CHAPTER 1

493 8 0
                                    

Brianna POV:

Limang taon na ang nakakalipas ng mangyari ang malaking pagbabago sa buhay ko. Tandang tanda ko pa kung paano ako pinagmukhang tanga at ginawang uto uto ng ibang tao, kung bakit bigla akong nagbago na ikinagulat ng iba. Hindi nila ako masisisi kung bakit ganito na ako ngayon many called ni a bitch, a rebel, a playgirl who don't have a heart. They also called me the heartless bitch pero anu ba ang alam nila, wala naman di ba?

Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan kung paano na durong ang aking puso at ginawa niya ako uto uto. Hinding Hindi ko mapapatawad si Alexander sa ginawa niyang panloloko sakin hinding Hindi..

Five years ago.....

Matapos kung marinig ang pag-uusap nila Alexander at ang kanyang mga barkada ay umuwi na ako ng bahay. Pagdating sa bahay at nakita ko sila mommy at daddy na nanonood ng TV, naka akbay si daddy Kay mommy habang si mommy naman ay nakahilig sa dibdib no daddy. Bata palang ako gusto ko ng makatagpo ng lalaking tulad ni daddy patuloy na minamahal at iniingatan si mommy kaya nga ang ideal man ko ay tulad ni daddy at nakita ko yun Kay Alexander ganun na ganun kasi si daddy nung kabataan niya dahil noong bata pa ako lagi ni mommy na ikekwento ang love story nila.

Kaya kahit wala pa akong balak magnobyo dahil gusto ko muna makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng diploma pero lahat yung nagbago ng makilala ko siya actually matagal ko na siya kilala kasi sikat silang magbabarkada sa skul namin dahil player sila ng basketball na nagrerepresent ng skul sa mga laban. At kilala din sila playboy sa skul kaya nga laking gulat ko ng lapitan at kaibiganin niya ako at mga barkada niya.

Niligawan niya ako nung una talaga di ko pinapansin ang panliligaw niya sakin pero nung naglaon naniwala na ako na talagang seryoso siya sa panliligaw sakin. Tumagal ding ng isang buwan at kalahati bago ko siya sinagot dahil gusto ko nga malaman kung seryoso siya talaga pero Hindi siya sumuko kaya sinagot ko na siya kasi nagugustuhan ko na din siya. Every monthasary namin nagdadate kami lagi din siya may regalo at malaki ang respeto sakin dahil kahit minsan hindi niya ako hinalikan sa lips puro sa pisngi o di Kaya sa noo..

Kaya nung 3rd monthsary namin talagang nagulat at nabigla ako pero dahil mahal ko siya kaya nagpadala ako Hindi ko naman alam na parte lang pala ito ng isang pustahan bwisit siya..

Napukaw ang pagmumuni muni ko ng bigla akong tawagin ni daddy.

" O Angel nakauwi ka na pala ang bilis naman akala ko mamayang hapon pa ang uwi mo?" Tanong ni daddy sakin.

"Ah wala po kasi sa bahay yung pinuntahan ko kaya umuwi nalang po agad ako." Sagot ko saka naglakad paakyat sa hagdan "Mom, Dad aakyat lang po ako sa kwarto ko."

"Sige anak bumaba ka din sa tanghalian ok."

"Yes Mom"

Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Dun ako nag-iiyak at ipinagluksa ang puso kung pinatay ng manloloko kung nobyo.

The Bitches Series: The Heartless Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon