3

60 4 0
                                    

A's Pov

"Wuy A! ok lang ba talaga? Wala bang masakit sayo? Sabihin mo na ng madala kita sa clinic!" nag-aalalang tanong ni Mia habang chini-check ako.

Napabuntong hininga na lamang ako at hinawakan sya sa magkabilang balikat. Kanina nya pa ko tinanong pero iisa lang naman ang sagot ko. "Ok nga lang ako. Wag ka ng mag-alala ok?" sagot ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa roof top ng school at nakaupo sa mga lumang upuan. Dito ang palagi ang tambayan ni Mia after ng klase. Tahimik kasi dito at bihirang napupuntahan ng tao.

Pinanliitan nya ko ng mata at nag-crossed arm. " Bakit kasi pinatulan mo pa ang gangster na yun? Ikaw na mismo ang nagsabi sakin na kahit sino ay pinapatulan ni Jk, kahit na babae pa. Pano kung may nangyari sayong masama ha? Napaka-delikado ng ginawa mo!" malakas na sabi ni Mia habang magkasalubong ang kilay.

"Oo sinabi ko yun pero hindi naman kasi tama yung ginawa nya. Nauna tayo dun. Nag c.r lang ako saglit at pinabantay ko naman dun sa isang estudyante malapit sa table natin pero hindi ko alam kung ba't nagkaganun. Siguro tinakot nya yung estudyante para maka-upo lang sila" inis kong sagot kay Mia.

Halos lahat ng estudyante ay takot sa grupo ng Red Dragon. Kilala kasi itong gangster sa BigHit High at walang nagtatangkang kalabanin sila. Sa pagkakatanda ko, nung isang buwan lang ay nasangkot sila sa gulo dito mismo sa loob ng paaralan. Na suspend silang lahat ng isang linggo at pinag-community service. Nagsimula ang away ng sabihan ni Hyun na ampon si Jk.

Idk if it is true or not.

"Bes" tawag ko kay Tzuyu. Nakatingin kasi ako sa kalangitan kaya nakikita ko sya through peripheral vision.

"Hm?" sagot naman nya.

"Totoo kayang ampon si Jk?" tanong ko.

"Hmm... sabi nila hindi naman daw totoo yun e. Kaya hindi din ako naniniwala. Wala din namang ebidensya na magpapatunay na ampon sya e. Baka naghahanap lang talaga ng away yung grupo nila Hyun kaya nila nasabi yun" sagot naman ni Mia.

Napabuntong hininga ako at this time, nilingon ko na sya "Ganun? Pero bakit affected sya nung sinabihan syang ampon? Baka naman totoo talaga" sabi ko kay Mia.

Nakita ko kung paanong halos mapatay nya si Hyun ng sabihan syang ampon nito. Galit na galit talaga sya nung araw na yun.

"Hmm... Idk. Pwedeng totoo, pwedeng ding hindi" sagot ulit ni Mia. "Teka nga, daldal tayo ng daldal dito, late na ata tayo! Anong oras na ba?" sabi ni Mia sabay tingin ng oras sa phone nya.

"Oh shoot! Late na tayo ng 10 minutes! Tara na bes!" nag-p-panic na sabi ni Mia.

Natawa naman ako. "Wag kang o.a. 10 minutes pa lang naman. Kung dumating nga si ma'am 30 minutes late e" natatawa kong sabi. Tumayo na rin ako nagpagpag ng palda.

"E basta! Tara na! Baka maagang dumating e! Magalit pa yun. Kaja!" nagmamadaling sabi ni Mia at naunang lumakad samantalang ako ay busy sa pag chat para itanong sa mga kaklase ko kung nasa classroom na ba si ma'am.

*Bump*

"Ah!" bigla kong sabi at napahawak sa noo ko ng may mabunggo ako. Pagtingin ko ay bumungad sakin ang likuran ni Sam.

"O ba't ka tumigil? Kanina nagmamadali ka tapos---"

"A.." kinakabahang tawag ni Mia sa pangalan ko. "S-si J-jk" sabi nya muli.

Napakunot ang noo ko ng banggitin nya ang pangalan ng gangster na yun.
Sumilip ako sa harap at laking gulat ko sa bumungad sakin.

Si Jk.

O.M.G

"Iwan mo kami" Jk

*****

°Jk ° | Bangtanseries#1 |Where stories live. Discover now