Jema's
Matapos ang halos isa't kalahating oras ay nakarating na rin kami ng Manila. Humiwalay na kaming dalawa ni Deanna kanina nang makalapag ang eroplano namin. Nag prisinta si Deanna na roon na lang muna ako tumuloy sa condo niya.
"Love, nagugutom ako," Reklamo ko sakaniya habang nakanguso at hinihimas-himas ang kumukulo kong tiyan.
Pinisil niya ang ilong ko bago magsalita. "I'll cook for you,"
Lumiwanag nang husto ang mukha ko! "Talaga?"
"Ayaw pa?"
"Gusto! Tara na!" Hinigit ko siya sa kusina para makapagsimula na siya. Lunch na rin kasi kaya siguro ay nagugutom na ako.
Naglabas siya ng mga ingredients mula sa refrigerator niya. Umupo ako malapit sa tabi ng lababo habang tinitignan ko siya maghiwa ng patatas at iba pang rekados. Mayroon din palang manok at baboy na nakababad sa bowl na mayroong tubig, galing kasi sa freezer, frozen siguro.
Habang naghihiwa siya ay binuksan ko ang Instagram account ko. Gusto kong i-post ang picture naming dalawa noong nasa Palawan kami kaso baka ay hindi okay sakaniya. Inilagay ko na lang iyon sa story ko at naka 'close friends'. Picture namin iyon dalawa na kinuha ni Jho sa film camera niya. Nakahalik si Deanna sa pisngi ko mula sa likuran, habang nakayakap sa bewang ko at naka peace sign lang ako at abot langit ang ngiti. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang kilig na nararamdaman ko.
Chineck ko kung sino-sino na ang mga nag view roon. Nagulat ako nang makita si Mafe sa mga viewers! Hindi pa pala niya alam ang tungkol sa amin ni Deanna. Itetext ko na sana siya nang mag reply siya sa story ko.
emmmgalanza: luh? nuyan??????
jemagalanza: secret
emmmgalanza: isusumbong kita kay mama! naglilihim ka na, ah!
jemagalanza: eto naman 'kala mo others, e! ikkwento ko rin sainyo! panget mo!
emmmgalanza: throwback 'yan, e! hindi mo ako maloloko!
Hindi ko namalayan na napalakas ang tawa ko kaya naman ay nadistract ko si Deanna sa pagluluto. Naggigisa na pala siya.
"Sino 'yan?" Tanong niya habang patuloy na ginigisa ang bawang at sibuyas.
"Si Mafe lang," Gustuhin ko man siyang asarin at pikunin, pinili kong huwag na lang. Baka mamaya ay tuluyang magalit at hindi pa matuloy ang pagluto niya! "Anong niluluto mo?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Adobo. Chicken and Pork," Nakangiti niyang sagot habang patuloy sa pagluluto.
Magsasalita na sana ako nang mag vibrate ang cellphone ko. Akala ko ay message ni Mafe, kay Mama pala!
From: Mama
'Nak, kumusta ka? Punta ka rito mamaya, rito ka na mag hapunan. May gusto rin makipag-usap sa 'yo :)
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. Sino na namang gustong makipag-usap sa 'kin? Bakit hindi na lang idaan sa text? Hassle, ah.
Pero gusto ko rin naman nang makita sila Mama at ikwento ang tungkol sa amin ni Deanna. Alam kong matanggal na rin nilang hinihintay 'to, ang maging maayos kami ni Deanna at bumalik kami sa dati.
"Lunch is ready!" Hindi ko napansin na tapos na palang mag luto si Deanna. Amoy na amoy ko ang adobo na niluto niya. Natatakam ako!
"Ang bango.." Sininghot-singhot ko ang amoy niyon kaya napatawa si Deanna at ginulo ang buhok ko.
YOU ARE READING
Same Old Love (GaWong)
Fanfic[editing] After they broke up a couple of years ago, Jema and Deanna realized how much they still love each other despite the circumstances coming in their way. They didn't let that ruin their love, their same old love for each other. year started:...