f o u r | Isang Oras na Lakaran [ part 1 ]

473 34 19
                                    

PAGKAGISING NI CASS, wala na si Ansel sa kabilang kama. Maghapon itong tulog kagabi kaya hindi na niya ginising. Sa halip, ipinagluto niya na lang ito nang makakain kung sakaling magising ito. Nagtataka siya kung papaano siya nakatulog kagabi gayong ninerbyos siya na baka may gawin ito sa kanya. Ngunit, mukha namang walang nangyari sa kanyang masama pagkagising niya.

Tumayo na siya at pinasadahan ng tingin ang cabin para tignan kung may iniwan ba ang binata para sa kanya. Isang note lang ang nakita niya na nakadikit gamit ang isang magnet sa ref. Hindi niya pa nakita ang handwriting ni Ansel noon at surprisingly, hindi naman ganoon kalala ang handwriting nito. Hindi maganda pero readable naman.

Ayon sa note, hindi marunong magluto ang binata kaya tumawag na lang ito ng staff para gawan siya ng breakfast. Nakalagay din doon na hindi siya masasamahan nito sa anumang aktibidades na plano niyang gawin ngayong araw dahil may pupuntahan daw ito. Napakunot siya ng noo. Akala ko ba sasamahan ako ng mokong? May sarili naman palang plano. Oh well.

Napailing na lang siya at sakto namang may narinig siyang kumakatok. Pinagbuksan niya ang pinto sa isang staff na dala dala ang breakfast niya. May complementary pa siyang Yakult na specifically ni-request daw ni Ansel na isama sa pagkain niya. Cute.

Umupo na siya at nagsimulang kumain habang inililipat ang pahina sa guide book, binilugan niya ang mga bagay na plano niyang gawin. Hindi siya mahilig sa kahit anong extreme kahit na maraming extreme activities sa guide book, kaya ang most na activities na binilugan niya ay kalmado lang.

Plano niyang pumunta sa Butterfly garden, sa Zoo, at sa Museo Abstracto na may kalayuan sa cabin niya. Malawak kasi ang Villa Montenuma na ang ibang destinasyon sa guidebook ay kailangang lakarin o kailangan ng transportation. In fact, may mga umiikot na mga minivan para sa mga gustong pumunta sa mga partikular na lugar. Kaso, like usual, may bayad rin ang mga iyon.

Ang libre lang kasi sa bakasyon na iyon ay ang cabin, ang entrance fee sa lahat ng lugar na pwedeng puntahan, at limang rides lang sa minivan. Namamahalan siya sa presyo kaya kahit malayo ang huli niyang destinasyon, plano niyang lakarin na lang kaysa sumakay sa van.

Iwinaksi niya ulit sa isip na wala siyang kasama. Hindi naman sa hindi niya kayang mag-isa. Sadyang iba pa rin sa pakiramdam ang magbakasyon na may kasama. Nakaramdam tuloy siya ng inggit kay Greta na maari'y nasa isang romantic na getaway kasama ng boyfriend nito.

Stay positive, Cass. You are a strong and independent woman, okay? pag-aalo niya sa sarili. Sinabayan niya pa ng pag-inom ng Yakult para kunwari everyday, okay.

HINDI NA ALAM ni Cass kung bakit nga ba siya nagdesisyon na lakarin na lang ang papunta sa Museo Abstracto. Nanakit na ang kanyang mga hita sa paglalakad dahil hindi lang naman ang Museong iyon ang nilakad niya. Nagsisi na tuloy siya at gusto na niyang humilata na lang sa sidewalk.

Wala pang dumadaan na minivan kaya wala naman siyang mapara.

Binuksan niya ang phone, malapit na rin siyang ma-lowbat dahil sa dami ng litratong kinuha niya kanina. Napabuga siya ng hangin. Tawagan ko kaya ang mokong na iyon, naisaisip niya. Ngunit nang binuksan niya ang contacts niya, wala ang pangalan ng binata roon. Nga pala, neber ko nakuha ang number niya.

Padilim na rin at ilang oras na lang bago magsara ang museo kaya nagpasya na lang siyang manatili sa sidewalk. Maghihintay na lang siya ng pababang minivan at bukas na lang siya babalik. Ubos na rin kasi ang tubig niya at wala na siyang dalang energy bar na pantawid ng gutom.

"Ang malas ko naman," aniya sa sarili at napapikit na lang. Maganda ang simoy ng hangin sa Villa Montenuma, lalo na kung gabi. Malapit na rin kasi ang Disyembre, kaya randam na ang pagbaba ng temperatura. Parang katulad lang ng temperatura sa Baguio kung saan siya nakatira. Nanunuot ang lamig sa kanyang buto at maganda iyon sa pakiramdam. "Hmm..."

Buti na lang at walang tao dun kung hindi baka nawirduhan na sila kasi nakahiga na siya roon. Nagsimula na siyang mag-daydream at kasama doon ang malakas na preno ng sasakyan. Huwaw, ang real na ng imagination ko ngayon, ah?

Nagpreno ulit ang sasakyan. Hindi niya pa rin iyon pinansin. Nang nagpreno na naman iyon sa pangtalong beses doon niya lang iminulat ang kanyang mata at nakita niya ang sasakyan ni Ansel. Nakabukas na ang pinto ng passenger's seat at tila na-amuse na nakatingin sa kanya ang binata. Agad agad siyang tumaya at namula, "A-Anong ginagawa mo rito?"

"Nakita ko ang note mo at nagtataka ako kung bakit wala ka pa," sagot nito. "Hintayin na sana kita kasi magsasara naman na ang museum maya-maya lang pero mukhang tama ako na mag-double check. Hop in?"

Hindi naman siya nagdalawang isip na sumakay. "Thanks."

"No problem," nagsimula na itong bagtasin ang natitira pang lalakbayin sana ni Cass kung hindi siya tumigil. "Bakit hindi ka nag-minivan? Marami namang minivan mula sa last destination mo."

Hindi niya alam ang tungkol doon kaya napatingin siya rito. "Minemorize mo ba yung guidebook?"

Saglit siyang tinapunan nito ng tingin bago ito napabuga ng hangin. "This is why you should never skim things, Caz. You should always read the fineprint."

"Cassidy," hindi napigilang pagtatama niya. That nickname held a lot of memories and it's better to never hear him utter that again. Especially, ngayon na nagbabago ang judgment niya sa binata. Dahil kung wala itong pakialam, hindi dapat siya nito hinanap ngayon. Mukha namang tinubuan din ito ng care sa paligid nito.

Natahimik lang ang binata at wala na naman silang pinagusapan hanggang sa makarating na sila sa Museo Abstracto. "Thanks. Hintayin mo na lang ako, okay?" aniya sabay baba ng sasakyan, ngunit base pa lang sa narinig niyang pagbukas ng isa pang pinto, sasama ito sa kanya.

"Check ko na rin, nakakabagot mag-isa," sagot nito sa tanong na gusto niyang itanong rito. Then, without saying anything, mas nauna pa itong pumasok kaysa sa kanya. Sinundan niya ito ng tingin bago napapailing na sumunod na lang.

 Sinundan niya ito ng tingin bago napapailing na sumunod na lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


You, Me and the Torn Love Letter ꞁ ✓ [PUBLISHED UNDER BOOKLAT PUBLISHING CORP.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon