NANG NAGISING SI Cass ay nakahiga pa rin siya sa tabi ng binata. Specifically, she was using his arm as her pillow. Agad siyang napaupo at tumingin sa paligid. Nakabukas pa rin ang TV at kasalukuyan na itong nasa pinakahuling episode ng Regular Show, ang paborito niyang cartoon show.
Liningon niya ang binata na mukhang gising na rin, nakaupo na ito at humihikab. Masyadong nag-puff out ang kulot nitong buhok at mukhang nakaka-tempt na hawakan at dahil ewan siya kapag kakagising, iyon ang ginawa niya.
"Ang fluffy naman ng hair mo, Ansel," usal niya habang casually na ginugulo ang magulo na nitong buhok.
"May bayad 'yan," tinatamad na sabi nito na hindi pa rin nagbubukas ng mga mata. Maghapon na kasi silang nanood ng Regular Show at hindi na rin nila namalayang nakatulog na pala sila.
Hindi niya rin napansin na nakatabi niya pala itong makatulog. Nang nagsimula kasi silang nanood ay nagkampo sila sa kama nito kung saan mas maganda ang magiging view at maari silang sumandal sa pader.
Nakangiting ginugulo niya pa rin ang buhok nito. "Ano namang bayad?"
"Kiss me," sabi nito na biglang ikinagising niya at ang magaling na lalaki ay nag-angat pa ng mukha para magpahalik. "Kiss me like how Muscleman kissed his Musclewoman." Ang tinutukoy nito ay ang dalawa sa mga karakter sa Regular Show at ang eksena na sinasabi nito ay sa tanang buhay niya ay hindi niya planong gawin. Intense kasi ang kissing scene ng mga karakter na tinutukoy ng binata. May mga ilang karakter na ngang hindi nagustuhan ang nakikita at laging lumilipat ang eksena sa iba kung naghahalikan na ang mga ito.
"Che, kadiri ka," natatawang marahan niya itong sampalin. "Magising ka na nga, kung ano ano na ang sinasabi mo diyan."
Kung kahapon ay tinablan siya sa pagsubok nitong halikan siya, ngayo'y wala na iyon sa kanya. Ang importante sa kanya ay magkaibigan na uli sila. Kaya nga niya s-in-uggest niya na mag-binge sila para maayos ulit ang pagkakaibigan nila. Ayaw niyang mag-assume at bigyan ng konteksto ang pag-fli-flirt ng binata dahil mahirap na.
Akmang tatayo na siya ngunit pinigilan siya ng binata at pinaupo muli sa kama. Ito na ang tumayo at kahit naghihikab pa rin ay nagsalita ito. "Ako na ang bahala sa breakfast."
Nagtatakang pinagtaasan niya ito ng kilay. "Paano ka gagawa ng breakfast? Hindi ka marunong magluto di'ba?"
He opened his eyes and smiled lazily at her. Ginulo lang nito ang buhok niya bago ito dumiretso sa labas. Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin. "Saan naman iyon pupunta? Hindi pa kaya iyon naghilamos at nagsepilyo."
Napailing na lang siya at pinatay na muna ang TV. Magdamag na kasi iyong nakabukas at sa halip, inabot na lang niya ang kanyang phone at nagpatutogtog siya ng musika. Narinig sa kwarto nila ang isang kanta mula sa bandang IV of Spades.
Nagdiretso na rin siya sa banyo para ihanda ang sarili sa panibagong araw. Nang nakalabas siya ay wala pa rin ang binata. Nagkibit balikat na lang siya, dala naman siguro nito ang cellphone nito kaya kung mag-alala man siya ay matatawagan niya iyon.
Bago pa siya makaupo narinig niya ang ringtone ng phone at dinampot niya iyon. Tinatawagan siya ni Ansel. Sinagot niya agad ang tawag nito dahil alam niyang i-flo-flood na naman siya nito kung hindi siya sasagot. "Hello, Ansel?" Usal niya pagkasagot rito.
"Good morning, Caz," sabi nito at sa 'di niya malamang dahilan ay parang may mga mutant butterflies na nag-siliparan sa tiyan niya. Ngayon lang kasi niya narinig ang binata mula sa telepono at damn, his sleepy voice sounds cute on the phone.
"M-Morning," bati niya. "Kamusta na?"
