Chapter 28

13.9K 261 30
                                    

Jema's

Ang saya pala pag bumalik ka na sa piling ng taong pinakamamahal mo. Yung tipong malapit ka nanamang sumuko pero siya yung lakas at dahilan mo para patuloy na lumaban. Siya yung taong nagbibigay sayo ng napakagandang motibo para hindi sumuko sa kung ano man ang nasimulan mo na. Yung taong nanjan para sayo through ups and downs ng buhay mo at syempre ng relasyon niyong dalawa. Yung taong mahal na mahal mo na kahit anong pagod mo, hindi mo magawang sumuko kasi isang ngiti niya lang sayo lahat ng mga pagaalinlangan mo nawawala. Noon, hindi ko pa to nararamdaman. Hindi ko pa nararanasan yung ganitong pag-ibig, pero nung dumating siya sa buhay ko? All of these different feelings are because of her. Siya yung dahilan kung bakit naniniwala na ako na hindi mo dapat pansinin ang sinasabi ng ibang tao sainyo ang mahalaga nagmamahalan kayo at walang tinatapak-tapakang ibang tao.

I always doubt my worth, but when she came into my life, she made me feel special and so fragile that no one can ever break me. Even her.

"Are you okay, nak? Nandun na sila sa labas, bakit hindi ka pa sumusunod?" Tanong saakin ni Tita, Mama ni Deanna.

Nginitian ko muna siya bago sumagot.

"May iniisip lang po kasi ako, Tita. Susunod na rin po ako, kayo po? Hindi po ba kayo susunod para kumain po tayo ng sabay sabay?" Umiling naman siya sa tanong ko.

"Hindi na anak, may aasikasuhin pa ako." Tinigil niya muna ang pagsasalita niya at kinuha ang kanang kamay ko. "Jema, wag ka na sanang sumuko ah? Sabayan mo sana si Deanna na lumaban. Sabay niyo sanang ipamukha sa ibang tao na kayo ang nararapat para sa isa't isa. Mahalin mo siya hangga't makakaya mo, iparamdam mo sakanya yung mga bagay na dapat niyang maramdaman galing sayo."

"Tita, nagkamali po ako sa pag-suko noon, pero sinisugarado ko pong hindi na mangyayari 'yun. Deanna's my strength in everything I do. She's my reason why Im still fighting. Kahit sino pa yang hahadlang saamin, I'll make a way para hindi na niya maharangan ang forever namin." Napatawa nalang kami ni Tita dahil sa litanya ko.

Pero totoo yun, kung meron mang taong haharang sa dinadaanan namin patungo sa masayang relasyon, edi gagawa ako ng isa pang daan na kung saan nandun lahat ng mga taong masasalubong namin na kaya kaming suportahan.

"Salamat, nak. Osige, sumunod ka na dun bago pa pumunta dito si Deanna." Tumango naman ako kay Tita at nagpaalam na.

Habang naglalakad ako papunta kanila Ate Ella, hindi ko parin maisip kung bakit hindi parin matanggap ni Fhen
yung katotohanan na hinding hindi na kami maghihiwalay ni Deanna kahit ano pa ang gawin niya? Hindi pa ba sapat yung ilang taon na pinaramdam ko din naman sakanya na minahal ko siya? Bakit kailangan niya pang manira ng relasyon ng iba?

Pagkadating ko naman sa harapan nila Deanna, bigla niya akong inakbayan. Teka lang yung puso ko. Minsan niya nalang kasi ako akbayan eh.

"Ang tagal niyo naman mag-usap ni Mama, ano tara na? Nagugutom na ako eh." Pinisil ko naman yung pisnge niya, nanggigigil ako eh.

Kotse ko nalang yung ginamit kasya din naman kasi kami dun, si Deanna na daw mag-ddrive kahit ayaw ko sa kaloob-looban ko dahil hindi pa siya masyadong magaling.

Si likod naman namin si Bea, Jho, Ate Ella, Ponggay at Kat. Buti nagkasta sila, ang papayat kasi eh. Pwera nalang kay Ate Ella hehe joke lang.

Sa malapit na mall lang kami kakain, ayaw din kasi nila na masyadong malayo kasi mga pagod kakaalaga kay Deanna. Buti nalang at kaibigan ko tong mga to, sila yung nanjan para kay Deanna sa mga panahong na-tatanga na ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Im very thankful for that.

Almost 30 minutes lang ang binyahe namin at nakarating na din kami sa mall. Yung mga kasama ko nagwawala na daw ang mga alaga sa tiyan. Hay nako, baka nga kay Ate Ella lang yung nagwawala eh.

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now