4

53 4 0
                                    

A's Pov

Hinawakan ko ang braso ni Mia para ipahiwatig na wag nya kong iwan. Kinakabahan na ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin sakin ni Jk once na kami na lang dalawa. Nag-aalala pa ko kung narinig ba nya ang pag-uusap namin ni Tzuyu. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Jusko ano ba tong pinasok ko.

"A-ah Jk, h-hindi ko k-kayong pwedeng i-iwan k-kasi kailangan na r-rin naming u-umalis d-dahil may k-klase kami. S-sana maintindihan mo" paliwanag ni Mia kay Jk. Ramdam ko ang takot ni Mia dahil bukod sa nauutal sya, nanginginig ang kanyang braso.

Sinubukan naming umalis ni Mia pero hinarangan kami ni Jk dahilan para mapahinto kami.

"At the count of three, pag hindi ka pa umaalis" seryosong sabi ni Jk sabay turo kay Mia "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo" banta ni Jk.

Mas lumakas lalo ang panginginig ni Mia dala ng sobrang takot. Kinakabahan na rin ako para sa kanya kaya wala na kong choice kundi...

"Sge na. Iwan mo na ko" sabi ko kay Mia dahilan para lingunin ako nito. May namumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"Hindi bes. Baka kung anong gawin nya----"

"One" pagsisimula ni Jk.

"Pls Mia! Umalis ka na sabi!" pagmamakaawa ko kay Mia.

Umiling naman ito at ang namuong luha sa kanyang mga mata ay tuluyan ng bumagsak.

"Ayoko! Hindi pwede!" umiiyak na sabi Mia.

"Two" pagpapatuloy ni Jk.

Tinulak ko na si Mia papalayo sakin. "Umalis ka na!" sigaw ko sa kanya at...

Napahinga ako ng malalim ng sa wakas ay sumunod na sya at nagmadaling lumabas pero bago sya tuluyang makalabas ay lumingon sya sakin.

"Tss. Ang drama nyo." inis na sabi ni Jk habang nakapasok ang magkabilang kamay sa bulsa at papalapit sakin.

Napa-atras naman ako at napalunok sa biglaan nyang paglapit sakin. Kinakabahan ako at kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko na maari nyang gawin sakin.

Ano ba kasing kailangan ng isang to?!

"Bakit parang takot na takot ka? Samantalang kanina ay ang lakas ng loob mong kalabanin ako. Ngayon mo ilabas yang tapang mo" nakangisi na sabi ni Jk habang patuloy ang paglapit sakin.

Nagpalinga-linga ako para maghanap ng kahoy o bakal maaring ipang-laban at panghampas sa kanya at..

Ayun!

Nakita ko ang isang mahabang bakal di kalayuan sakin. Agad kong inabot ang kamay ko para kunin yun pero mabilis na sinipa ito ni Jk papalayo sakin.

"Nice try" nakangising sabi ni Jk sakin at tuluyan ng nakalapit sakin.

"Ano ba kasing kailangan mo!" galit na sigaw ko sa kanya.

Naiinis na talaga ako sa isang to. I want to kick him where it hurt the most!

"May gusto lang akong malaman. Ako ba yung pinag-uusapan nyo kanina?" tanong nya.

*Tud*

Napahinto ako ng maramdaman ko ang edge ng pader sa likod ko. Napalunok ako ng tuluyan na syang makalapit at ikinulong ako sa magkabilang bisig.

"Tinanong kita kaya sumagot ka" seryosong sabi ni Jk sakin. Hindi ko magawang tignan sya ng diretso dahil una, ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa at pangalawa, nakakakot ang paraan ng pagtitig nya sakin.

"Iniinis mo talaga ako" malamig nyang sabi ng hindi ko sya sinagot sa kanyang tanong.

"Uulitin ko, ako ba yung pinag-uusapan nyo kanina? Subukan mong hindi sumagot ulit kundi malalagot ka na sakin" banta nya.

Napalunok na naman ako at feeling ko ay maiihi na ko anytime dala ng takot na nararamdaman. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko. Ayokong umamin pero wala akong choice kundi ang gawin yun.

"O-oo" nauutal at maikli kong sagot.

Ayokong magsinungaling dahil once na mahuli nya kong nagsinungaling ay paniguradong sa hospital ang bagsak ko.

"Sinong nagsabing pag-usapan nyo ko?" seryoso nya pa ring sabi habang matalim akong tinignan.

Napapikit ako dahil hindi ko na alam ang isasagot ko. Halo halo na ang naiisip at nararamdaman ko.

Galit, takot at pangamba sa kung anong pwede nyang gawin sakin lalo na't kami lamang dalawa ang magkasama.

Nanlalambot na rin ang tuhod ko at hindi na kataka-taka kung bigla na lang akong babagsak sa kinatatayuan ko.

Napabuga sya sa hangin ng wala syang nakuhang sagot mula sakin.
Kitang kita ang pagkainis sa kanyang mukha.

"Punong-puno na ko sayo" galit nyang sabi at nagulat ako ng bigla nya itinaas ang kwelyo ng uniform dahilan para mahirapan akong makahinga.

"B-bitawan m-mo k-ko. H-hindi a-ako m-makahinga" nahihirapan kong sabi habang patuloy pa rin ang pag-angat nya sakin. Sinusubukan kong alisin ang kanyang kamay pero sobrang higpit nito.

Mas lalo akong sumisikip habang lalong tumataas.

Jusko po.

Sana may dumating para tulungan ako.

Nahihirapan na ko.

Hindi ko na kaya.

"Kung sinagot mo lang ang tanong
ko---"

"Jk"

Kahit nanlalabo na ang paningin ko dala ng namumuong mga luha ay kitang kita ko pa rin kung paano nagbago ang expression ng mukha ni Jk pagkarinig na pagkarinig nya ng isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran.

Kung hindi ako nagkakamali...

Sya yung...

Dahan dahan akong ibinaba ni Jk at halos habulin ko ang aking paghinga. Naninikip na rin ang dibdib ko at biglang akong nakaramdam ng hilo.
Sinubukan kong tumayo pero bigla na lamang akong natumba at...

"L-lo" narinig ko pang sabi ni Jk bago tuluyang nagdilim ang paligid.

*****

°Jk ° | Bangtanseries#1 |Where stories live. Discover now