0

276 5 0
                                    

A's Pov

"Don't forget to bring all your modules tomorrow because we will check it and i will get your scores. Understand?" tanong samin ni sir Min pagkatapos nyang mag discuss.

"Opo sir/Ok po!" sabay sabay naming sagot.

Nagsimula na syang mag ayos ng kanyang gamit at humanda na para umalis sa aming room.

"Ok so thats all class. Goodbye and see you all tomorrow" nakangiting paalam ni Sir Min bago lumabas ng aming room.

"Bye sir!" narinig kong paalam nila Ash, Dane, at Sam habang naghahampasan dala ng kakiligan. Nasa harap ko sila kaya kitang kita ko ang kaharutan nila.

Napailing na lamang ako at nagsimulang ayusin ang aking gamit. Gwapo kasi si sir Min at nakapaka-bait pa. Marami tuloy nagkaka-gusto sa kanya lalo na tong tatlong mahaharot sa harap ko.

"Bes let's go na! Nagugutom na ko" biglang lumitaw sa harap ko ang bestfriend kong si Mia habang naka-pout.

Natawa naman ako sa reaksyon nya kaya ginulo ko ang buhok nya "Oo na. Tatapusin ko lang ayusin ang gamit ko okay?" sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ang pag-aayos.

"Aish! Ayoko sabing ginugulo buhok ko e! Nawawala sa ayos yung hairpin ko" reklamo ni Mia. Natawa na lamang ako sa reaksyon nya.

Kahit kelan talaga ang sarap nyang asarin.

Ng matapos na kong mag-ayos ay niyaya ko na si Mia pumunta ng canteen. Katulad nya ay nagugutom na rin ako dahil hindi ako nakapag-almusal kaninang umaga.

"Bes pwede ka ba mamaya?" narinig ko tanong ni Mia dahilan para mapalingon ako sa kanya.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway papuntang canteen.

"Hmmm..." napa-isip ako saglit bago sumagot."...Oo. Bakit?" tanong ko. Tapos na rin naman akong magsagot ng modules kaya wala na kong gagawin mamaya.

"Magpapasama lang sana ako. Pwede ba?" tanong nya ulit.

Tumango naman kagad ako." Oo naman. San ba?" tanong ko pabalik.

Natagalan sya bago sagutin ang tanong ko. Parang nag-aalinlangan sya kung sasabihin nya ba sakin o hindi. Nagtaka tuloy ako sa kinilos nya.

" Uy! San nga? Sasamahan kita basta sabihin mo lang kung saan tayo pupunta" sabi ko sa kanya.

"Eh kasi... May pinapagawa sakin sila Ash. Kailangan ko daw alamin kung dito ba daw talaga nakatira si Jk ng Red Dragon" sabi ni Mia sabay abot ng maliit na papel sakin. Kinuha ko naman ito at binasa.

EH?

Teka.

Malapit lang to samin a?

"Natatakot kasi akong pumunta mag-isa. Tsaka baka mahuli ako ni Jk at kung ano pang gawin nya sakin" mahinang sabi ni Mia.

Pinanliitan ko naman sya ng mata."Kung natatakot ka naman pala, bakit ka pumayag? Tsaka teka nga, diba sinabi ko sayong wag mo ng susundin ang tatlong yun? Kaya ka napapahamak e!" inis kong sabi.

Ano na naman bang pinaplano ng tatlong yun?! At dinamay na naman nila si Mia? Argh! Mga wala talagang magawa sa buhay!

Nung nakaraan kasi na may pinagawa sila Ash kay Mia ay muntik na syang mapa-guidance ng lagyan nya ng fake na ipis ang bag ni Ma'am Coleen. Nalaman ni Ma'am na sya ang naglagay nun dahil sya din ang nadiin at tinuro nila Mia. Mabuti na lamang ay pinaglagpas ni Ma'am pero sa susunod na gawin nya ulit yun ay guidance na talaga ang bagsak nya.

"At alam mo ba kung gano kadelikado once na mahuli ka ni Jk?! Mia gangster yun! Kahit sino pinapatulan nun kahit na babae pa!" inis kong sabi muli.

"Alam ko naman e! Kaya nga nagpapasama ako! Kaya sge na plssss. Samahan mo na ko!" pagmamakaawa ni Mia habang nakadikit pa ang magkabilang palad.

"Ayoko! Di ako papayag at kakausapin ko sila Mia na tigilan ka na nila" seryoso kong sabi at pumuntang cr dahil paniguradong andun ang tatlong yun para mag make-up.

Napupuno na talaga ako sa tatlong yun!

"Uy wag mo na silang puntahan! Last naman na to e at hinding hindi ko na sila susundin! Promise!" paki-usap ni Mia.

"Sinabi mo na yan sakin nun pero ano? Sumunod ka ulit sa sinabi nila!" sabi ko sa kanya.

Lumiko ako at ilang hakbang na lang ay mapapasok ko na ang c.r kung nasan sila Ash ng...

"May kapalit ang utos nila sakin!"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang huli nyang sinabi. Nilingon ko sya habang naka-kunot ang aking noo."Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

"Tutulungan nila akong mapalapit kay V" mahinang sabi ni Mia pero sapat para marinig ko.

Hindi ko alam na aabot si Mia sa ganito. Gagawin nya talaga ang lahat mapalapit lang taong gusto nya.

Kahit na mapahamak man sya.

******

To Be Continue...

°Jk ° | Bangtanseries#1 |Where stories live. Discover now