter ꞁ ✓ [PUBLISHED UNDER BOOKLAT PUBLISHING CORP.]
Romantizm[ AVAILABLE!!! | COMPLETED ] Crush na crush ni Cass si Ansel, ang unsociable na kakambal ng best friend niyang si Greta. Kahit kulang ito ng kabutihan sa katawan at may pagkayabang, lagi niya pa ring nakikita ang maganda rito. Until, nalaman nito na...