A's Pov
"Ang sabi ko san mo sya dadalhin?" pag-uulit ni V habang seryosong nakatingin kay Jk.
Gusto kong kumawala mula sa pagkakahawak ng dalawang gangster sa tabi ko pero hindi ko magawa dahil sa higpit nito at sa namumunong tensyon sa pagitan nila.
"Wala ka na dun. Bitaw" utos ni Jk kay V ngunit parang walang narinig si V at tinignan lang ito.
"Bibitawan ko lang sya pag sinagot mo yung tanong ko" maangas na sagot ni V.
Nagulat na lang ako ng biglang binitawan ni Jk yung braso ko at nilapit si V sabay hawak sa kwelyo nito.
"Ano bang problema mo?" galit na tanong ni Jk kay V.
Lumapit si Rm at Yg kila V at Jk para pigilan sa kung ano man ang masamang mangyari.
"Tol wag dito" narinig kong sabi ni Rm.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil na rin sa kabang nararamdaman ko. Gusto kong paghiwalayin sila dahil parang anytime ay magsusuntukan na sila pero alam kong wala naman akong lakas ng loob na gawin yun at alam kong mas malakas sila sakin. Napako na lamang tuloy ako sa kinatatayuan ko.
Jusko po.
Ano bang problema ng dalawang to?!
Tinanggal ni V ang pagkakapit ni Jk sa kwelyo nito. Inayos nya ito habang nakatitig pa rin kay Jk. "Wala. Nagtatanong lang ako. Ikaw ata ang may problema satin" sagot naman ni Jk.
"Hindi mo ba naintindihan sinabi ko? Ang sabi ko wala ka na dun. Wala kang pakelam kung san ko sya dadalhin kaya isang hawak mo pa sa kanya, alam mo na mangyayari" seryosong sabi no Jk sabay hawak ulit sa braso ko at hila sakin.
Lalo akong kinabahan sa ginawa nya dahil hindi ko alam kung saan nya ko dadalhin kaya naman...
Buong lakas kong hinila ang kamay ko mula sa kamay nya at sa wakas ay nabitawan nya ko.
Napahinto sya at nilingon ako.
"K-kailangan ko ng u-umuwi" mabilis kong sabi at nagmadaling umalis.
Kanina ko pa gustong umalis sa lugar na to. Gusto kong magpahinga at umuwi. Masyadong ng pagod yung sarili ko dahil sa dami ng nangyari.
"Bes!" napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Mia. Patakbo ito sakin at ng makarating sya ay hingal na hinga ito.
"O-okay *ha* ka *ha* l-lang*?" hinihingal nyang sabi.
Tumango ako. "Okay lang ako. Wag kang mag-alala. Tara na?" sabi ko.
"Wait lang naman bes. Hinihingal pa ko" sabi ni Mia.
Natawa naman ako. "Sino bang nagsabing tumakbo ka ha?" sabi ko at nagsimula ng maglakad ulit.
"Uy sandali naman!" sigaw ni Mia at hinabol ko.
"Nangiiwan ka na lang bigla. Parang sya" reklamo ni Mia ng maabutan ako.
Natawa na lamang ako.
Napatingin ako sa padilim ng kalangitan at napabuntong hininga.
Ang daming nangyari ngayong araw.
Simula ng kanina sa cafeteria, hanggang sa rooftop at sa clinic.
Nagyari lang naman lahat ng to simula ng kalabanin ko ang Red Dragon.
Hindi ko naman talaga ginustong kalabanin sila. Kung hindi lang nila ako pinahiya sa cafeteria, hindi aabot sa ganito. Kasalanan naman talaga nila eh. Lalo na ni Jk.
Jacob Kyn Santos.
Ayoko ng magsalubong ang landas natin.
Ayoko ng maging involve sayo.
Tigilan mo na ko.
Please.
Ayoko na kitang makita.
******
To be continue...
YOU ARE READING
°Jk ° | Bangtanseries#1 |
RomanceShe fell inlove to a gangster named JK. ~~~ ° Cover made by me ° » I can make manip covers so you can request if you want. Pm is the key ^.^