11

53 2 0
                                    

A's Pov

Sorry sa nangyari kahapon. Alam kong nagkamali kami dahil sa kagag*han na ginawa namin kaya humihingi ako ng pasensya. Hindi na mauulit pa kaya sana mapatawad mo kami. Pasensya na talaga.

                                                     -V

Hindi ko alam kung ilang beses ko ng binabasa ang sulat na to. Hindi kasi ako makapaniwala na gagawin nya to. Akala ko ay balewala lamang sa kanya ang nangyari pero mukhang may konsensya pa ring natitira sa kanya.Matutuwa na sana ako dahil kahit papaano ay may taong humingi ng pasensya sa nangyari kahapon. Pero, hindi sya ang gusto kong gumawa nito.

Kundi si Jk.

Gusto ko mismo na sya ang humingi ng tawad sakin dahil sya ang nagsimula ng lahat at gumulo sa tahimik kong buhay.

"Uy bes!"

Napabalik ako sa reyalidad ng tawagin at tapikin ako sa balikat ni Mia. Nasa canteen kami ngayon at pumipila para umorder. Ako na pala ang susunod at mukhang badtrip na sakin ang si aling Maria dahil sa tagal kong umorder. Magkasalubong na ang kilay nito at nakasimangot sakin.

Tinago ko na ang sulat sa bulsa ko at agad na umorder.

"1 piece ng chicken, 2 rice and 1 spaghetti po" sabi ko at kinuha ang wallet ko para kumuha ng pera pambayad.

"Wow ang dami naman?" narinig kong sabi ni Mia.

"Di na naman ako nakapag-almusal bes. Alam mo na laging late ng gising" sagot ko naman.

"Ay masama yan bes. Baka magkasakit ka nyan nako. Mag-almusal ka na sa susunod ha?" paalala ni Mia. Tumango na lamang ako biglang Pagsagot

Hinanda ni aling Maria yung order ko at di nagtagal ay inabot na nya sakin. Pagkakuha ko ay nilingon ko si Mia at sinenyasan na hihintayin ko na lang sa counter. Tumango naman ito kaya dumiretso na ko para magbayad.

Habang naghihintay ay inilibot ko ang mata ko. Naghahanap ako ng mauupuan namin at mukhang mahihirapan kami dahil halos lahat ay occupied na dahil sa dami ng estudyante. Nagbakasali pa rin ako at thank God dahil may nahanap ako. Ang kaso, parang kumulo ang dugo ko ng makita ko ang mga nakaupo sa katabing table nito.

Ang Red Dragon.

Pag minamalas ka nga naman.

Pero wala na kong choice. Wala naman ng ibang bakante kaya dun na kami uupo.

Bahala na.

Bibilisan ko na lang ang pagkain.

Sana lang ay hindi kami maunahan.

Nang matapos na si Mia ay nagbayad na din sya sa counter. Tinuro ko ang nahanap kong upuan kaya nagmadali kaming pumunta dun. Malapit na sana kami ng biglang...

May dalawang estudyanteng umupo bigla sa pwestong yun. Parang nakipag-unahan talaga sila dahil muntik pang matapon ang pagkain nila.

Aish!

San na kami uupo nito?!

Ito na lang ang bakante kaya san kami p-pwesto?!

°Jk ° | Bangtanseries#1 |Where stories live. Discover now