A's Pov
Huminga ako ng malalim bago ako naglakas loob na tumayo sa harap nila. May kanya-kanya silang pinagkakaabalahan at hindi nila ako napansin kaya naman...
"Excuse me" matapang kong sabi na nagpalingon sa kanilang lahat.
Isa-isa silang nagtinginan sakin dahilan para mapalunok ako at bahagyang napaatras ng bumungad sakin ang seryoso at nakakatakot nilang tingin. Para bang papatayin nila ako sa paraan ng pagtitig nila sakin.
Nagsisi tuloy ako at parang gusto ko na lang umalis at lumayo sa kanila pero...
Wala ng atrasan. Andito na ko sa harapan nila kaya paninindigan ko na ang nasimulan ko. Kailangan ko lang lakasan ang loob ko.
Hoo! Fighting A!
"P-pwesto namin y-yan. Nag c.r lang ako s-saglit kaya walang n-naiwan dito pero d-dito talaga ang pwesto namin. S-sa iba na lang kayo umupo" nauutal kong sabi. Hindi ko mapigilan dala ng kabang nararamdaman ko.
Napaatras na naman ako ng biglang tumayo ang isa nilang miyembro. Kung hindi ako nagkakamali, sya yung pinaka-matapang sa kanila.
Si Jk.
"Wala kaming pakialam. Umalis na ka na kung ayaw mong masaktan" seryoso nyang sabi habang masamang nakatitig sakin.
"H-hindi ako aalis dito. Pwesto namin to kaya kayo dapat ang u-umalis" matapang ngunit nauutal kong sabi.
Huhuhu hindi ko talaga mapigilan!
Napabuga sa hangin si Jk at napahawak sa kanyang panga. Mukhang nainis sya sa naging pagsagot ko at pag-papaalis sa kanila.
"Hoy! Sino ka para paalisin kami? Baka nakakalimutan mong pamilya ko ang may-ari ng paaralan to! Kaya wala kang karapatan paalisin kami naiintindihan mo?" galit na sabi Jk habang masamang nakatingin sakin.
Mas lalo akong kinakabahan sa nangyayari.Hindi ko naman nakakalimutan na family nya ang may-ari ng paaralang ito. Pero, dapat naman ay maging fair sya. Kung pag-bibigyan ko sya ngayon ay panigurado na sa susunod ay gagawin na naman nya ito which is mali kaya hindi dapat tino-tolerate.
"Alam ko naman na family mo ang may-ari ng paaralan ito pero sana naman ay maging fair ka. Hindi porket kayo ang may-ari nito ay gagamitin mo yung reason para makapanlamang ka sa ibang tao" matapang kong sabi. Sa wakas ay nawala na din ang pagka-utal ko.
Nagulat ako ng bigla syang tumawa ng malakas. Hindi ko in-expect na ito ang magiging reaksyon nya. Ang akala ko ay magagalit sya pero kabaligtaran ng iniisip ko.
"Ang tapang mo a" nakangisi nyang sabi at dahan dahan naglakad papalapit sakin. "Tignan natin kung hanggang saan yang tapang mo" napalitan ng seryosong mukha ang kanina'y nakangisi nyang labi.
Napalunok ako at napa-atras sa ginawa nya. Napansin kong ang dami na palang nanonood samin at yung iba pa ay may hawak na cellphone at vini-videohan kami. Nakita ko din si Mia na kitang kita ang pag-alala sa kanyang mukha.
Nagulat ako ng maramdaman kong pader na pala ang sinasandalan ko. Napatingin tuloy ako kay Jk na ilang hakbang na lang ang layo sakin.
*Tug*
Napapikit ako ng malakas nyang iniharang ang kanyang kanang kamay sa gilid ko. Napatingin ako sa kanya at bumungad ang matalim nyang tingin dahilan para mapalunok ako.
"Ang ayoko sa lahat ay ang kinakalaban ako" malamig nyang sabi.
Tinitigan ko naman sya at hindi nagpa-apekto sa sinabi nya. Ayokong magmukhang mahina kaya kaylangan kong lakasan ang loob ko at lumaban.
"Pwes kung ayaw mo palang may kumalaban sayo, baguhin mo yang ugali mo. Bakit? dahil wala taong hindi matitiis na kalabanin ka dahil sa ugaling meron ka" matapang kong sabi.
"A-anong sabi mo?" galit nyang sabi.
"Hindi ko na kasalanan kung di mo narinig. Kailangan ko ng umalis. Excuse" inis kong sabi at sabay alis sa harap nya pero...
Malakas nyang hinatak ang braso at iniharap muli sa kanya.
"Ano ba! Bitawan mo ko!" pagpupumiglas ko.
Napupuno na talaga ko sa gangster nato!
"Ulitin mo yung sinabi mo!" galit na sigaw ni Jk.
"Ayoko! Bitawan mo sabi ako!" sigaw ko muli at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak nya sakin pero mahigpit ito.
"Ayaw mo? Ha! Ginagalit mo talaga ako. V akin na yung pagkain ko" utos nya dun sa isa sa nyang kaibigan. Sumunod naman ito at kinuha ang spaghetti na nakapatong sa kanilang lamesa. Inabot nya ito kay Jk at walang ano-ano'y...
Inihagis nya ito sa mukha ko.
"Omg!/Hala!/Kawawa naman sya!/Bagay lang sa kanya yan!" Students
Rinig kong komento ng mga estudyante sa paligid namin pero hindi ko na lamang yun pinansin. Ang focus ko ay nasa taong (hindi ko alam kung tao pa ba ang sa harap ko) nagpapakulo ng dugo ko ngayon.
Hagisan ba naman ako ng spaghetti sa mukha?!
Ginagalit nya talaga ako!
Tinulak ko sya ng malakas at hinatak ang kamay ko mula sa kanya. Kumuha din ng isang platong may lamang carbonara at walang ano-ano'y...
"WTF!"
Hinagis sa mukha nya.
"Sabi nga nila, wag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw nilang gawin sayo. Dapat lang sayo yan!" galit kong sabi at lumabas ng canteen.
Pinagtitinginan ako ng taong nakakakita sakin dahil nga sa itsura ko kaya dumiretso na ako ng c.r para linisin at ayusin ang sarili ko.
Pagdating ko duon ay pumunta kagad ako sa sink para hugasan ang kamay ko at maghilamos. Habang ginagawa ko yun ay naalala ko yung mga nangyari.
Alam ko na simula ngayon ay hindi na magiging normal ang buhay ko.
Lalo na't kinalaban ko ang pinaka-kinatatakutang gangster sa paaralang ito.
Nangangamba pa kong mapatalsik sa paaralang ito dahil kinalaban ko lang naman ang apo ni Mr.Jeon.
Napa-hinga tuloy ako ng malalim.
Gusto ko ng umuwi at matapos ang araw na to.
*****
YOU ARE READING
°Jk ° | Bangtanseries#1 |
Storie d'amoreShe fell inlove to a gangster named JK. ~~~ ° Cover made by me ° » I can make manip covers so you can request if you want. Pm is the key ^.^