Jema's
Taena talaga neto ni Ponggay. Kakarating palang namin dito sa New York pero nagkanda ligaw ligaw na kaming dalawa dito.
"Puntahan nalang muna kaya natin yung kapatid mo? Diba?! Di nag-iisip amputa." Reklamo ko sakanya.
"Bat hindi ka nalang kaya umuwi? Diba?! Reklamadora amputa." Sabat niya kaya inirapan ko naman siya.
Kung siya, sadya niya ay bakasyon at yung kapatid niya. Ako sadya ko si Deanna. Oo, hindi ko pa siya lubusang maalala, pero alam ko sa puso ko, hindi ko siya makakalimutan. Yun lang naman talaga yung importante pag nagmamahal ka, makalimutan man ng isip mo, yung puso mo kahit kailan hindi magagawang makalimot.
Lalo na't puso mo ang nagmamahal at hindi ang utak mo. Kelan pa tumibok ang utak para sa isang tao? Diba hindi pa? Nagagawa ng ating utak ay yung mang husga sa panlabas na anyo ng isang tao. Pero yung puso natin, alam niya kung anong niloloob ng isang tao.
"Hi? Uhm, are you filipino? Or you understand filipino?" Lumingon naman ako kay Ponggay na ngayo'y may kausap na isang babae.
Mukha siyang pilipino eh. Morena at katangkaran din. Halata ding medyo matagal na siya dito.
"Pilipino ako. Anong maitutulong ko sainyo?" Sabi na eh.
Lumapit ako sa likod ni Ponggay, hindi yata ako napansin nung babae dahil nakatutok lang siya kay Ponggay.
"Itatanong ko lang sana kung familiar ba sayo si Therese Gaston? Model kasi siya dito eh. Actually, hindi siya ganun ka-sikat pero baka kilala mo lang hehe." Parang bata naman na sagot ni Ponggay.
Napatawa naman sakanya yung babae. Ang ganda ng tawa niya, alam niyo yung tawang totoo at ang tamis? Ganun eh. Samahan mo pa ng braces niya bagay na bagay sakanya.
"Ikaw ba yung kapatid niya? Oo, kilala ko siya dahil magkaibigan kami. Hindi mo ba alam yung condo niya dito?" Tanong niya kay Ponggay. Umiling lang sakanya si Ponggay kaya tumango naman yung babae. Na-o-OP na ako huh.
"Im Celine Domingo by the way. You're Pauline Gaston, right?" Nilahad naman niyo ang kamay niya kaya tinanggap din yun agad ni Ponggay.
"Ponggay nalang, Celine. Masyado namang formal ang Pauline. Oh, and by the way Im with my friend." Finally at naalala niya narin na kasama niya ako.
Lumabas ako sa pagkakatago sa likod ni Ponggay. Nginitian ko si Celine at parang nagulat pa siyang nakita niya ako. Pero deadma lang, magpapakilala muna ako.
"Hi! Im Jessica Margarett Galanza, Jema nalang for short dahil masyadong mahaba at formal yung Jessica Margarett. Hehe." Nilahad ko naman yung kamay ko para makipag-shake hands sakanya. Pero hindi niya iyon agad tinanggap at nagtaka naman kami ni Ponggay.
Nilingon ko si Ponggay na ngayo'y nakakunot ang noo.
"S-sorry. J-Jema. Right?" Sabi niya ng makabalik sa wisyo at nginitian ako. Tumango nalang din ako.
"Tara. Samahan ko kayo sa kapatid mo, Ponggay." Sabi niya saamin pero bago pa man din kami maka-alis nagsalita na ulit si Ponggay.
"Teka lang, Celine! May itatanong pa sana ako sayo eh."
"Sige ba. Ano yun?"
"May kilala ka bang Deanna Wong? Kailangan kasi namin siya maka-usap eh, I mean eto lang palang si Jema ay kailangan siyang maka-usap. Siya muna ang una nating puntahan, pwede ba?"Nagulat naman ako sa sinabi ni Ponggay.
YOU ARE READING
Same Old Love (GaWong)
Fanfiction[editing] After they broke up a couple of years ago, Jema and Deanna realized how much they still love each other despite the circumstances coming in their way. They didn't let that ruin their love, their same old love for each other. year started:...