"Um... iyon nga sana ang gusto kong itanong sa sarili ko."
"Bakit anong nangyari sa'yo?" Nagtatakang tanong niya. Agad na rin siyang nakaramdam ng kaba at baka may kung anong nangyari sa binata.
"Naglalakad kasi ako at hindi ko alam bakit ako napadpad dito... Bakit nga ba ako lumabas ng cabin?" Inosenteng tanong nito na parang isang bata.
Hindi niya napigilang matawa at nahirapan pa siyang sagutin ito nang maayos.
"Sige, tawa pa..." pag-engganyo lang naman nito sa kanya. "I like hearing you laugh either way, pampa-good vibes."
"Ewan ko sa iyo," napapunas siya ng luhang nangilid sa kanyang mga mata. "Asan ka ba?"
"Asa Goodwill Park... buti wala pang tao rito, alam ko gwapo pa rin ako kahit bagong gising pero mahirap na 'di ako prepared. Can you save me, Caz?"
Natatawa pa rin na pumayag na lang siya. Ang akala niya naman ay gising na talaga ito nang nagpasya itong lumabas ng cabin kanina. Ito pa nga ang nagsabing magluluto ito ng agahan nila. Iyon pala mas malala pa ang binata sa kanya kung ito'y half-asleep. "Para kang lasing, Ansel. Sige na nga, sunduin na kita. Dalhan pa ba kita ng extrang damit? Toothbrush? Sabon? Shampoo?" Sa pagkakaalala niya kasi ay may shower area na malapit sa Goodwill Park, marami rin kasing malapit na cabin roon at by walking distance naman ang Waterworks, ang resort at waterslide park.
"Wag na, just come here."
Napailing na lang siya at lumabas ng cabin para hanapin ang binata sa Goodwill Park. Hindi naman nagtagal ang paghahanap niya dahil nakita niya rin ito na nakaupo sa isa sa mga bench. Nakangiting kumaway ito sa kanya at linapitan niya naman ito. "Ngayon ko lang na-realize... Bakit ka nga ba nagpasundo e pwede ka namang umuwi na lang?" Natatawang wika niya nang umupo na siya sa tabi nito. "Pinag-effort mo pa talaga akong puntahan ka."
Napangiti lang ito. "I guess we're both half-asleep then. Ikaw kasi, sabi mo isang episode pa."
"Hala siya, ikaw kaya ang nagsabi. Sabi mo pa nga ng una, 'Ay cartoons, ayaw ko niyan.' Tapos ikaw rin lang ang next ng next."
"Aba, aba."
Nagtinginan sila at hindi na napigilang tumawa na lang. "Alam mo kapag feel ko ulit mag-binge watch ikaw ang tatawagan ko. Hindi ka weak sauce e."
"Ako lang ang tawagan mo," usal naman nito. "Ayaw mo nun, may matutulugan kang gwapo at pagkagising mo maganda pa ang gising mo."
"Ang hangin bigla, ah."
"Hindi naman. Humble pa nga iyon e."
"Humble ka riyan."
Pinalo niya ulit ito sa braso at hindi naman ito umiwas, nag-papalo lang like usual. Hihirit pa sana siya pero nang iniangat niya ang tingin rito, he was looking at her as if she's the only person in the world. Technically, sila lang talaga ang naroroon at ang mga staff na asa snack bar sa Goodwill Park. "What?" Tanong niya para mawala ang biglang niyang pagkailang.
"You know... I just made an excuse so I can hear you over the phone," sinserong usal nito. "Ang ganda pala ng boses mo."
Huwaw. Ano raw?
Syempre, sinakyan niya na lang. Ngunit, umabot na naman sa puso niya ang kakaibang kaba na matagal na niyang nasisimulang nararamdaman dahil dito.
BINABASA MO ANG
You, Me and the Torn Love Letter ꞁ ✓ [PUBLISHED UNDER BOOKLAT PUBLISHING CORP.]
Romance[ AVAILABLE!!! | COMPLETED ] Crush na crush ni Cass si Ansel, ang unsociable na kakambal ng best friend niyang si Greta. Kahit kulang ito ng kabutihan sa katawan at may pagkayabang, lagi niya pa ring nakikita ang maganda rito. Until, nalaman nito na...