A's Pov
*knock knock*
Napatingin kaming lahat sa may pinto ng biglang may kumatok. Bumukas ito at pumasok ang bestfriend kong si Mia dahilan para mapangiti ako ngunit nawala din kagad ang ngiting yun ng sumunod na pumasok si...
Jk.
Nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa nito at seryoso ang kanyang mukha na normal ng makikita sa kanya.
Nagtama ang mata namin ngunit agad din nyang iniwas at tumingin sa kanyang mga kaibigan.
"Labas. Iwan nyo muna kami" utos nya sa ibang members ng Red Dragon. Nagkatitigan pa sila pero sumunod din naman ito.
Napatingin ako kay Mia na nakatingin kay V. Sinunadan talaga nya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ngunit hindi man lang sya nilingon ni V at nilagpasan lamang ito. Napayuko naman si Mia at halatang nasaktan sya dun.
"Sorry"
Narinig kong sabi ni Jk kaya napatingin ako sa kanya. Walang kagana gana nya itong binanggit at parang labag pa sa loob nyang sabihin yun.
"Ano? Hindi ko narinig" pagkukunwari ko. Gusto ko kasing maging sincere yung sorry nya dahil halos mapatay na nya ko dahil sa ginawa nya.
Napahawak sa kanyang bagang na para bang nainis sya sinabi ko.
Tss. Kung inaayos mo kasi edi natapos na.
"Ang sabi ko sorry. Ok na?" inis nyang sabi.
Natawa naman ako. "Ganyan ka ba mag-sorry? Halos mapatay mo na ko kanina tapos parang wala lang sayo at napilitan ka lang na humingi ng tawad? What a total ass****" galit kong sabi.
Nanggigigil ako sa lalaking to! Pasalamat ka dahil hindi pa maayos ang pakiramdam ko.
Kapag okay na ko, gaganitihan kitang gangster ka! Kainis!
"Anong sabi mo? Ulitin mo----"
"H-hindi ba ang s-sabi ni Mr.Jeon ay m-makikipag-ayos ka k-kay A at h-humingi ng t-tawad? A-alam mo naman s-siguro ang mangyayari pag n-naulit-----"
"Oo na!" pagpuputol ni Jk sa sinasabi ni Mia. Nagulat si Mia pati na rin ako.
"Bakit kasi hindi mo pa tanggapin yung sorry ko ng matapos na to?!" galit na sabi ni Jk."Hindi kasi sincere yung sorry mo! Gusto ko lang naman na mag-sorry ka na galing sa puso at hindi napilitin na nakikita ko sayo ngayon!" galit ko ding sigaw.
Sarap nyang bigwasan!
"Ha! Buti naman napansin mo? Hindi ko talaga matiis na humingi ng tawad sayo dahil sa totoo lang, ikaw ang may kasalanan dito" sabi nya muli.
"Wow! Ako pa?! Sino kaya satin ang halos makapatay ha?! Hindi ba ikaw?! Kaya ikaw ang may kasalanan lahat ng to! Sa canteen pa lang, napahiya na ko ng dahil sayo. Tapos sa rooftop? Halos hindi na ko makahinga at mapatay mo na ko. Sobra akong natakot sa ginawa mo at ikaw ang unang tao na gumawa sakin nun! Pero akala mo ba matatakot na ako sayo?! Tangna wag mo kong igaya sa mga estudyanteng binubugbog mo dahil hindi ko hahayaan na gawin mo ulit to sakin" galit ko pa ring sabi. Bumangon ako at umalis sa hinihigaan ko. Kahit medyo nanghihina pa rin ako ay kailangan ko ng umalis. Hindi ko matiis na makasama ang lalaking to.
"Wait bes, hindi mo pa kaya!" pagpipigil sakin ni Mia at halata sa mukha ang pag-aalala.
Nginitian ko sya. "Okay na ko bes. Wag ka ng mag-alala. Kaya ko naman ng umuwi" sabi ko kay Mia at kinuha ang bag ko sa may upuan at sinuot ito.
Aalis na sana ako sa clinic ng biglang may humila sakin pabalik.
Kung sino yun?
Ang pinaka-kinaiinisan ko lang naman sa buhay ko.
Si Jk.
"Bitawan mo ko" matigas kong sabi at tinanggal ang kamay nyang nakakapit sakin.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap" seryoso nyang sabi at nagulat ako ng hilahin nya ko palabas. Napatingin samin ang sila V na nakaabang sa labas.
"Bitawan mo ko!" sigaw ko.
"Jk san mo sya dadalhin?" tanong ni V pero hindi sya pinansin ni Jk at tuloy ang paghila sakin.
Napahinto kami ng biglang may humawak sa kabila ko namang braso. Paglingon ko ay hawak na ito ni V.
Nagkatitigan silang dalawa ng masama.
Wait anong nangyayari?!
*****
To be continue...
YOU ARE READING
°Jk ° | Bangtanseries#1 |
RomanceShe fell inlove to a gangster named JK. ~~~ ° Cover made by me ° » I can make manip covers so you can request if you want. Pm is the key ^.^