Chapter 43

10.1K 230 36
                                    

Deanna's

Sabi nila, pag nagmahal ka dapat handa kang masaktan. Handa kang sumugal, handa mong itaya yung mga bagay na gusto mong itaya para sainyong dalawa kahit walang kasiguraduhan na mananalo ka.

Wala naman talagang nagmamahal ang hindi nasasaktan. Kahit pilitin mong lumaban, ikaw din yung mahihirapan.

Sa pagmamahal, hindi sapat yung, mahal mo siya at mahal ka niya. Dahil hindi dun umiikot ang pag-ibig, hindi dun nananatili ang pag-ibig at hindi yun matatawag na pag-ibi. Kasi sa pag-ibig? Iba't iba ang mararanasan mo, taas, baba. Para kang nasa roller coaster, iiyak, tatawa, masasaktan, magiging masaya.

Ganun ang love. Hindi mo alam ang mga susunod na mangyayari kung hindi mo aalamin, kung hindi mo susubukan o kung hindi ka magt-take ng risks.

Love is invisible, but in time, you can feel love. Nararamdaman mo ang pag-ibig. Nakikita mo rin siya, sa mata ng taong iniibig mo. Tumingin ka sa mata niya, at dun mo malalaman kung ano ba talaga.



2 weeks ago ng maka-usap ko si Ate Jovi. Nabalitaan ko rin na bumalik na siya ng Pilipinas. Siguro ako talaga yung sinadya niya dito, para maka-usap ako ng masinsinan.

Bumalik din ako sa bahay namin. Nakausap ko na din si Papa. Humingi siya ng tawad sa mga ginagawa o nagawa niya saakin. Pero wala silang balak na i-cancel ang kasal.

Siguro nga tama si Ate Jovi. Kailangan ko munang bitawan si Jema para makapag-desisyon ako, yung hindi padalos dalos. Mahal na mahal ko siya kaya ko to ginagawa. Pinapangako ko, maayos ko lang ang lahat ng ito, magiging masaya ulit kami katulad ng dati.

"Deanna, sure ka ba sa plano mo? Baka mag-away lang kayo ni Celine niyan dahil sa ginagawa mo."

Im with Ate Kianna, papunta kami ng Park ngayon dahil wala namang gagawin sa opisina.

Balak ko din kasing i-ditch yung "Lunch Date" namin ni Celine.

"And so? Yun naman talaga siya eh, warfreak. Saan ba pinaglihi yun, Ate? Sa sama ng loob? Grabe yung ugali eh. Kung anong gusto niya, dapat makukuha niya. Agad agad." Ang layo talaga ng ugali niya kay Jema. Tss.

"Eh anong inaasahan mo? Na same sila ng attitude ni Jema? Ganon?"

"Hindi no! Nag-iisa lang si Jema, walang katulad yun, Ate. One and only Jessica Margarett." Proud kong sabi sakanya kaya inirapan naman niya ako.

Maganda naman ang weather ngayon, pero mas gaganda kung si Jema yung kasama ko.

"Umuwi ka nalang kaya?" Napatingin naman ako kay Ate Kianna dahil sa sinabi niya.

"Wala pa nga tayo sa park pinapauwi mo na agad ako? Pfft. Grabe, wag mo namang ipa-feel saakin na ayaw mo akong kasama Ate Kianns." Nagulat naman ako nang bigla niya akong batukan.

Aray ha! What was that for?! Sakit tsk. Brutal talaga kahit kailan.

"That's not what I mean. Gaga. What I mean is, umayaw ka na. Yung sa kasal niyo ni Celine. Umuwi ka na ng Pinas. Ayusin mo na yung sainyo ni Jema."

"Ate, I know you know na mahal na mahal ko siya. Sobra. Pero ayokong mahirapan siya. Hihintayin ko nalang na sila na mismo ang umayaw, o kung kelan yung araw na naibigay na nila yung shares nila sa Company. Dun ko na ipaglalaban yung pagmamahalan namin ni Jema."

Seryoso ako sa mga sinabi ko sakanya ngayon. Kahit alam kong imposible na sila Celine ang unang umayaw.




"Eh? Gaga ka ba? Kahit na ibigay nila sa company yung 95% shares kuno nila, pwedeng pwede nilang i-pull out yun kung hindi kayo kasal ni Celine."

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now