A's Pov
"Hays!" napabuntong-hinga ako at napasalampak sa aking higaan. Pagod na pagod ang katawan ko at kailangan ko ng magpahinga ulit kahit na maghapon na akong nakahiga sa clinic kanina. Sa dami ba naman ang nangyari ngayong araw, hindi na ko magtataka kung bakit ganto ang pakiramdam ko.
*Plays Boy in luv by Bts (Stream and stan legends guys :>)
Inangat ko ang ulo ko ng marinig kong tumunogQ ang phone ko. Tumayo ako para hanapin yun at nakita ko ang ilaw na nagmumula sa bulsa ng bag ko.
Napakunot tuloy ang noo ko ng makitang nakabukas iyon.
Wait, bakit bukas ang bag ko?!
Agad kong nilapitan iyon at kinuha ang phone ko. Bumungad sakin ang pangalan ni Mia kaya sinagot ko ang tawag nya.
(BES!)
Mabilis kong nilayo ang phone ko sa biglaang pagsigaw ni Mia. Para akong mabibingi sa sigaw nya.
"Aray ha! Kailangan sumigaw?" tanong ko at nahiga ulit sa kama.
(Ay sorry naman! Nadadala lang ako sa emosyon. Kasi bes ano...nabalitaan mo na ba?)
Napakunot na naman ang noo ko dala ng pagtataka sa sinabi nya.
Anong ibig nyang sabihin?
"Hindi. Bakit ano bang nangyari?" naguguluhan kong tanong.
Ano ba kasi yun?
Bat kailangan ko pang malaman?
(Shoot. Wag kang magugulat sa sasabihin ko ah)
Napabuga ako sa hangin dala ng pagkainis.
Gosh Mia spill it!
"Mia kung ano man yung sasabihin mo, sabihin mo na please. Pagod na ko, i need to rest, nagsasayang lang tayo ng oras---"
(Okay i'm sorry. Hindi ko sasayangin oras mo i promise! Kasi bes may kumakalat na video mo)
Nanlaki ang mata ko at naupo sa hinihigaan ko. "Wait ano?! May video ako?! Ng ano?! Anong ginagawa ako sa video?! Sino nagkalat?! Pano nangyari?!" sunod sunod kong tanong.
Anong video sinasabi nya?!
(Buksan mo fb account mo dali!)
Sinunod ko ang sinabi ni Mia. Tumayo ako at naupo sa harap ng computer.
Sa sobrang kaba ko at hindi ko mapigilan kagatin ang kuko ko sa kamay. Ganto kasi ako pag kinakabahan.
"Shet bilisan mo!" inis kong sabi sa computer na ang tagal magbukas. Tinaype ko ang pass at ilang minuto pa bago nagbukas ito.
Ng okay na ay pinindot ko ang fb at di nagtagal ay lumabas na din. Tinaype ko ang username then pass ko. Ng bumukas na ang fb ko ay nagulat ako sa dami ng notifs at messages na lumabas.
Huminga muna ako ng malalim bago ito binukasan. Inuna ko ang notifs ko at nanlaki ang mata ko sa mga nakita ko.
"O...my...gosh" nasabi ko na lang ng buksan ko ang isa sa mga ito.
Bumungad sakin ang isang video na may 5k reacts, 1,5k comments and 2,3k shares. Hindi ko pa man na p-play eh alam ko na kung ano ang nakapaloob dito. Yung eksena sa canteen kanina kung saan nangyari ang pakikipag-away ko kay Jk.
Napahawak ako sa noo ko. Naalala ko na naman yung nangyari kanina. Naiinis ako sarili ko dahil naging pabaya ako at hindi ko inisip na may gagawa nito pero mas naiinis ako sa nag-upload nito!
Tinignan ko kung sino ang nag-post pero mas lalo lang akong na badtrip dahil isa lang tong dummy account.
Argghhh!!
Mapapatay kita kung sino ka man!
Binasa ko pa rin ang comments para makakuha ng clue base sa pag r-reply ng nito sa mga comments pero mas kumulo lang ang dugo ko dahil puro pamb-bash at memes ng mukha ko ang nakita ko.
Kung laptop lang tong hawak ko, nabato ko na to sa sobrang inis!
Pinanood ko ang video para malaman ko kung bakit ganun ang nababasa ko at dun ko nalaman ang sagot.
Hindi buo ang video.
Naputol ito kung saan binuhusan nya ako ng spaghetti. Rinig pa ang reaksyon ng mga estudyante na nonood samin and boom. Dun na natapos ang vid.
Napakuyom ang kamao ko dala ng galit.
Kaya nagmukhang katawa-tawa ako sa vid yun at parang walang kalaban laban.
Kung sino man ang gumawa nito,
Humanda ka sakin!!!!!
*******
To be continue...
(Next update: Next Saturday! Thanks for reading this! Love yah!)
YOU ARE READING
°Jk ° | Bangtanseries#1 |
RomanceShe fell inlove to a gangster named JK. ~~~ ° Cover made by me ° » I can make manip covers so you can request if you want. Pm is the key ^.^